Stay hydrated guys!!!
Saranghaeyo and Gomawo;)
"Hello?"..."Fierra? Tapos mo na ba ang portfolio mo?"
"Ha? Teka sino ba to?", tanong ko dahil hindi nakaregister ang number niya sa phone ko.
"Gaga, si Zeth to!"
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw niya sakin.
"Oh ikaw pala? Makasigaw ka naman dyan! Oo tapos ko na nung isang araw pa! Bakit?", tanong ko.
"Ako hindi pa! Nakakainis dahil naiwan ko sa cafe yung portfolio ko tapos nung binalikan ko wala na", kahit seryosong usapan to ay nagawa ko pa ring matawa.
"Sobrang saya mo naman yata? Dahil back to zero na naman ako?"
Peste tong lalaking to! Natanggal na naman ang stress ko dahil sa kaniya. Nai-imagine ko ang itsura niya ngayon.
"Kalma, nagtanong ka ba sa mga crew ng café bago ka ngumawa dyan?", natatawa pa ring tanong ko.
"Tanga mo naman, malamang yun ang una kong ginawa e!", sigaw niya ulit sakin.
"Hoy ikaw lalaki namimihasa ka ng murahin ako ah! Hindi kita tutulungan kala mo ha!", pananakot ko sa kaniya.
"Waaaaahhh! Sorry na, ililibre kita ng paborito mong siomao!", sabi niya at mas lalo naman akong natawa.
***
Mabilis akong pumasok sa cafe na sinabi ni Zeth sakin. Nakita ko naman siya sa counter at mukhang hinihintay nga ako, nakapangalumbaba pa nga dun sa crew na nasa counter.
"Sobrang bagal mo naman!", inis niyang sabi sakin bago ako sinalubong ng yakap.
"Aba! Sapakin kaya kita dyan!", amba ko sa kaniya at mabilis niya namang hinarang ang palad niya.
Nagtanong ako sa cashier na nandon sa harap.
"Wala ba talaga miss?", tanong ko. "Importante kasi yon, ipapasa na namin bukas. Baka pwedeng pacheck naman sa lost and found ninyo", pakiusap ko.
"Sandali lang ho ma'am, ilalabas ko ho ang mga gamit", sabi niya at nginitian ako. " Sir, dine in or take out ho?", tanong niya sa isang costumer niya.
"Ano ba?", inis kong siniko si Zeth sa tabi ko. "Nasaan na ang siomao ko?", sabi ko pa.
"Eto na bibili na, hintayin mo ako dito! Walang siomao dito", mataray niyang sabi sakin.
"Bilisan mo, iiwan kita dito", pahabol ko pa.
Para hindi ako mabored kakahintay ay binasa ko ang coffee list na nandon.
"One espresso please!", sabi ng isang costumer.
Napatingin pa ako sa counter kung saan ako nakapwesto para maghintay ay wala namang crew don dahil nga inutusan ko.
Napatingin ako don sa costumer na nasa tabi ko.
Nasa five eleven ang height niya. Naka jersey white jacket siya at jogging pants. Busy siyang nagta-type sa cellphone niya.
"One espresso please", ulit niya pa.
"Ahh excuse me, may kinuha ang crew sa loob e!", sabi ko at tumitig pa lalo sa kaniya.
Hindi ko naman alam kung bakit nagulat ako ng bigla niyang binaling sakin ang paningin niya.
Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Teka paano ko ba i-explain ang mukha niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/225782977-288-k901391.jpg)
BINABASA MO ANG
When Rains Fall
Fiksi RemajaLove is just like rain, nobody knows when it comes and when it gone.