NASA loob ako ng kwarto at nagsusulat ng liham para kay Felissa.
Felissa,
Ako ay ayos lamang ,nasasabik na rin akong makita kang muli at makilaro sayo. Wag kang mag alala kung may pagkakataon ay siguradong dadalaw ako dyan. Bago ang aming kasal nais ko sanang makita ka, nais ko rin sanang maging abay ka.
Lubos na gumagalang,
Esperanza Velloso.Iniayos ko ang pagkatupi at inilagay yon sa sobre, maya maya pa bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Guillermo. Parang nagwawala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito, agad syang umupo sa dulo ng kama at ipinatong ang paa ko sa mga hita nya.
Halos mangamatis ang pisngi ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko, "Masakit pa ba?" malumanay nyang tanong. Kumpara sa mga nakaraan naming pag uusap, mas maayos at mas kalmado na rin ang tono ng pagsasalita nya.
Umiling ako bilang sagot, sandali kaming nagkatitigan. Di na ngayon maawat ang bilis ng tibok ng puso ko, animo'y nakipagtakbuhan ako sa sobrang bilis nito. Dahan dahan syang lumapit sakin, Oh my Gosh eto na ba yun? Hahalikan nya ko? Pumikit ako dahil handa na ako sa susunod na mangyayari, ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko.
Ilang segundo rin akong nakapikit at nakanguso sa pagbabakasakali na dadampi ang mga labi nya sakin. Bakit wala pa rin? Umalis ba sya? Dumilat ako ng bahagya at nakita ko ang nangingiting si Guillermo. Napataas ang kilay ko ng tumawa sya ng malakas, napasimangot ako at akmang tatayo na ng buhatin nya ko.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako" Pilit akong nagpupumiglas at umaalis sa pagkakabuhat nya sakin. Dinala nya ako sa kwarto na tinutuluyan namin ni Isabel, matapos nyang bendahan ang paa ko kanina lumabas sya ng kwarto. Naiwan akong mag isa kaya naman nagsulat na lang ako ng liham para kay Felissa.
Inilapag nya ako sa kama at sinuring muli ang paa ko. Umirap ako sa kanya at pinaramdam na wala akong pakialam, pinagmukha nya akong tanga kanina at ngayon ay magpapaka-gentleman sya? Tss.
"Sinabi ko na sayo na lalong lalala ang iyong paa kung pipilitin mo itong ilakad" wika nya ng nakatingin sakin, di ko sya pinansin o tinignan man lang. Gusto ko syang saktan at sabihan ng masasakit na salita pero ayaw bumuka ng bibig ko at nanatiling nakatingin sa bintana.
Isang malambot na labi ang tumama sa noo ko, bahagyang dumilim dahil naharangan nya ang bintana kung saan ako nakatingin. "Hindi ko kayang maging mapusok sayo binibini, ang halik kong ito ay tanda ng paggalang ko sayo" tumayo sya sa harap ko at nagbigay galang.
Walang kurap akong natulala sa bintana, hinalikan nya ako sa noo! Kahit nakita nyang hubad ang katawan ko, kahit nahalikan ko sya, kahit nasilipan ko sya! Pinili nya pa rin akong galangin at ituring na binibini. Wala sa sariling napangiti ako, hindi ko rin makakaila na napakagalang at maginoo ni Guillermo.
Kung mapapanatili ang ganitong kaugalian hanggang sa susunod na henerasyon, sa tingin ko walang mahahalay o mapagsasamantalahan na babae. Sa kasalukuyan, maraming nababastos na babae,napapagsamantalahan o di kaya'y nakikipagtalik sa hindi pa asawa upang patunayan ang pagmamahal.
Kung may pagkakataon, sana ay mas napanatili ang ganitong kaugalian ng mga pilipino, kaysa sa mga kaugalian na nakuha natin sa mga espanyol na hanggang ngayon ay ginagawa natin. Sana ang paggalang sa kababaihan ay isa rin sa napapanatili.
BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Исторические романыIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...