Chapter 28Ang Susi
Kinagabihan ay nagsulat ako at nag iwan ng sulat sa bintana. Inilagay ko sa sulat kung sino nga ba siya, ang taong nagpapadala ng sulat at ang pakay niya.Kinaumagahan 'pag gising ko ay agad hinanap ng mga mata ko ang bintana. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na naglakad patungo sa bintana ng makita ang brown paper nakaipit.
Inangat ko ang bintana at hinigit ang nakaipit na papel at sinara muli ang bintana. Binuklat ko ang papel at binasa ang nakasulat roon.
To have what your heart desires, climb the walls;open the magical door and reunite to the forest. But first, let the king falls to your beautiful eyes and physique. Seduce the king, black nymph.
Binasa ko ulit ang unang pangungusap sa sulat. To have what your heart desires, climb the walls; open the magical door and reunite to the forest.
Magical door, saan ko nga ba narinig iyon?
Tinupi ko ang papel at binuksan ang drawer at kinuha ang sulat na nakuha ko kahapon.
"To be able to escape; find the key to the magical door of the forest." Basa ko. Ibinaba ko ang sulat at tinupi iyon. Ano ang ibig sabihin ng nagpapadala nito?
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng balkonahe at lumabas roon. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng nobyembre. Matatayog na puno ang bumungad sa paningin ko. Sumasayaw ang mga dahon sa malalakas na ihip ng hangin, naglakad ako palapit at humawak sa marbol na railing at humawak doon. Pumikit ako at lumanghap ng hangin, bigyan niyo ako ng karunungan intindihin ang nasa sulat...
Nang kumalma na ang sistema ko binati ako ng lintuang kapaligiran. Luminga ako sa paligid, nasa ikatlong palapag ako ng mansyon pero parang nasa ika-anim na palapag ako sa taas ng kinatatayuan ko. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid, puro puno at kulay luntian lang ang nakikita ko. Ni hindi ko masilayan ang kapatagan, hindi ko alam kung hanggang saan ang sakop ng mansyon na ito dahil parang nasa gitna kami ng kagubatan.
Napatigil ako sa naisip ko. Kagubatan. Luminga ako sa paligid sa pangalawang pagkakataon. Tama, nasa gitna ng kagubatan ang mansyon. Ito ang kagubatang tinutukoy sa sulat. Tinignan ko ang kamay kong nakalapat sa marbol na railing ng balkonahe, ang tinatapakan kong tiles, ang istraktura ng balkonahe at ng kwarto ko. Ang hallway, yung hagdan, yung dining hall at chandeliers, yung portrait, ang mga nagtataasang pader na nakapalibot sa mansyon. Ang mansyon, itong mansyon para itong kaharian.
A kingdom in the middle of a forest...
Fucking hell...
Mabilis akong naglakad at sinuot ang robe ko at lumabas ng aking kwarto. I need to find the key and the door stated in the letter. At alam ko kung sino ang palaging may susi sa kaniyang belt.
"Hey there, Lukey!" Bati ko at pinagsiklop ang kamay ko sa harap at ngumiti upang itago ang kaba ko.
Kumunot ang noo nito ng humarang ako sa dinadaanan niya. "What do you want?" Tanong nito.
"May ginagawa ka ba?" Tanong ko at sinulyapan ang belt niya. It's in there like the usual, gotcha.
"Hindi ba halata?" Masungit nitong tugon kaya kahit gusto ko ng basagin ang pagmumukha ng punyetang 'to dahil hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya ay mas pinili kong maging mapang unawa.
YOU ARE READING
Stockholm Syndrome (Editing)
Romance[Montanari Series #1] "Welcome home, my angel." - Zedvius Alessandro King Morgan- Montanari When Izzariah Natalia Allegro decided to introduce her long time boyfriend to the public, things got changed. Her parents hated and neglected her. She finds...