Story Alert:Pure Fiction!!!
So much typos and grammatical errors, hope you understand. Not a pro anyway!!!
Votes, reads, comments and suggestions are so much appreciated.
Stay hydrated guys!!!
Saranghaeyo and Gomawo:)
Inis na inis akong pumasok sa apartment, habang nagpupunas ng basang mukha.
Errs! Hindi ko naman alam na uulan kaya hindi ako nakapagdala ng payong.
Bata pa lang talaga ay ayoko na sa ulan, hindi ko alam kung bakit basta nababadtrip ako sa ulan.
"Oh? Anong nangyari sayo?", tanong ni Alli na kakalabas lang ng kwarto.
"Hindi ba obvious?", mataray kong tanong at dumiresto sa mini kitchen para uminom ng tubig.
"Galit ka na naman? Nagtatanong lang ako girl!", sabi niya bago at sumunod sakin.
"Nababadtrip talaga ako ng ulan! Peste!"
"Baby", natigil ako sa pag inom ng tubig sa narinig ko. May lalaki sa apartment? Nilingon ko si Alli at inosente pa siyang tumingin sakin.
Hindi pa man ako nagtatanong ay may pumasok na sa kusina na isang lalaki. Nakatapis pa ng tuwalya at parang kakatapos lang maligo.
Matic na tumaas ang kilay ko.
"Anong kalokohan to?", tanong ko pa.
"Kalokohan? Baka boyfriend ko yan!", confident niya pang sabi sakin bago hinalikan sa harap ko ang lalaki. "Greg, si Fierra bessy ko, Fierra si Greg boyfriend ko", pakilala niya.
"Tcchh,pasok muna ako sa kwarto ko", paalam ko bago pumasok sa kwarto.
Sa apartment ay tatlo ang kwarto, maliit at limited lang ang gamit na pwedeng ilagay.
Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at naligo sa banyo.
Paglabas ko ay nakita ko ay nakita ko si Alli kasama si Greg na boyfriend niya daw palabas ng apartment.
"Tsk tsk tsk! Sana lang hindi ka sumabit na naman sa ginagawa mo!", sabi ko sa sarili ko.
Ilang beses na siyang napahamak dahil sa paghahanap niya ng true love na yan!
Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi naman hinahanap yon dahil kusang dumarating ito!
Parang itong pesteng ulan! Ganun din ang love, minsan nakakatulong kadalasan nakakaperwisyo!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, akala ko ay bumalik sila pero si Rhaine ang dumating.
Katulad ko ay basang basa rin siya sa ulan!
"Anuman?", tanong ko at nagkibit balikat lang siya sakin.
"Wala eh! Postponed yung audition!", sabi niya.
Passion niya ang pagsasayaw, at gusto niyang mapabilang sa isang dance troupe.
"Hintay lang, makakahanap ka rin", sabi ko.
"Ano pa nga ba? Nakita ko si Alli, panibagong fafa na naman ang kasama!"
"How I wish makahanap siya ng katapat niya!", sabi ko.
"Magdilang anghel ka!", saka siya pumasok ng kwarto niya.
***
Nagising akong may mabangong nalalanghap. Fried rice???
BINABASA MO ANG
When Rains Fall
Teen FictionLove is just like rain, nobody knows when it comes and when it gone.