Chapter 37Lucy in the Sky with the Diamonds
Ninamnam ko ang karne ng isubo ko 'yon, tamang tama lang ang pagkakaluto at masarap ang pagkakatimpla. Sumimsim ako ng wine at bumaling kay Zak, nakatulala ito at mas umitim ang ilalim ng mga mata nito.
"Is everything okay, mi amor?" Nag-aalala kong tanong.
Ngumisi ito at tila nakalutang sa langit ang binata. Napakunot ang noo ko dahil sa kakaibang kinikilos ni Zak. Humahagikgik si Zak at parang sabog sa kung anong droga, namumula ang mga mata nito at dilat. Humigpit ang hawak ko sa tinidor at kutsilyo.
"Zak." tawag ko ngunit nakatulala pa rin ito at ngumingisi mag-isa.
Tinignan ko si Luke na nakatayo sa gilid at puro benda ang mukha dahil sa pangbubugbog ni Zak kagabi. Bumuntong hininga ito at hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Luke, uminom na ba ng gamot si Zak?" tanong ko.
"Yes, Señora." Pormal nitong tugon.
Bumaling muli kay Zak na nakatulala, "Zak," tawag ko.
"Zak!" Sigaw ko. Tumigil ito sa pagtawa at dahan-dahang nag-angat ng tingin.
Nagtama ang mga tingin namin, "Risa, you're eyes are kaleidoscope..." Wala sa sariling utas nito.
Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Nasisiraan na ba siya ng bait?
"Zak? What's wrong?" Nag-alala kong tanong at hinawakan ang mukha ng binata.
Namumungay ang mga mata niya at namumula, his eyes were felt empty. Like he was in cloud nine, like he was high.
"Oh my god, are you in drugs?" Gulat kong tanong.
"No, he isn't." Sagot ni Luke at binalingan ko ito.
"Gago ka ba? Anong hindi, tignan mo nga si Zak. Mukhang sabog sa droga!" Bulalas ko at tinaliman ang tingin ko.
"Kunin mo ang gamot at dalhin dito ako ang magpapainom sa kanya." utos ko. Now, malalaman ko na rin kung ano nga bang pinaiinom niya kay Zak.
"Hindi pa siya pwedeng painumin. Mao-overdose siya at mas lalong lalala ang kalagayan niya." utas nito.
YOU ARE READING
Stockholm Syndrome (Editing)
Romance[Montanari Series #1] "Welcome home, my angel." - Zedvius Alessandro King Morgan- Montanari When Izzariah Natalia Allegro decided to introduce her long time boyfriend to the public, things got changed. Her parents hated and neglected her. She finds...