Chapter 7
Eat or else
"Ano ba!" Sigaw ko ng binagsak niya ako sa malambot na kama.
Tinignan ko ang paligid, puro pink at puti ang nakikita ko. Kahit papaano ay hindi niya ako dinala sa kwarto na may mga pang torture na gamit, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Clean yourself and get downstairs, breakfast's ready." Matigas nitong wika habang nakatitig sa'kin.
Tumiim ang bagang ko at bumangon, makakapag-almusal pa ba ako kung nandito ako sa bahay ng isang taong hindi ko naman kilala at tinatawag ako sa iba't-ibang pangalan? and worse? May portrait ng pagmumukha ko sa living area niya. Baka nga isang araw lang akong manatili rito mabaliw na'ko ng tuluyan.
"I'll wait you downstairs." Wika nito ulit at tumalikod. Isinara nito ang pinto at nawala na ang tunog ng metal taps.Malakas akong bumuntong hininga at humiga sa kama. Nakakainis, paano na'ko makaalis dito? I've got no phone, nahulog 'yun ng hinabol ako ng baliw na balbas saradong lalaki na 'yon.
Napahawak ako sa tyan ko ng marinig ko na malakas itong kumalam. Shit, I'm starving. Pero hindi ako bababa! Malay ko ba kapag lumabas na ako sa pintuan ng kwartong ito ay bigla na lang sumabog ulo ko? 'Yung lalaking kasama ko sa bahay na ito ay hindi ko makapagkakatiwalaan at hindi dapat pagkatiwalaan kahit na anong mangyari.
Bumangon muli ako at lumapit sa malaking aparador, binuksan ko ang pinto nito at bumungad sa'kin ang maraming damit.
I cringe at the sight of the clothes, kumuha ako ng isang damit na nakasabit at sinipat ito. Electric blue short dress, simple lang ang design nito pero.... maikli, tumapat ako sa full body mirror at tinapat sa'king katawan ang dress. Punyeta naman, hindi ko pa naisusuot pero hanggang ilalim lang ng pwetan ko ang haba nito.
Umalis ako sa harapan ng salamin at bumalik sa aparador upang maghanap ng masusuot. Pero bigo akong makahanap ng matinong damit, puro dress na sobrang ikli 'di kaya naman mga sleeveless at crop tops.Padabog kong sinara ang pinto ng aparador sa inis. Hindi na'ko magugulat kung yung baliw na lalaki kanina ang bumili ng mga damit na'to. Mas maayos pa yung mga damit na dala ko eh.
Tama, nasaan na nga ba ang mga gamit ko? Luminga ako sa paligid at hinanap ang duffle bag na dala ko kagabi. Tinignan ko sa gilid, sa ilalim ng kama ko, maski sa banyo naghagilap na'ko pero wala pa rin.
Kumalam uli ang tyan ko, napahawak ako sa sikmura. Nagugutom na talaga ako.
"Ugh! I hate this!" Bulong ko sa sarili ko at lumabas sa banyo.
Mabilis akong naglakad sa pinto at lumabas, binagsak ko ng malakas ang pinto sa likod ko pero ng makaisang hakbang pa lang ako ay napatigil ako.
"Argh! Ano ba!" Sigaw ko at hinila ang jacket ko na naipit sa pintuan.
Napapadyak ako sa bwisit at binuksan uli ang pinto at hinila ang jacket ko. Nagugutom na'ko!
Magkasalubong ang kilay ko ng nilakad ko uli ang hallway. Nang marating ko na ang hagdan ay mula sa itaas ay nasilayan ko ang lalaking italyano na nakatayo sa pinaka ibaba ng hagdanan. Tuwid itong nakatayo habang nasa bulsa ang dalawa nitong kamay at seryoso ang mukha na nakatingin sa malayo.
Hindi agad ako humakbang pababa, nanatili lang ako doon at nakatingin sa seryosong mukha ng estrangherong lalaki na nasa ibaba ng hagdan. I can see his defined jaw through his faded beard, those sharp nose and his deep black messy curls.
YOU ARE READING
Stockholm Syndrome (Editing)
Romance[Montanari Series #1] "Welcome home, my angel." - Zedvius Alessandro King Morgan- Montanari When Izzariah Natalia Allegro decided to introduce her long time boyfriend to the public, things got changed. Her parents hated and neglected her. She finds...