KONTI ang mga tao sa kalsada, ang iba ay sarado ang tindahan. Maraming gwardya ang rumoronda sa paligid dala ang mahahabang baril, mabagal din ang takbo ng bawat kalesa.
"Balita ko ay pinapahanap na ngayon ni Don Anastacio ang mga tulisan" wika ng babae habang hawak ang bilao na may laman na bigas.
"Siyang tunay, nabalitaan kong lubhang nasugatan si Heneral Guillermo sa pagliligtas sa binibini" saad pa ng isa habang nagwawalis sa harap ng tindahan.
"Ipinagtanggol nya ang nakatakdang ikasal sa kanya, napaka maginoo" wika pa ng isa habang kinikilig sabay takip ng abaniko sa mukha.
"Ngunit may haka haka na isang engkanto ang lalaking iyon" bulong ng isa at hininaan ang boses upang di marinig ng mga rumorondang gwardya. Nagkunwari akong namimili ng prutas sa isang tindahan at lumapit sa kanila ng konti para marinig ang pinag uusapan nila.
"Sinasabing hindi tumatanda ang lalaking iyon, nagkukunwari lamang syang may ama at patuloy na namumuhay dito" pagpapatuloy babae.
"Hay nako para sa taong di namamatay sadyang magandang lalaki sya" bungisngis ng isa. Sumang ayon naman ang iba sa kanya.
"Magkano ito?" Napalingon ako sa matanda na katabi ko ngayon bumibili sya ng mansanas na hawak nya ngayon at tinatanong sa tindera.
"Dalawang piso ho" sagot ng tindera.
"Pabili ako ng tatlo" agad naman iniabot ng tindera ang binili ng matanda at tinanggap ang bayad nito.
Pamilyar ang matanda na yon, parang nakita ko na sya. Napahinto ako sa pag iisip ng magsalita ang tindera, "Bibili ka ba?" Tanong nya. "Hindi po" umirap naman sya sa hangin at agad na bumalik sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
Sinundan ko ng tingin ang matanda na maglalakad ito palayo. Hindi ko namalayang sinusundan ko na pala sya inaalala ko pa rin kung saan ko sya nakita.
Mabagal ang kanyang paglalakad, maayos na nakasuklay patalikod ang buhok nya, maayos din ang kanyang pananamit. Kita sa mukha nyang may katandaan na sya at mukhang nasa edad 70 na.
Maya maya pa maraming gwardya ang humabol sa lalaki na nakasuot ng salakot, nabunggo nito ang matanda at bumagsak sa sahig agad akong tumakbo papunta sa matanda ngunit nabunggo rin ako ng lalaking tumatakbo. Natanggal ang salakot nya at ngayon ay nakita ko kung sino sya.
"Rodolfo... " muli syang tumigin sakin at sinuot ang salakot, tumakbo syang muli papalayo.
Tila hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko, nakaupo ako ngayon sa lupa na puno ng alikabok, inalala ko ng mabuti.. Hindi ko nakita si Rodolfo kahapon, wala rin akong balita kung nasan na sya. Hindi sinabi ni Guillermo kay ama na kasama ko sya kahapon kaya naman hindi ko alam kung nasan sya. Walang balita tungkol sa kanya, ang buong akala ko ay namatay sya dahil naiwan namin sya sa gubat. Ang daming tanong sa isip ko, puno ng pagtataka kung bakit hinahabol ng gwardya si Rodolfo.
"Nasaktan ka ba binibini?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko, nasa harap ko ngayon si Guillermo na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakalahad ang kamay nya sa harap ko upang itayo ako, tinanggap ko ang kamay nya at hinila nya ako patayo.
Maayos ang itsura nya naka bihis pang heneral sya at mukhang maayos naman ang kalagayan nya.
"Mang Faustino anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Guillermo sa matanda at pinulot ang mga dala nito. Faustino? Naalala ko na sya ang matanda na tinutukoy ni Guillermo ng minsan kaming magkwentuhan, sya rin ang matanda na sumundo kay Guillermo kagabi.
"Bakit ka lumabas? Hindi pa ayos ang kalagayan mo, bumili ako ng mga prutas para sayo" wika nito. Ngumiti si Guillermo at pinasakay sa kalesa ang matanda.
BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Historical FictionIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...