Kabanata VII

137 40 0
                                    

MAGANDA, mabait at mabuting anak si Clariza na syang anak ni Diwata Lingayen diwata ng tubig namamahala sa ilalim ng karagatan tagapagbantay din ng lahat ng naninirahan dito. Diyos Manghay-on namamahala sa langit at lupa pinamumunuan ang kanilang sinasakupan.

Ang kanilang anak na si Clariza ang syang tumatayo na pagitan sa dalawa. Sya ay itinuring nang Dyosa ng langit at lupa, kasama ang tubig.

Malimit bumaba sa langit si Clariza upang pagmasdan ang dagat natutuwa rin sya sa mga isda na lumalangoy papalapit sa kanyang mga paa.

Isang dapit hapon isang lalaking nakahandusay sa dalampasigan ang nakita ni Clariza agad nya itong nilapitan, may sugat ito at kamay, binti at pisngi. Ginamot nya ito gamit ang kanyang kapangyarihan, alam nyang bawal gamitin ang kapangyarihan ng mga Diyos at Diyosa sa isang tao ngunit ginawa nya pa rin ito.

Nagising ang binata ngunit wala na si Clariza agad na syang nakapagtago sa malaking bato na nasa dalampasigan. Umalis ang lalaki at naglakad papalayo. Natagpuan na lamang ni Clariza ang sarili na palihim na sumusunod dito, tila naeengganyo syang sundan ang lalaki dahil ngayon lamang sya nakakita ng tao.

Napatigil sa paglalakad ang lalaki at tumingin sa direksyon kung saan nagtatago si Clariza. Agad yumuko si Clariza upang hindi sya makita ng lalaki, maya maya pa sinilip nya itong muli ngunit nagtaka sya ng makitang wala na ito.

"Bakit ka nagtatago?" Napagbagsak sa buhangin si Clariza dahil sa gulat. Nasa likod na nya ngayon ang lalaki na kanina lamang ay kanyang sinusundan.

"Emong ang aking pangalan" wika ng lalaki sabay abot sa kanya ng palad nito napatingin na lamang si Clariza doon.

"C-clariza" pagpapakilala nya at tinanggap ang kamay into, hinila sya ni Emong paangat at napakalapit ng kanilang mukha halos isang dangkal lamang ito.

Agad nag-iwas ng tingin si Clariza at bahagyang umatras.

"Clariza kay gandang pangalan" wika ni Emong habang nakangiti.

"Clariza.... Clariza...... Clariza.. "

HABOL hininga akong napabalikwas ng kama ko. Pawis na pawis ako at nanginginig ngayon ang mga kamay ko at nanlalamig, napahawak ako sa pisngi ng maramdamang basa iyon. Luha? Bakit may luha ako? Hindi naman ako umiyak bago matulog kagabi. Parang paulit ulit na binabanggit sa tenga ko ang pangalan na iyon. Clariza? Bakit ako nananaginip tungkol sa mga diwata?

Napahinto ako sa pag iisip ng pumasok si Isabel sa kwarto ko. "Binbini nakahanda na ang iyong paliguan pati na ang mga damit mo" wika nya at umalis ng kwarto ko.

Nag ayos ako at nagbihis, bumaba na ako para kumain ngunit pagdating ko sa kusina ay isang pinggan lang ang nakahain. "Manang Florencia nasaan po sila ama?" Tanong ko sa mayor doma ng bahay namin. May katandaan na si Manang Florencia pero sya pa din ang namamahala sa lahat ng serbidora sa loob ng mansyon.

"Umalis sya binibini, may inaayos na kaso ang iyong ama" nagpatuloy sya sa pagpunas at paglinis ng mga kagamitan sa kusina. Abogado nga pala si ama, maraming kaso ang inaasikaso nito. Matataas din na opisyal na may kaso ang nagiging kliyente nya.

Pumunta ako sa kwarto matapos kumain, wala naman akong masyadong gagawin mabuti pa ay sumama ako kay Isabel mamili ngayon. Bumaba ako at nakitang nagpupunas sya ng kagamitan sa sala.

Reminiscencia del AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon