HINDI ako mapakali habang nakasakay sa kabayo suot ko Pa rin ang balabal na hiniram ko kay Rodolfo kanina , may apat na gwardya sibil na nakapaligid sakin nasa unahan ko naman si Guillermo at nasa likod si Rodolfo.
Kanina ng maabutan kami ni Guillermo sa gubat agad na nya akong pinasakay sa kabayo upang ihatid. Pinapahanap daw ako ni ama at pinahanap na ako sa lahat ng gwardya sibil. Pinangangambahan daw nito na baka nadakip na ako ng rebelde.
Maya maya pa may kumaluskos, napahinto ang lahat at bumaba naman ang mga gwardya sibil na nakapaligid sakin. Inilabas nila ang mga baril nila at tinutok kung saan.
Umulan ng mga pana,tinamaan ang mga gwardya sibil sa balikat at dibdib. "Protektahan ang binibini!" agad pumalibot sakin ang mga gwardya sibil sa sinabi ni Guillermo.
Nasa tabi ko lang si Rodolfo at agad na pinababa ako sa kabayo pinaupo nya ako at pinayuko. Tumumba ang mga gwardya sibil si Guillermo at Rodolfo na lang ang nakatayo ngayon.
Napasigaw sa sakit si Guillermo nang tamaan sya balikat ng pana, kitang kita ko kung pano sya mamilipit sa sakit agad ko syang nilapitan. Pinulot naman ni Rodolfo ang baril mula sa namatay na gwardya sibil at nakatutok kung saan nanggaling ang pana na tumama kay Guillermo.
"Tumakas na kayo!" Sigaw ni Rodolfo agad sumakay sa kabayo si Guillermo kahit pa may tama sya sa balikat. Sumakay na ako sa likod ng kabayo at pinatakbo na nya ito ng mabilis. Napalingon pa ako kay Rodolfo na ngayon at bumabaril sa paparating na lalaki sa kanya.
Napatumba ang kabayong sinasakyan namin ni Guillermo nang mapana ito sa leeg. Nakahawak pa din si Guillermo sa balikat tinulungan ko syang tumayo, inilagay ko ang braso nya sa balikat ko at inakay sya.
"Tulungan mo ang iyong sarili kailangan natin makaalis dito." Tumingin sya sakin at muling napasigaw sa sakit ng may tumama muling pana sa kanyang binti.
Isang lalaki na nakasalakot at nakatakip ang mukha ang pumana sa kanya. Nasa likod na namin sya ngayon, nataranta ako at agad na hinugot ang espada na nasa tagiliran ni Guillermo.
Hindi ako nagsayang ng oras at agad kong winasiwas ito para labanan ang lalaking umaatake samin ngayon. Nasugatan ko sya sa braso, napahawak sya dito at tumingin sakin.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagbagsak sa lupa ng lalaki, nakahawak sya ngayon sa tyan nya at namilipit sa sakit.
Pinilit pa rin nitong tumayo at tumakbo paalis. Napalingon ako ngayon kay Guillermo na may hawak na baril, madumi ang kanyang damit. Puno ito ng dugo at putik.
Inakay ko syang muli at pinilit naming maglakad. Nakarating kami sa bahay namin,nasa labas si ama puno ng takot ang kanyang mga mata katabi nya si ina. Puno nang gwardya sibil ang paligid ng bahay.
Agad kaming nilapitan ng gwardya sibil hinawakan naman ako ni Ina at niyakap. "Mabuti naman at ligtas ka anak" wika nya ng mangiyak ngiyak.
Tulala pa rin ako ngayon kay Guilllermo na halos hindi na makatayo, maya maya Pa may dumating na kalesa at bumaba doon ang isang matandang lalaki at nilapitan si Guillermo.
"Nako hijo ano ang nangyari sayo" wika ng isang matandang lalaki tsaka inakay si Guillermo, tinulungan ng mga gwardya sibil masakay ito sa kalesa tumingin Pa sya muli sakin bago pumasok ng kalesa.
"Ano ang nangyari sa inyo Esperanza" tanong ni ama sakin. Napatingin ngayon ako sa damit ko, puno ito ng putik at dugo basa rin ako dahil sa pagkakahulog ko sa ilog kanina. Gulo gulo na rin ang buhok ko na nakapusod kanina, suot ko pa rin balabal na ngayon ay sobrang dumi na.
"Sagutin mo ako!" Sigaw ni ama dahilan para manginig ako sa takot.
"Anastacio! Hindi mo ba nakikitang di ayos ang lagay ni Esperanza? Ipagpaliban mo na ang iyong pagtatanong, pagpahingahin muna natin sya!" Sigaw ni Ina dahilan para mapatahimik si ama.
"Don Anastacio!" May tumatakbong gwardya sibil papalapit sa'min. "Sinabi po ni Heneral Guillermo na inatake sila ng mga rebelde mag isa lamang po si Binibining Esperanza ng maabutan nya ito sakto namang inatake sila ng mga rebelde"
Nakita Kong kumuyom ang kamao ni ama, kasabay non ang paglabo ng aking paningin at pagtumba ko sa lupa ang sigaw ni ina na paggising sakin ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
NAGISING ako sa loob ng kwarto ko, may pagkain sa gilid at planggana na puno ng tubig at may basang bimpo. Unti unti akong bumangon at napansin kong iba na ang suot kong damit. Bumangon ako at kinuha ang pagkain sa gilid sakto namang pumasok si Isabel sa loob may dala syang tray na may laman ng tsaa.
"Binibini gising ka na pala, tatawagin ko lamang ang iyong ina" umalis si Isabel at naiwan ulit akong mag isa pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Esperanza,ayos na ba ang iyong pakiramdam?" Nag aalalang tanong ni ina sakin tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain.
"Mag ayos ka at kung ayos na ang iyong pakiramdam ay bumaba ka na may katanungan sayo ang iyong ama" ngiti ni ina sakin. Tumango muli ako bilang sagot.
Nang matapos akong mag ayos at kumain bumaba ako at naabutan ko sa sala si ama kasama ang ilang gwardya.
Agad akong nagbigay galang sa kanila "Maaari mo bang ilarawan sa'min ang mga tulisan na nakita mo kahapon binibini?" Agad akong napaisip sa sinabi ng isang gwardya.
"Hindi ko nakita nakita ang kanyang mukha sapagkat nakatakip sya ng tela at nakasuot sya ng salakot" wika ko at napaisip muli tama may sugat sya!
"Kung ganun ay aalis na kame Don Anastacio" paalam ng mga gwardya na papalapit na sa pintuan.
"Sandali!" Sigaw ko na ikinagulat nila dahilan para mapahinto sila, lumapit ako sa kanila "Nasugatan ko sya sa braso gamit ang espada, nabaril naman sya ni Guiller-- ibig ko sabihin ay nabaril sya ni General Guillermo sa tyan" pagpapaliwanag ko, napayuko ako dahil muntik na ko madulas at mabanggit ang pangalan nya ng walang paggalang.
"Maraming salamat sa impormasyon binibini" at tuluyan na silang umalis.
Naiwan kami ni ama sa sala, nasugatan nga pala si Guillermo dahil sakin wala naman sigurong masama kung dalawin ko sya hindi ba?
Tumikhim ako ng isang beses hanggang sa makuha ang atensyon ni ama na abala sa pagbabasa ng aklat.
"Ama? Maaari ko po bang dalawin si Heneral Guillermo?" Pagpapaalam ko sa kanya."Bakit nais mo syang dalawin?" Saad nya tsaka binalik ang atensyon sa hawak na libro.
"Gusto ko lamang malaman ang lagay nya nagtamo po sya ng mga sugat dahil sakin" natigilan sya at diretsong tumingin sa mga mata ko.
"Bakit nga pala nasa kagubatan ka kahapon?" Tanong nya nagsimula na akong kabahan sa tanong nya, di nya dapat malaman na sinundan ko doon si Nadia at kasama ko si Rodolfo kahapon.
Sasagot na sana ako ng magsalita si ina "Inutusan ko syang pumitas ng mga prutas para sa akin" ngiti nya at umupo sa kabilang dulo ng upuan kung saan nakaupo si ama.
"Mabait at matulungin si Esperanza, dinalhan nya ako ng mainit na sabaw kahapon nalaman nyang ako ay may sakit kaya naman nagprisinta na sya na pumitas ng mga sariwang prutas sa gubat para sa akin" ngiti ni ina sakin with sumangayon-ka-look.
Ngumiti ako at tumango ng tatlong beses na parang bata na gustong payagan lumabas upang makapaglaro.
"Bueno, umuwi ka agad" tipid na sabi ni ama napatingin naman ako ngayon kay ina na malapad ang ngiti na para bang sinasabing partner in crimes kami. Ngumiti ako at nagpaalam sa kanya,ramdam ko ang kalinga nya bilang ina at pagtatanggol sakin kay Ama.
A/N:THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY akachaannichi please if you want a book cover like that kindly message her.
BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Fiksi SejarahIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...