ISANG malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong kabahayan ng Velloso. Ano ito? Di ako makapaniwala na andito pa din ako akala ko pagkatulog ko at kapag nagising ako ay babalik na ko sa dati kong mundo,akala ko makakabalik na ko sa future. Kagabi pagkatapos ng kasiyahan nang i-announce ang kasal namin ni Guillermo umuwi na kami. Di ko na rin sya nakita ng mawala sya sa paningin ko kagabi. Padapa akong natulog kagabi at di na nagawang makapagpalit ng damit sa pagod.
Kasunod ng sigaw ko ang sunod sunod na tunog ng yapak ng paa sa kahoy na sahig at bumukas ang Pinto ng kwarto ko.
"Binibini anong nangyari may nakapasok ba na magnanakaw dito sa iyong silid?" Tanong ni Isabel at sinuri ang kwarto ko. Nanatili sa labas ng pinto ko ang ibang serbidora na nagbubulungan ang iba ay may hawak pang damit na mukhang naglalaba ang iba naman ay may hawak pang walis nagwawalis pa ata sila ng marinig ako.
Tulala pa rin ako sa harap ng salamin at di makapaniwala na andito Pa rin ako. "Anong kaguluhan ito" isang malaki at matigas na boses ang narinig ko, nakita ko si ama na pinatabi ang serbidora at pumasok ng kwarto ko. Nasa likod nya si Ina na mukhang nag aalala.
Eto na naman,si ama ang tipo ng lalaki na nakakatakot at talagang titiklop ka kapag nakita mo syang seryoso. Nanahimik ako at yumuko, "M-may ipis lang po akon--Este may insekto po dito sa aking silid" nauutal kong sabi sa kanya. Nanatili syang nakatingin sakin.
"Mag ayos ka at bibisita dito si Heneral Guillermo" tipid nyang sabi at umalis ng kwarto ko "Ano pang ginagawa nyo mag sibalik kayo sa inyong mga gawain" agad nagmadali ang mga serbidora at umalis sa pinto ng aking silid.
"Wag mo na lamang pansinin ang iyong ama hija" ngiti ni ina sakin at hinawakan ako sa balikat "Nag aalala lamang sya sayo dahil ikaw ang nag iisa naming anak, kung hindi lamang ako nagkasakit, sana ay may kapatid ka" pilit syang ngumiti kahit alam kong nalungkot sya. Inutusan nya si Isabel na ayusin ang paliguan ko at gagamitin kong damit,sumunod naman ito at pumasok ng banyo.
Nakaupo na ako ngayon sa kama ko habang sinusuklay nya ang buhok ko, inalis na rin nya ang mga pang ipit sa buhok ko na di ko natanggal kagabi. "Matapos Kong manganak sayo sinabi ng manggagamot na hindi na ako maaari pang magkaroon ng isa pang anak. Ikaw ay isa nang biyaya sa'min Esperanza." Patuloy nyang sinusuklay ang buhok ko.
"Kaya nga Esperanza ang iyong pangalan anak, pag-asa ang ibig nitong sabihin" hinarap nya ako sa kanya at ngumiti. "Ikaw ang pag asa namin ng iyong ama nakaugalian na ng ating pamilya ang negosyo kaya ipangako mo sakin na hindi mo ito hahayaang bumagsak" hinawi nya ang isang buhok na tumatama sa aking mukha.
"Binibini nakahanda na ang iyong paliguan" wika ni Isabel sabay naman kaming napalingon ni ina sa kanya. Muling bumalik ang tingin ni ina sakin at ngumiti. "Ako'y natutuwa na payag ka nang makasal kay Senor Cortez" hinawakan na muna nya ako sa mukha at tuluyang umalis ng aking silid.
"MAGANDANG umaga binibini" bati sakin ni Guillermo nang makita nya akong bumaba ng hagdan. Nakabihis pang heneral sya at katabi nya ngayon si ama at mukhang nagkukwentuhan sila,katatapos ko lang maligo at nakaayos na din ako mukha ngayon akong santo sa mga abubot na nalagay sa katawan ko at ilang alahas din. Mukhang gusto talaga ni ama na magmukha akong maganda para mabighani sakin si Guillermo.
"Magandang umaga rin Señor" bati ko pabalik sa kanya.
"Maiwan ko muna kayo, Isabel magdala ka ng maiinom nila" tumayo naman si ama at umalis naman si Isabel upang kumuha ng maiinom.
"I-ibig mo bang mamasyal sa hardin?" Tanong ko sa kanya,tumango lang sya bilang sagot at lumabas na kami ng bahay.
"Magaganda ang rose namin dito, marami ding bulaklak na nakatanim pinangdedecorate nila ina sa loob ng bahay" tahimik lang syang nakikinig sakin ngunit kunot ang noo mukhang di nya maintindihan ang sinasabi ko dahil nahaluan ko na naman ito ng English.
"Maganda ka rin binibini" sagot nya sakin nahihiya ako sa sinabi nya at ramdam ko rin ang pag init ng aking pisngi. Pumitas sya ng isang bulaklak at binigay yon sakin.
"Maraming salamat Señor" tinanggap ko ang bulaklak na bigay nya ng nakangiti. This is the first time na may nagbigay sakin nito, ang saya saya pakiramdam ko sobrang ganda ko.
"Bakit nga pala hindi ko nakita ang iyong ama sa pagtitipon kagabi?" Pag iiba ko ng usapan. Nag-iwas naman sya ng tingin mukhang ayaw nyang pag usapan yon. "Matagal ng patay ang aking mga magulang ako na lamang ang namamahala ng aming negosyo nag aral din ako sa Europa at naging heneral dito sa ating bayan kasama ko ang aking alalay at pinagkakatiwalaan kong si mang Faustino" pagsasalaysay nya mukhang lonely itong si Guillermo buong buhay nya ah.
Umupo kami sa upuan malapit sa hardin na merong lamesa nandoon ang inumin na inutos ni ama kay Isabel kanina.
Maya maya Pa ay umulan sabay kaming napatayo at pumasok sa loob ng bahay. Agad akong kumuha ng twalya upang tuyuin ang sarili pero ganun na lamang ang aking pagtataka ng makita kong takot na takot sya.
Isang general na walang takot kahit sa bala ngunit takot sa ulan? Anong hiwaga ang meron ka Guillermo? Di ko maiwasang magtaka sa kinikilos nya.
Una, mukhang ayos lang sa kanya na nagkakitaan kami ng katawan.
Pangalawa, may mga sinasabi sya na hindi ko maunawaan mukhang may ibig syang ipahiwatig.
Pangatlo ay ang tingin nya nung ako'y kumakanta kagabi sa pagtitipon.
Pang apat ay ang kakaibang takot sa kanya ngayon.
Pati na rin ang pag uusap namin sa library at nakita ko sya sa future.
Agad ko syang pinunasan at hinawakan sa kamay na nanginginig na ngayon,wala akong alam pagdating sa pagcocomfort kaya naman hinawakan ko sya sa kamay at pinunasan ang kanyang ulo na basa na ngayon.
"Kapag hindi ka bumalik iiyak ako at siguradong mababasa ka ng luha ko"
Napalinga linga ako sa paligid sino ang nagsalita? "May narinig ka ba ginoo?" Tanong ko kay Guillermo ngunit nanatili syang nakatingin sa labas. Sigurado ako may narinig akong tinig ng babae na tila naghihingpis.
A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY Nate_Naturaleza please if you want a book cover like that kindly message her.

BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Исторические романыIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...