Kabanata XV

62 5 4
                                    

AS THE DAY PAST BY,
YOU KEPT ME ALIVE

YOUR LOVE IS MY HOPE,
FOR YOU ARE MY HOME.

THE LIPS THAT I KISS,
YOUR FACE THAT I MISS

YOUR FACE SO LOVELY,
I BEGUN TO WORRY

THEY WILL TAKE MY BABY
YOU ARE MINE ONLY

BUT I LOVE TO HEAR,
YOUR VOICES THAT DRAWN ME

YOUR SMILE WITH PURE BLISS,
AS I PERFECTLY GAZE TO YOUR FACE

I ASKED YOU ONE LAST TIME,
WILL YOU BE MINE?

AS WE ARE DANCING
I AM REMINISCING.


NAKANGITI ako habang binabasa ang tula sa loob ng libro na bigay ni Guillermo,napasubsob na lang ako sa unan habang hawak ang libro ng may malaglag na bagay mula rito. Kwintas? Isang kwintas na may infinity pendant, di ako maaaring magkamali. Ito yung kwintas na nakita kong nakadisplay sa tindahan ng alahas nung isang araw, saan naman galing ito? Para sakin ba ito?

Napangiti ulit ako at kinagat ang kumot sa sobrang kilig na nararamdaman ko, muli kong binasa ang tula at doon ko napagtanto na ingles ang salita nito imbis na espanyol o tagalog. Nakakapagtaka, wala pa ako sa panahon ng mga amerikano kaya't hindi pa ito masyadong alam ng mga tao. Napansin kong may bakat ng infinity symbol ang page ng tula, tinignan kong muli ang kwintas. 

Pabalik balik ang tingin ko sa kwintas at pahina ng libro, palundag akong sumubsob sa unan at sumigaw. Kung ganon, inipit nya pala ang kwintas sa pahina at di ko ito napansin kanina dahil sa kilig ko. Ibig sabihin akin ito!

Kaya pala masyadong nakaawang ang pahina na to kumpara sa iba meron palang nakaipit, upang dito mapaling ang atensyon ko at ito ang tulang mabasa ko.

Pagulong gulong na ako ngayon sa kama sa sobrang kilig,ng biglang bumukas ang pinto. Gulat akong napatingin kay Isabel at halatang gulat din sya ng makita ako. "B-binibini.." nauutal na sabi nito, hindi sya umuwi kagabi? 

"Saan ka nagtungo?" tanong ko sa kanya, pawis at sobrang dumi ng suot nito. "U-umuwi ako kagabi sa bahay namin dahil hindi ayos ang pakiramdam ng aking ina" pagpapaliwanag nito. 

"Ganun ba? Magpahinga ka muna at mukhang pagod ka" nginitian ko sya at pumasok ng banyo. 

Gusto ko munang maligo at mag ayos, dapat ko syang pasalamatan. Natigilan ako ng makita ang bathtub kung saan nagsimula ang lahat, ito ang nagsilbing portal ko dito sa mundong to. 

Teka nga! Pano kung yung time na yon tumatae ako? Edi sa bowl ako lalabas? Nakooo ha hindi ko pinangarap lumabas sa bowl at magmistulang tae! Napailing-iling ako sa naisip ko, eto siguro epekto ng pag ibig. Teka! Umiibig na ba ko? Pag ibig na ba ito? Wala siguro sa lugar kung iisipin ko pa yon, gusto ko na maligo. 

Hinubad ko lahat ng suot ko at hahakbang na sana sa bathtub nang matigilan ako--Baka naman may portal talaga dito sa bathtub, tinignan kong mabuti ang ilalim nito dahil baka mamaya ay lumusot akong hubad sa ibang mundo naman. 

Hmmm mukhang wala naman, dahan dahan akong umupo at napabuntong hininga sa sarap ng tubig. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang pagbababad sa bathtub. Dumilat akong muli sa naaalala ko, dito kami unang nagkita ni Guillermo ng parehas na hubad, dali dali akong umahon at naligo ng di umaapak o lumulublob sa bathtub. Unang pasok ko sa mundo na ito may kahihiyan agad. 

Reminiscencia del AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon