WRF. 14

0 0 0
                                        

Stay hydrated guys!!!

Saranghaeyo and Gomawo;)

"Jusme may igaganda ka pa pala girl", si Win ang nag ayos sakin.

"Ahhh, I'm envious", si Summer na sobrang lapad ng ngiti na nakatingin sakin.

"Pag uwe mo mag impake ka na ha!", si Alli.

"Bakit naman siya mag iimpake?"

"Ano bang ginagawa kapag nag iimpake? Malamang aalis na dito! Dun na siya patitirahin ni Van sa kanila---

"Ay advance ang gaga!"

"Hahaha syempre!"

"Manahimik nga kayo! Kinakabahan ako!", sabi ko at pinagkiskis pa ang palad ko.

"Gaga! Bakit kasi ngayon ka lang naka experience ng ganto!?", naiiritang sabi ni Win.

Maya maya pa ay nakarecieve na ako ng text galing sa kaniya.

Fr: Baby shark

G?

"Baby shark?", naitago ko ang phone ko.

Oo nga pala nandito rin sila.

"Hahaha, ang cute, my nickname na pero wala pang sila", pang aasar ni Win sakin.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto pero bago yon...

"Bye mwwuuuaahh", nag flying kiss pa ako.

"Hep!"

Pinigilan ako ni Rhaine.

"Ihahatid ka namin sa labas! Girls let's go!"

Nasa magkabilang braso ko pa si Alli at Rhaine tapos nauunang maglakad sakin sila Summer at Win.

Natigil kami sa paglalakad ng huminto yung dalawa sa harap at humarap samin sabay...

"Kyyyaaahhh"

"Bakit, tabi patingin ako?", sabi ni Alli bago binitawan ang braso ko. Sinundan pa siya ni Rhaine.

"Kyyyaaahhh, ampogi!"

"Go na girl! Push mo yan!"

"Itodo mo na!"

Tinulak pa nila ako, buti na lang flat ako este flat shoes gamit ko.

At kusa rin akong nahinto ng makita ko si Van. Nakablack leather jacket siya tapos black ripped jeans and vans na shoes.

May nakasabit na gitara sa likod niya.

Nakangiti siya sakin at naiihi na ako swear.

"Hoy babaita", narinig ko pang mahinang sigaw ni Win. "Aba lakad na, baka mag bago isip at ako ang idate imbes na ikaw!"...

"Hi", akala ko ako na ang binati niya yun pala yung apat na nasa likod ko.

"Kyiiieee.... Hi din"

"Isoli mo samin ng buo yang 'bestfriend' namin ah", si Summer.

"Tama... Kahit isoli mo siya samin ng may bata--- array"

"Siraulo ka! Anong bata?", binatukan siya ni Rhaine.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil makikita kong nakangiti si Van sa kanila o mahihiya dahil sa lumalabas sa bibig nila.

"Sige na, go na kayo ng baby shark mo!"

Mabilis kong hinampas si Alli sa sinabi niya at nilakihan ko siya ng mata ko.

Nagpaalam na kami sa kanila... Inalalayan nya pa akong sumakay sa motor niya.

When Rains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon