Kabanata XI

95 20 0
                                    

TULALA ako habang naglalakad sa kalsada, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina at ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Pumikit ako ng sandali at inalala ang nangyari.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig at nakapatong sa kanya. Napatuhan ako ng tumikhim sya at nag-iwas ng tingin, namumula ang pisngi nya. Gulat akong napatayo at napahawak sa dibdib ko, nag iinit pisngi ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"P-paumanhin binibini" umiwas ako ng tingin at lumabas ng kwarto. Dire-diretso akong bumaba at di na nagawang magpaalam kay Mang Faustino.

Napailing ako ng ilang beses, masamang mainlove ako sa panahon na ito. Walang kasiguraduhan kung makakaalis ako dito, siguradong ako din ang masasaktan kung sakaling mahulog ang loob ko sa isang taong di na nag eexist sa kasalukuyan.

"May bumabagabag ba sayo binibini?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita na nasa gilid ko ngayon. Dahan dahan syang tumingin sakin at tuluyan ko nang nakita ang mukha nya.

"Rodolfo" bigkas ko ng pangalan nya ngumiti naman sya sakin. Wala masyadong tao ngayon sa kalsada kaya naman hindi magiging issue na magkasama kami.

"Kamusta binibini?" Sabay kaming naglalakad ngayon sa gitna ng maalikabok na kalsada.

"Ayos lang ako, ikaw ginoo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako may konting sugat lang" ngumiti sya ngunit kita ko ang pagkaputla ng labi nya. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit sya hinahabol kahapon, pero napatigil ako sa pag iisip ng makita na hinila ng isang gwardya sibil ang binatilyo mula sa ina nito.

"lo siento señor pero por favor deje ir a mi hijo"(I'm sorry sir but please let my son go) pakiusap ng ina at pilit na hinihila ang anak upang makuha sa kamay ng mga español.

"¿tienes dinero?" (Do you have money?) Galit na sigaw ng gwardya sa ina into.

Hindi nakasagot ang babae at naiyak na lamang.

"No? entonces él tiene que trabajar" (no? Then he have to work) tuluyan nang hinila ng gwardya ang binatilyo. Nanatiling umiiyak ang babae sa gitna,walang tumutulong at pinapanood lang sya umiyak.

Tama, ito ang panahon ng polo y servicio sapilitang pagtatrabho ng mga pilipino sa pagpagawa ng mga impastraktura sa ilalim ng pamamahala ng mga español.

Lalapitan ko sana ang babae ng pigilan ako ni Rodolfo, umiling sya sakin. Napayuko ako, sinasabi nyang wag na kaming makialam dahil baka madamay lang kami. Dinaan lang namin ang babae na umiiyak ngayon. Nakayuko lang ako naaawa ako sa kalagayan nya nakuha sa kanya ang anak nya.

Ang mga polista o ang mga nagtatrabaho sa polo ay hindi nakakakain o nakakakuha ng sweldo. Marami sa mga ito ang namamatay.

Muli kong nilingon ang babae, tumayo sya at pumasok sa loob ng maliit na bahay. Gusto ko man syang tulungan sa pera upang pambayad para hindi pagtrabahuhin o tinatawag na falla. Pero wala akong dalang pera, at di ko rin alam kung magkano ang dapat ibayad. Napabuntong hininga ako, wala akong magawa.

"Gusto mo bang sumama mamangka binibini?" Di ko napansing kasama ko pa pala si Rodolfo. Ngumiti ako sa kanya at tumango, wala ako sa mood magsalita nalulungkot ako sa nakita namin kanina. Binaybay namin ang bayan at nakarating sa gubat maya maya pa, natanaw na namin ang ilog kung saan kami nagpunta.

May bangka sa gilid nito na nakatali sa isang kahoy na nakatayo sa lupa. May sagwan din sa loob ng bangka, naunang sumakay sa bangka si Rodolfo at inabot ang kamay sakin tinanggap ko naman yon, ngunit nawalan ako ng balanse at napakapit sa kanya. Nakita kong namula ang kanyang pisngi at nag iwas ng tingin.

Umupo ako sa kabilang dulo ng bangka at ganun din ang ginawa nya, nagsasagwan sya habang ako naman ay tinitignan ang magandang tanawin ng ilog at makukulay na bulaklak sa gilid nito. Nakita ko ang magandang bulaklak sa isang gilid pinilit kong abutin yon.

Nalalaglag ang mga bulaklak mula sa halaman at nalalaglag sa ilog na syang lumulutang at nagbibigay ng kakaibang ganda sa malinaw at malinis na tubig. Mukhang napansin ni Rodolfo ang pag abot ko sa bulaklak kanya naman inilapit nya ang bangka papunta sa halaman.

Naabot ko ang bulaklak at pumitas ng isa dito. Maganda ang kulay nito, pula ang mga talulot nito na nakapaligid sa sa bulaklak kulay dilaw naman ang gitna nito.

Naramdaman kong may nilagay si Rodolfo sa gilid ng tenga ko. Napalingon ako sa kanya, nakangiti sya ngayon at nakatingin sa tenga ko. Nilagyan nya ako ng bulaklak sa tenga at hinawi ang ilang buhok na tumatama sa mukha ko.

Doon ko lang napagtanto na nakaladlad pala ang buhok ko,
"Kasing ganda mo ang mga bulaklak" nanatili syang nakatitig sa mga mata ko at nakangiti. Ako ang naunang nag iwas ng tingin sa kanya, naiilang ako sa kanya. Sya ang first kiss ko sino ba naman ang hindi maiilang sa lalaki na to.

TANGHALING tapat na ng makauwi ako, inihatid ako ni Rodolfo ngunit sa likod kami dumaan upang walang makapansin na kasama ko sya. Di magkamayaw ang mga serbidora sa pagluluto,hindi din nila napansin na pumasok na ako. Ano kayang meron?

"Binibini!" Napalingon ako sa tumawag sakin si Isabel. "Anong meron bakit nagkakagulo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Andito si Señorito Guillermo at may dalang regalo para sa iyo binibini" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "hinahanap ka na ng iyong ama". Inayos nya ang buhok ko at pinusod ng kalahati non. Agad kaming lumabas ng kusina, parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko ng makita ko ang bulaklak na nasa mesa.

"Esperanza andyan ka na pala hija" ngiti ni ama agad naman akong nagbigay galang. Katabi nya ngayon si Guillermo at nakangiti rin. Buti na lang at natanggal ni Isabel ang bulaklak sa tenga ko kaya naman hindi na nila ito napansin pa."Hindi ka ba binisita ng aking anak?" Tanong ni ama.

Ngumiti muna si Guillermo bago magsalita "Pumunta sya ngunit umalis agad mukhang nagmamadali ang binibini" sagot nito kay ama.

"Kung ganon saluhan mo kaming kumain" ngiti ni ama. Gusto nyang gantihan ang kabutihan ni Guillermo dahil dinalaw ako nito kahit pa lumalabas na tinakbuhan ko sya kanina.

NATAPOS kaming kumain at nagtungo sa sala, umalis sa ama at nagtungo sa taas upang mag siesta. Naiwan kami muli ni Guillermo napatitig ako sa bulaklak. Bakit sa dami ng bulaklak ang bulaklak na nakita pa namin ni Rodolfo ang ibibigay nya sakin. Tinitigan ko ang bulaklak at napagtanto ko na Everlasting ito.

"Walang hanggang bulaklak" saad nya,napatingin ako sa kanya. "Ang ibig sabihin ng bulaklak na yan ay hindi natatapos hindi ba?" Tanong nya.

"Ang bulaklak na ito ay maganda,hindi rin ito basta basta nalalanta matagal ang buhay nito at kahit pa lanta na ito mukha pa rin itong sariwa at napapanitili nito ang sariling ganda" wala sa sariling wika ko.

Napatango tango naman sya, "Para sayo ang bulaklak binibini" ngiti nya sakin. Napatulala ako sa kanya, pumunta sya dito para bigyan ako ng bulaklak.

"Hindi ka na sana namangka kasama sya,gusto mo lang pala ng bulaklak" wika nya at nag iwas ng tingin. Kung gayon kaya pala sya kumuha nito dahil nakita nya kami ni Rodolfo.

Kita ko sa mukha nya ang inis,at dismaya, siguradong nakita nya nga kami dahil pano nya nalaman na namangka kami ni Rodolfo?

Kinuha ko ang bulaklak at lumapit sa kanya, "Salamat Señor" ngumiti ako ng bahagya upang ipakita na nagustuhan ko ang binigay nya. Bago pa ako makapaglakad palayo, lumabo ang aking paningin at napahawak ako sa ulo ko. Npabagsak ako sa sahig at mukha ni Guillermo ang huli kong nakita na pilit akong ginigising. Naramdaman kong umiinit ang buong katawan ko, at hindi ako makahinga napapikit ako at tuluyang nawalan ng malay.

A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY amongthegoddess please if you want a book cover like that kindly message her.


Reminiscencia del AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon