Chapter 4

103 29 11
                                    

Author's Note: Pakiusap, kung ano man ang mga nabasa o mababasa sa istoryang Ito ay hindi ko nirerekomendang i-apply in real life. Especially, on the previous chapter. May mga pagkakataon na nakakasagutan natin ang mga magulang natin. Pero wag tayo laging papadala sa emosyon natin. Lalo na sa ginawa ni Talya na hiniling niyang mamatay ang magulang niya which is very wrong. Never wish your parents dead or you'll end up regretting it. Stop wishing others death, ika nga nila, becareful what you wish for. Mag ingat tayo sa mga salitang pinipili natin.

  Paalala: Ito ay kathang isip lamang. Wag na wag gagayahin! Mahal ko kayo mga kamote!

[Play Music: Stockholm Syndrome by One Direction]

Chapter 4
 

Under the Street Lamp

Agad na dumaloy ang kaba sa'king sistema. Sandali akong natigilan pero agad ko iyong binalewala at humarap.

Mahigpit ang hawak ko sa aking bag nang humarap ako. Marahas akong bumuga ng hininga ng makita kung sino ang tumawag sa'kin.
     
"Manang Helen!" Tawag ko. I sighed in relief.

"Talya, ano bang ginagawa mo eh gabi na!" Wika ng ginang at niyugyog ako.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa'king braso, "Manang naman huwag kayong maingay." Suway ko dahil sa pagtaas niya ng boses.

Pumikit ito at pinagdikit ang labi, "Eh, ano ba kasing ginagawa mo? Gabi na, 'wag mong sabihing aalis ka pa." Bulong niya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Manang..." Tawag ko at luminga sa paligid. Yumuko ako upang marinig niya ako.
 
"Nasaan sila?" Wika ko at tinutukoy ang mga magulang ko.

"Si señor ay umalis ulit kanina pa. Si señora naman ay nasa kwarto na niya at nagpapahinga na." Aniya at tumango ako.
    
"Eh, saan ka ba kasi pupunta hija?" Wika ng matanda at niyugyog ulit ako.
 
"Manang, kailangan ko ng umalis dito. Ayoko na dito!" Kunot noo kong sambit.

Bumuntong hininga ang matanda at tsaka ako tinignan sa mata, "Narinig ko ang pag-aaway niyo ng mga magulang mo," Binigyan ako nito ng nag-aalalang tingin.

Umiling ako, mabuti pa si manang nag aalala sa'kin. Simula pagkabata ko ay hindi ko madalas nakakasama ang mga magulang ko dahil lagi silang walang sa mansyon upang asikasuhin ang negosyo at ang pamamalakad rito sa Alfonso Castañeda ni Dad.

Simula pa noon ay malayo na ang loob ko kay Dad. Hindi niya ako nagagawang kamustahin man lang o di kaya'y pumunta sa mahahalagang okasyon sa buhay ko. Si Mom naman ay lagi ring wala pero nagagawa niya akong kamustahin sa pagtawag. Pero dahil masyado siyang busy ay hindi kami ganoon nakakapag usap.

Simula ata pagkapanganak ko si Manang Helen na ang nandyan para sa'kin upang alagaan at bantayan pero higit pa doon ang ginawa niya.
    
"Kaya nga kailangan ko ng umalis! Hindi ko masisikmura ang pagkontrol nila sa buhay ko." Wika ko.
 
"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" Nag-aalala nitong tanong. Pumikit ako pinigilan ang sarili. Kahit papaano ay may nag aalala para sa'kin pero ayoko na.
     
"Manang, alam kong nag-aalala kayo. Pero pakiusap hayaan niyo na ako sa gusto ko." Wika ko.

Bumuntong hininga ang ginang at saka ako tinignan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Ngumiti ako at hindi napigilang yakapin ang babaeng pinaramdam sa'kin paano magkaroon ng totoong ina kahit hindi ko kadugo.
   
"Thank you..." Hindi ko alam pero tuluyang bumagsak ang luha sa'king pisngi hindi dahil nasasaktan ako pero sa sobrang pagpapasalamat dahil may taong nakakaintindi sa'kin.
   
"Mag-iingat ka ah! Mag-text o tumawag ka sa'kin!" Aniya at hinimas himas ang likod ko. Tumango ako.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now