Chapter 9
Take it
Hinigpitan ko ang pagkakabuhol ng kumot sa paanan ng kama. Hinila ko ito at nang masigurong mahigpit at matibay na ang pagkakatali nito ay sinuot ko ang aking jacket at isinukbit ang bag. Inilagay ko ang hoodie ng jacket sa'king ulo. Binuksan ko ang bintana ng kwarto at bahagyang lumiyad at tinignan ang paligid. Umihip ang malakas at malamig na hangin sa'king mukha. Napapikit ako ng bahagya at lumanghap ng hangin, tumingin ako sa magkabilang gilid at sa ibaba ng malinis na ang aking dadaanan at nasigurong walang makakakita sa'kin ay bumalik na ako sa loob.Binuksan ko ang pintuan ng balkonahe at hinila ang pinagtagpi tagpi kong bedsheets. Nasa apat na mahahabang bedsheets ang tinali ko dahil masyadong mataas ang bababaan mula sa ikatlong palapag ng mansyon.
Iniladlad ko ang dulo ng kumot sa ibaba, sinilip ko yun at bitin ang bedsheets dahil sa taas ng kwarto. Kailangan ko pa ng isang mahabang kumot na maidudugtong sa mga tinali ko. Pero dahil nagamit ko na ang lahat ng kumot sa kama. Kumuha ako ng upuan at tumungtong doon, kinalas ko ang kabilang kurtina sa pintuan ng balkonahe at nang matanggal ko na iyon ay hinila ko ulit paitaas ang kumot at tinali sa dulo non ang kurtina. Iniladlad ko yun muli. Nang sakto na ang haba ng kumot ay hinila ko ulit ang ito, paniguradong matibay na ito.
Inayos ko ang bag ko patalikod at maingat tumawid sa marble railing ng balkonahe. Mahigpit akong kumapit sa kumot at bumaba. Pero dahil sa malakas na hangin ay gumagalaw ang kumot.
"Shit!" I cursed under my breath when the wind blew stronger.
This is so bad. Wala akong choice kundi dito na dumaan dahil mukhang napagplanuhan na ng lalaking iyon na si Zak at walang ventilation ang banyo na pwede kong daanan.
Napatingin ako sa baba at agad na nanginig ang mga binti ko, inaatake na naman ako ng aking acrophobia.
"Twinkle, twinkle little star..." kanta ko at parang tanga na pinapakalma ang sarili. Tumingala ako upang hindi ako matakot.
Habang bumababa ako sa ginawa kong improvised na lubid ay nakatingala lang ako at kumakanta ng twinkle twinkle little star para hindi ako mabuang dito at gumawa na naman ng ingay.
Idinikit ko ang noo ko sa kamay kong mahigpit na nakakapit, napasulyap ako sa ibaba at ramdam ko ang agad na pagbaliktad ng sikmura ko dahil sa pagkalula.
"Kumalma ka, Talya." Wika ko sa sarili at mariing pumikit. Kaya ko'to.
Nagpatuloy ako at buong oras akong nakapikit lang habang bumababa. Dahan dahan akong bumababa sa kumot na pinagtagpi tagpi ko. Gusto ko mang bilisan ang kilos ay hindi ko magawa dahil parang teleponong nagvivibrate ang buong katawan ko sa sobrang pagkalula.
Puro halinghing ang pinakawalan ko ng umihip na naman ang malakas na hangin dahilan para gumalaw ang kumot.
"No!" Tili ko ng bahagya akong dumulas sa kumot. Mahigpit akong kumapit at tinakpan ang bibig ko sa nilikha kong ingay.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawang pagbaba ng biglang gumalaw ang kumot na tila may humila roon mula sa baba.
Malakas akong tumili at napabitaw sa kumot pumikit ako at hinihintay ko na may liwanag na magsusundo sa'kin. Pero bago ko pa makita ang liwanag ay may humapit sa beywang ko at tumama ang mukha ko sa isang matigas na bagay.Malalim ang paghinga ko at nanginginig ang buo kong katawan. Akala ko mamamatay na'ko! Unti unti akong dumilat at bumalandra sa'king harapan ang isang makinang na dibdib. Tumingala ako at kitang kita ko ang baba nito may balbas at ang seryosong mukha ni Zak.
YOU ARE READING
Stockholm Syndrome (Editing)
Romance[Montanari Series #1] "Welcome home, my angel." - Zedvius Alessandro King Morgan- Montanari When Izzariah Natalia Allegro decided to introduce her long time boyfriend to the public, things got changed. Her parents hated and neglected her. She finds...