WRF.12

1 0 0
                                        

Chapter Twelve

Stay hydrated guys!!!

Saranghaeyo and Gomawo;)

"Fierra, ano na naman to?"

Kasalukuyan akong nasa C and C, at pinapagalitan ni Madame Wong.

"Sorry Madame, pipilitin ko po na makapag submit ng iba pa!---

"Again and again! Naririndi na ako Fierra! Puro puno, halaman, bulaklak, dagat, sunset at kung ano ano pa at hindi ko pa nagugustuhan ang pagkakakuha mo sa mga yon!", sigaw niya sakin.

Wala naman akong masabi kaya nanatili na lang akong nakayuko!

"Leave! Bago pa ako tuluyang ma stress!", sabi niya.

"Sorry po ulit"

Paglabas ko ng office ay sinalubong ako kaagad ni Zeth. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglabas.

"Fierra, sandali!", pinigilan niya ang braso ko.

Gusto kong umiyak, naiinis ako dahil wala na naman akong nagawa para ma improve ang sarili ko sa field na to!

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, hindi naman ako nakapalag sa ginawa niya.

"Okay ka lang ba?"

"Ano sa tingin mo? Alam naman ng mommy mo na still in process pa rin ako diba? Bakit niya ako pinapagalitan ngayon?", reklamo ko.

Oo, mommy niya si Madame Wong at sila ang may ari ng C and C shop.

"Fierra, this past few days, wala ka sa focus! Still in process? E wala ka ngang bagong kuha nitong linggo na to diba?", mahinahon niyang sabi pero alam kung nagpipigil siya sa inis sakin. "Hindi ka ganyan dati Fierra, kahit gaano ka kabusy sa school ay meron kang naisa-submit na bago. Ngayon wala na kahit isa!"

Nanahimik ako. Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo.

"Sinabi ko na sayong layuan mo ang Javier na yon!"

Natigilan ako sa paglalakad,

"Wala siyang idudulot sayo na maganda!"

'Peste!'

Dumiretso ako sa park, may mangilan ngilang tao na nandon! Umupo ako sa wooden bench kung saan siya umuupo.

Yumuko ako sa tuhod ko.

"Rrrrrrrrrr"

Bigla akong napatingin sa harap ko ng marinig ko ang pamilyar na tunog ng aso.

Si Piccolo at sa likod niya ay si Van. Nakakunot na naman ang noo niya, at parang pinag aaralan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Tcchh mas nauna ka sa pwesto ko",

Agad naman akong tumayo at lumayo sa bench para makaupo siya pero imbes na don umupo ay nanatili siyang nakatayo.

Nakapasok pa ang isa niyang kamay sa suot niyang ripped jeans. Naka longsleeve siya na navy blue. V neck style.

Nanahimik ako. Gusto kong mag open sa kaniya kaya lang gusto ko namang kusa niya akong tanungin.

May hinagis siyang kung ano at hinabol naman yun ni Piccolo. Mabilis si Piccolo at naibalik niya yung kung anong bagay na hinagis ni Van.

"Good boy, mah baby!", saka hinimas ang ulo nito.

Tatlong beses niyang inulit yun at masasabi kong well trained niya si Piccolo.

Naisip ko silang kuhaan ng litrato, si Piccolo habang naghahabol, si Van na nakaside view sakin.

When Rains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon