Kabanata VIII

143 35 0
                                    

TUMINGIN ako sa paligid bago lumundag pababa ng kwarto ko. Gusto kong sundan si Nadia kakaiba ang kinikilos nya mukhang alam nya kung bakit narito ako sa panahon na ito. Naglakad ako papunta sa gubat kung saan nagpunta si Nadia.

Binalikan ko ng tingin ang bintana ng kwarto ko. Kinakabahan ako, pero sinabi naman ni Ina na bago magtakip silim ay bumalik ako. Sa tingin ko naman 3:30 pa lang ng hapon babalik ako agad.

Nagsimula na ko maglakad sa gubat kung saan pumunta si Nadia. Bawat tapak ko ay gumagawa ng ingay sa malutong at tuyong dahon.

Nagpatuloy ako maglakad, baka mamaya dito sya sa gubat nakatira o baka naman sa kweba sya nakatira. Teka may ganun ba? Tsk kainis naman oh.

Maya maya pa may kaluskos akong narinig mula sa likuran ko, nagpatuloy ako maglakad kahit natatakot ako dahil baka hayop lang yon.

Nagpatuloy ang kaluskos na para bang sumusunod ito sakin. Binilisan ko ang lakad ko, ngunit bumilis din ito. Tumakbo na ko dahil sa takot ni hindi ko magawang tumingin dito baka mamaya monster ang sumusunod sakin.

"Ahhh! Tulong pakiusap! Hindi ako masamang tao!" Sigaw ko ng mahablot nya ang damit ko nakaharap ako sa kanya ngayon at hawak nya ang magkabilang braso ko. Nakapikit lang ako habang nagpupumiglas sa hawak nya sakin.

"E-esperanza?" Dahan dahan akong dumilat ng marinig ang pamilyar na boses.

"Rodolfo?" Gulat akong nakatingin sa kanya ngayon nakahawak pa rin sya sa magkabilang braso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin, napatingin ako sa suot nya. Naka kamisa de tsino sya, maayos din na naka-suklay patalikod ang buhok nya.

"Ano uhm.. Gusto ko lang mamasyal" napaiwas ako ng tingin sa sobrang lapit ng katawan at mukha namin sa isa't isa.

"Paumanhin binibini" tipid nyang wika.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Pag iiba ko ng topic namin nagsisimula na kong mailang sa kanya.

"Gusto ko lang pumitas ng prutas dito sa kagubatan" wika nya sabay abot sakin ng mansanas na galing sa bulsa nya, tinanggap ko yon at ngumiti.

"Salamat" agad kong kinagat ang mansanas na bigay nya. "Sya nga pala may babae ka bang nakita na dumaan dito?"

Natigilan sya at tumingin sakin, "Wala akong nakita" diretso nyang sagot.

"Ganun ba? Mahaba at kulot ang dulo ng buhok nya nakasuot din sya ng baro at saya" ipinaliwanag ko ang itsura ni Nadia ngunit umiling lang sya.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Sasamahan na lang kitang mamitas ng mga prutas" ngiti ko sa kanya.

"Ayokong maging laman ng usapan, ikakasal ka na binibini" sagot nya sakin.

Lumingon lingon ako sa paligid. "Hmm? Wala naman akong nakikitang tao" ngiti ko sa kanya.

Tumayo sya at nginitian ako nagsimula na kaming maglakad, nakarating kami sa tabing ilog. May sapin na nakalagay sa damuhan at mga prutas na nakalatag dito.

"Pwede bang--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Oo binibini maaari kang umupo don, ako ang naglatag nyan kanina" ngiti nya.

Agad akong tumakbo ng marinig ang sinabi nya, hindi papunta sa mga prutas na nakalatag kundi sa ilog. Hinubad ko ang suot kong bakya at umupo sa bato, nakababad ngayon ang paa ko sa tubig. Napakalinaw ng tubig at kitang kita ko ang kalaliman nito.

Muli kong nilingon si Rodolfo na nakaupo lang sa sapin na nilagay nya sa damuhan at nakatingin sakin. Nginitian ko sya at sinenyasan na lumapit sakin, umiling lang sya pero tumayo ako at hinila sya. Naghihilahan kami na tumabi sya sakin sa may malaking bato ngunit nabitawan ko ang kamay nya nawalan ako ng balanse at tuluyang nalaglag sa ilog.

"Binibini!" Dinig kong sigaw nya. Nanatili akong nagkakawag at tinigil ko ito, naramdaman kong tumalon din sya at buhat na nya ako ngayon. Ipa-prank ko sya! Napangiti ako sa naisip ngunit naalala kong nagkukunwari pa ko kaya naman pinigil ko ito.

"Binibini!" Tinapik tapik nya ang pisngi ko ngayon ngunit di pa rin ako gumalaw. "Esperanza gumising ka" niyuyogyog na nya ngayon ang balikat ko nakahawak na sya sa balikat ko.

Inilapag nya akong muli, wala akong naramdamang actions sa kanya maya maya pa narinig kong huminga sya ng malamin. "It's a pran--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakalapat na ang labi nya sakin.

Pareho kaming nagulat at nakadilat ang mata namin ngayon. Bumitaw sya sa pagkakahalik sakin at umupo, umupo na rin ako at gulat na nakatingin pa rin sa kanya. Mukhang ima-mouth to mouth nya ako! Namumula na ngayon ang pisngi nya sa hiya.

"P-paumanhin binibini" nakayukong saad nya. Sa oras na yon alam kong namumula na rin ang pisngi ko dahil sa nangyari, did he just kiss me?

"N-natutunan ko yon sa E-europa, nag aral ako bilang isang doktor kaya naman pinag aralan namin ang pagsagip sa taong nalunod" wika nya habang nakaiwas ng tingin sakin.

"Ayos lang yon! Sinubukan mo kong sagipin ako'y nagbibiro lamang na nalunod" wika ko ng nakangiti kasalanan ko naman talaga kasi nagkunwari akong nalunod! Kainis ang bobo mo naman Eunice!

Ngumiti sya,ngunit namumula pa rin ang pisngi nya. Mukhang malapit na magtakip silim kailangan ko na umuwi baka abutan ako ni ama.

"Saan ang daan pabalik?" Tanong ko sa kanya. "Ihahatid na kita binibini" hindi sya ngayon makatingin ng diretso sakin.

Iniligpit nya ang mga nakalatag sa damuhan at pinasok sa basket. Nakaramdam ako ng ginaw, basa nga pala ako pano ako uuwi nito. Napapikit ako sa inis. "Rodolfo? Maaari ko bang hiramin ang pinangsapin mo dito kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit binibini?" Piniga ko ngayon ang saya ko na basang basa at awkward na ngumiti.

Inabot nya yun sakin at ginawa ko namang balabal. "Ibabalik ko rin ito" wika ko sa kanya at inilagay ang balabal sa balikat ko.

Tahimik kaming pareho habang naglalakad. Maya maya pa may narinig akong tunog ng kabayo, may mga gwardya sibil na nakasakay sa kabayo papunta na ito sa direksyon namin ni Rodolfo kaya naman napakapit na lang ako sa saya ko,nasa likod nya ako ngayon.

Gumilid ang mga gwardya sibil at nakita kong dumating si Guillermo sakay ng kabayo at diretsong nakatingin sakin. Tinignan nya si Rodolfo at tumalin ang tingin nya dito. Sa oras na yon alam kong lagot ako kay ama dahil nakita ni Guillermo na si Rodolfo ang kasama ko.

Rule no.1: Wag magpaprank na nalulunod kung ayaw mahalikan.

Rule no.2: Wag papahuli sa fiancé ang kabit.

Hays.

A/N: BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY akachaannichi please if you want a book cover like that kindly message her.

Reminiscencia del AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon