MAGHAPON akong nasa loob ng bahay napakastrikto ni ama kahit na sumilip o lumabas saglit ay bawal. Bored na bored na ko pwede sana kung may cellphone akong dala sa panahon na to baka hindi pa ko na-bored.
Isang kaguluhan at ingay sa labas ang narinig ko dahilan para sumilip ako sa bintana ng kwarto ko. May isang magarbo na kalesa sa labas mukhang mayaman ang lulan nito dahil pinagkakaguluhan at kailangan pa ng gwardya sibil na paalisin ang mga nakikiusyoso.
Out of curiousity bumaba ako para lumabas at tignan yon sakto namang nasa sala si ama. Nakaayos na sa lamesa ang mga pagkain at inumin mukhang bisita ni ama ang nasa labas.
"Hola mayo amigo" (hello my friend)
Bati ng isang matandang lalaki kay ama pagpasok nito sa bahay namin."Ha sido un largo tiempo" (it's been a long time) bati ni ama pabalik hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila kaya nakatitig lang ako. Kahit mahilig ako sa history hindi ko naman alam ang Spanish language.
"Ah esta es mi única hija Esperanza" (Ah this is my only daughter Esperanza) Agad akong yumuko at nagbigay galang ng marinig ko ang pangalan ko.
"Qué hermosa señorita" (what a beautiful young lady) awkward akong ngumiti sa kanila dahil wala ako maintindihan kahit isa. Maya maya pa may pumasok na babaeng halos kasing edad ko lang. Maputi, matangos ang ilong at halatang dugong kastila ang nananalaytay sa kanya. Maganda rin ang mapupungay nyang mga mata.
"Oh esta es mi hija Felissa"(oh this is my daughter Felissa) wika ng lalaking katabi ni ama. Felissa lang ang naintindihan ko sa sinabi nya mukhang yun ang pangalan ng babae na to. Kung titignan mukhang mag ama sila mula sa pananamit at kulay ng kanilang balat, makikita talagang may kaya ang pamilya nila.
"es un placer conocerte" (it's a pleasure to meet you) marahan syang yumuko at ngumiti sakin. Wala akong naintindihan kaya naman ngumiti na lang ako pabalik.
"Ipasyal mo sya sa ating hardin mag uusap lamang kami ni Don Pacifico" wika ni ama. Napatingin naman ako kay Felissa. Marunong kaya syang managalog? Baka dumugo na ang ilong dahil hindi ko maintindihan ang mga sasabihin nya.
Lumabas na kami para pumasyal sa garden. Nakasunod naman sya sakin mukhang nahihirapan sya dahil sa damit nya na mukhang gown sa Santacruzan.
"Que hermosas flores!" (What a beautiful flowers!) Excited nyang sabi tsaka hinawakan ang ilang flowers na nakatanim may rosas,may yellow bell meron din at jasmine flowers ang iba ay di ko na alam.
"¿Puedo obtener una flor?" (Can I get one flower?) Wika nya, wala akong naintindihan sa sinabi nya kaya awkward ulit akong ngumiti.
"Bakit ganyan mukha kang natatae?" Wika nya sa slang na tagalog. Nagulat naman ako at halos walang kurap na nakatingin sa kanya.
"Marunong kang magtagalog?" Gulat kong sabi sa kanya.
"Oo ang aking ina ay isang pilipino tulad mo. Sya ang nagturo sakin, ano nga pala ang iyong ngalan?" ngiti nya sakin.
"Esperanza Velloso" ngiti ko sa kanya.
"Felissa Vicente ang ngalan ko alam kong hindi mo naintindihan ang wika ko kanina" Natawa naman kami parehas dahil totoo naman na wala ako naintindihan, muli kaming tumawa ng sa sinabi kanina na mukha akong natatae. Binati din nya kung gaano kaganda ang buhok ko at bagay sakin ang nakapusod.
"Napakakinis mo kutis porcelana ka" natatawang sabi ko sa kanya.
"Hindi ako nababasag Esperanza" wika nya with a confused look.
BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Fiction HistoriqueIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...