Stay hydrated guys!!!
Saranghaeyo and Gomawo;)
"Pwede bang mauna ka ng umuwe?, matapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin ni Zeth.Nagtataka naman siyang tumingin sakin!
"Bakit?"
"Ah isosoli ko tong si Piccolo sa amo niya", sabi ko.
"Samahan na kita---
"Wag na", pigil ko sa kaniya at yung mukha niya ay mas lalong nagtataka.
"May dadaanan rin kasi ako, at anong oras na rin oh! Baka hinahanap ka na ni Tita", sabi ko sana pumayag siya."Sige. Mag iingat ka pauwe! Text mo ko kung nakauwe ka na!"
Tinanguan ko naman siya at nakonsensya naman ako dahil sa nakita kong lungkot sa mata niya.
Errs babawe na lang ako sayo.. sabi ko sa isip ko.
"Nasaan ba ang amo mo?", nakangiti akong umupo sa harap ni Piccolo at kinausap siya.
Dinilaan niya ang baba ko.
"Errs naglalambing ka ah!", sabi ko. "Ihahatid na kita sa amo mo!", sabi ko at inaya siya.
Nilibot ko pa ang buong park, pero hindi ko naman siya makita. Naglakad pa ako ng konti at nakita ko namang humiwalay sakin si Piccolo kaya siya yung sinundan ko.
Natigil ako sa di kalayuan ng makita ko si anak ni Zeus. Nakaupo sa isang wooden bench at nakapande-kwatrong upo.
Ayos, hindi man lang sinundan ang alaga niyang aso. Mga isang minuto ko siyang tinitigan. Bago siya nilapitan pero natigil rin ako ng...
"Bayad limam piso".
Nagulat pa ako ng inilahad niya ang palad niya sa harap ko.
'Huh?’
"Isang minuto mo akong tinitigan, may bayad yun five pesos"
Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso pa siya habang nanghihingi sakin ng limam piso!
"Buraot!", wala sa sariling sabi ko at narinig naman niya yon.
"Buraot? Ikaw ang buraot, sulit na ang isang minuto para titigan ako!"
Binuhat niya pa si Piccolo at tumayo na sa bench.
"Sino namang nagpauso nyan?", inis kong sabi.
Anong akala niya napopogian ako sa kaniya! Baliw! Asa!
"Hindi mo alam?"
"Hindi e, sabihin mo sakin ng masapak ko sa mukha! Mga presyong limam piso!", sigaw ko sa kaniya at..
Nagulat naman ako ng tahulan ako ni Piccolo kaya medyo napaatras pa ako!
"Peste kayong dalawa!", inis akong tinalikuran sila at naglakad palayo.
"Hoy!"
Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.
"Hahahaha, pikon ka pala!", sigaw niya at don ako huminto.
Pakiramdam ko lumaki butas ng ilong ko sa sinabi niya. Mabilis ko siyang hinarap at binelatan. Saka ulit tumalikod na nahinto ulit dahil sa narinig ko.
"Hahaha, cute pa rin!", sabi niya.
'Peste ka'
Nagulat ako dahil nilampasan niya ako nagtuloy tuloy maglakad habang buhat si Piccolo.

BINABASA MO ANG
When Rains Fall
Fiksi RemajaLove is just like rain, nobody knows when it comes and when it gone.