Stay hydrated guys!!!
Saranghaeyo and Gomawo;)
Lumipas ang mga araw, naging hassle ang schedule namin.
"Fierra, mauna ka ng umuwi! May praktis ako", nakangiting sabi ni Rhaine sakin.
"Sige! Good luck sa practice mo!", sabay yakap sa kaniya.
Ngayon ko lang nakita ang sayang yon sa mukha ng isang Rhaine Ocampo. Unti unti ng natutupad ang pangarap nila.
Natigil ako sa pag aayos ng gamit ko ng biglang lumapit sakin si Zach. Hindi ko siya nilingon at nagtuloy sa pag aayos ng gamit ko.
"Fierra"
Hinarap ko siya.
"Pwede ba kitang imbitahin sa birthday ko! Pa-birthday mo na sakin please?", pakiusap niya. "As as friend! Diba sabi mo pwede kitang maging kaibigan?", dugtong niya pa.
Masasabi kong hindi na siya naiilang sakin. Good!
"Oo naman, darating ako----
"Pwede mo bang isama si Rhaine?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?
"Rhaine? Yung kaibigan ko?", pangongompirma ko pa.
Yumuko naman siya na parang nahihiya at natawa na naman ako.
"Sure, yun lang pala e! Gusto mo bang ibalot ko pa siya para sayo?", natatawang tanong ko.
"H-ha?"
"Hahahaha", umalingawngaw na sa buong room ang tawa ko.
"Pwede ba yun?", tanong niya na akala mo naman ay seryoso ako hahaha...
Baka sakalin ako nung isa, sakalin sa tuwa!
***
Kasalukuyan akong gumagawa ng ipapasa kong portfolio para sa seminar namin next weekend.
May mga i-e-edit rin ako kaya naman nag double time na ako.
In check ko na rin para alam ko kung ano pang kulang sa gawa ko.
"Shocks andami pang kulang!"
Nag stretch ako saka nag inhale exhale. Kinakalma ko ang sarili ko dahil baka mamental block na naman ako.
Sunod sunod na nag vibrate ang phone ko..
Fr: Alli
Mauna ka ng umuwe girl, my duplicate ka nmn db?
Fr: Summer
Girl, hindi ko kayo mahahatid ngayon pauwe, may kailangan akong tapusin... Iluvyou..
Fr: Win
Hoy babaita pakisabi sa kanila, nauna na akong umuwe. My lakad si akes. Mwwuuuaahh...
Eh? Busy silang lahat?

BINABASA MO ANG
When Rains Fall
Teen FictionLove is just like rain, nobody knows when it comes and when it gone.