Chapter 22
Tour
"She doesn't like breads, Luke." Zak told Luke.
Hindi ako nilagyan ng toast bread ni Luke, bagkus ang nilagay niya ay bacon, egg and pancake.
"Thank you, Zak." Ngiti ko sa binata at humiwa sa pancake ko.
Tahimik sa hapag-kainan, kinuha ko ang baso sa tabi ko at iniabot kay Luke. Una niyang sinalinan si Zak bago ang akin, habang nagsasalin si Luke ay napansin ko ang maliliit na gasgas sa mga daliri nito at marami iyon. Tinignan ko rin ang kamay ni Zak at mas marami sa binata.
"Omg, what happened to your hands?" Tanong ko.
"Kinusot—"
"Nothing." Putol ni Zak kay Luke. Tinignan ko ang binata pero nanatili lang itong nakayuko at seryosong kumakain.
Binalingan ko si Luke na mukhang tanga na nakatayo sa tabi namin, kinuha ko ang atensyon nito at sinenyasan na lumapit sa akin.
Minuwestra ko ang kamay ko at yumuko si Luke sa lebel ng mukha ko, "Kindly tell me what happened to your knuckles?"
Luke took a glance at Zak before speaking, "Salamat sa pagsira mo sa washing machine, kaya buong araw kaming nagkusot sa gabundok na labahan mo."
Napalunok ako sa kinakain ko at kinuha ang baso at uminom ng tubig. Ang ibig bang sabihin, sila ni Zak ang naglaba ng damit ko? Kaya ba nakita ko si Zak kagabi sa kwarto ko at ang nakatiklop na mga damit sa tabi ng kama ko?
Yumuko ako at tinuon ang tingin sa pagkain sa harap ko. Lihim kong hinimas ang dibdib ko na malakas ang pintig, hindi na rin ako makakain ng maayos dahil parang may riot sa loob ng tyan ko.
"Excuse me." Paalam ko at tumayo.
"Where are you going?" Tanong ni Zak.
"Sa garden." Sagot ko sa unang lugar na pumasok sa isip ko, kailangan ko ng sariwang hangin dahil para na naman akong kinakapos ng hininga.
"You haven't finished your meal yet." Anang ni Zak at pinunasan ang gilid ng labi.
"I'm full." Sagot ko ng hindi tinitignan ang mapanuring tingin ni Zak.
"Alright." Simpleng sagot ni Zak.
"Luke, please ready my usuals at the back." Utos ko.
"Yes, señora." Sagot ni Luke. Tumango ako at mabilis na naglakad palabas ng dining hall.
I sipped at my chamomile tea and look at the blue sky of the afternoon through the lens of my shades. I comfortably lean my back at the chair and close my eyes and put the book onto my face, at last, I'm at peace again. This is what we called "Peace of mind".
Natigil ako sa pagrerelax ko ng may narinig akong tumikhim. Tinanggal ko ang libro sa mukha ko at tinignan ang matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ko.
YOU ARE READING
Stockholm Syndrome (Editing)
Romance[Montanari Series #1] "Welcome home, my angel." - Zedvius Alessandro King Morgan- Montanari When Izzariah Natalia Allegro decided to introduce her long time boyfriend to the public, things got changed. Her parents hated and neglected her. She finds...