Chapter 33

35 14 0
                                    


Chapter 33

Who is she?

Nagising na lamang ako dahil sa biglang pagbangon ni Zak sa tabi ko. Agad akong bumangon at pawis na pawis ang malapad na likod ng binata. Malalalim ang paghinga nito at naninigas ang mga balikat.




"Zak?" Tawag ko at hinawakan ang balikat niya.




Lumingon ito sa akin, namumula at kuminkintab ang mga mata nito. Agad na nilukob ng matinding pag-aalala at kaba ang dibdib ko ng makita ang kakaibang takot sa mga mata nito. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ni Zak at hinawakan ang mukha nito.




"Zak, anong problema?" tanong ko ng puno ng pag-aalala. Tinitigan lamang ako nito at biglang niyakap.





"I thought you leave me..." Bulong nito sa tenga ko. Naiilang akong humawak sa balikat nito na may pagtataka sa isipan.





"What are you talking about?" marahan kong wika.





   Humigpit ang hawak nito at naramdaman ang pamumuo ng tensyon sa katawan nito, "Don't leave me again..." He whispered.



    What is he talking about? "Zak, what are you talking about? I'm here, alive and surreal." utas ko at hinimas ang malapad nitong likod.



    Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan sa mga susunod niyang sasabihin. Parang hinihila ng kung anong pwersa ang puso ko palabas sa katawan ko sa sobrang kaba.





"Don't leave... please, don't leave me again, Risa..." He said vulnerably.



    Tila binuhusan ako ng yelo sa narinig ko. Nanigas ang katawan ko at nanlamig ang mga kamay ko. Tila may nahiwa sa dibdib ko at may kirot na dumaloy roon. Risa? Why Risa?


    Tinitigan ko ang mga mata niya. Behind those deep brown eyes, it speaks a lot of pain and loneliness. Nasasaktan ako sa nakikita ko sa mga mata niya. Pero gusto kong magalit, why Risa? Why her again? Ngunit hindi ko 'yon magawa. Hindi ko kayang makitang ganito si Zak at magalit sa kanya.





"I won't," utas ko at niyakap ito.





"I won't, I promise..." Mahina kong usal at pumikit. Sana pagdilat ko ako na ang tawagin mo, Zak.




    Pumihit ako ng higa at nakapa ko ang puwang sa tabi ko. Dumilat ako at wala na sa tabi ko si Zak. Agad na nag-iwan iyon ng puwang sa dibdib ko, nasaan na siya?


    Bumangon ako at naglinis ng sarili at lumabas na ng aking kwarto.



     Pagdating ko sa dining hall ay nadatnan ko si Luke na in-inject ang syringe sa braso ni Zak. Nagsindi ng sigarilyo si Zak at malakas na nagbuga ng usok sa bibig nito. Naglakad ako papasok at walang imik na lumapit.





Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now