Stay hydrated guys!!!
Saranghaeyo and Gomawo;)
"Puteekk, sana all may Zachary Montenegro", tili ni Win sabay yugyog niya sakin."Oo nga! Nakita mo ba yung mga mata niya Fierra? Shitt ang ningning!", OA na sabi ni Alli.
"And his smile, ang gandang tingnan!", sabi ni Summer.
"Eh? Pwede bang manahimik kayo! OA niyo!", sabi ko at tumingin kay Rhaine.
"Yay oo nga pala! May na love at first sight diteys!", pagpaparinig ni Win kay Rhaine.
"H-hindi naman. Ang ganda kasi nung ngiti niya nakakahawa lang", seryosong sabi ni Rhaine.
"Smell something fishy", pang aasar ni Summer.
Tinabihan ko si Rhaine na busy manood sa YouTube ng mga dance videos. Yung urban dance tapos na niyang panoorin ang mga yon, isa siya sa mga subscriber don.
"Okay ka lang?", tanong ko at nilingon naman niya ako bago ngumiti. "May gusto ka ba don?", tanong ko.
"Wala yata?", sagot niya habang tumaas baba ang balikat .
"Eh?"
"Alam mo namang NBSB ako diba? I don't have any experience, same as you! Hindi ko nga alam kung kailan ako huling nagkagusto sa lalaki e", paliwanag niya pa.
Sabagay pareho kaming 'No Boyfriend Since Birth'.
"Ngayon!", sabi ko.
"Anong ngayon?", takang tanong niya.
"Ngayon ka huling magkakagusto! At kay Zach yon!", nakangiting sabi ko at naging seryoso na naman ang mukha niya.
Silent type sa squad si Rhaine, sa pagsasayaw niya binubuhos ang oras at atensyon niya.
"Pano mo naman nasabi?", natatawang tanong niya.
"Sinabi ng mata mo, girl!", sabi ko.
Iniwas niya naman ang mukha niya sakin at bumalik sa panonood.
'I got you!', sa isip ko.
***
Natapos ang maghapon na halos hindi na ako nilubayan ni Zach. Ayokong maging bastos kaya kinakausap ko na rin para mapansin niya si Rhaine.Pauwe na kami nang sumabay samin si Zach.
"Hindi ka pa ba uuwe?", si Win at kumapit pa sa braso ni Zach.
"Oo nga!", as usual hindi nagpatalo si Alli at kumapit rin sa braso ni Zach dahilan para mapaatras si Rhaine sa gilid ko. "Ay sorry girl", hinging paumanhin ni Alli.
"Tcchh okay lang!", nakangiting sabi naman ni Rhaine. Sinamaan ko ng tingin si Alli at Win pero hindi naman sila natinag.
"Hahaha, gusto ko lang kayong makasabay palabas", si Zach habang nakangiti.
"Siguro maraming naiinlove sa kaniya no?", bulong ni Summer samin. "Nakakainlove yung ngiti niya", dugtong nito.
Tama naman siya, siguro kaya nadala si Rhaine kanina sa mga ngiti niya.
"Zachary", sabay sabay pa kaming napalingon sa likod ng may tumawag sa pangalan niya.
May tatlong lalaking naglalakad palapit sa gawi namin.
Naramdaman ko ang kalikutan ng dalawa sa tabi ni Zach.
"Shitt, ganto ba tayo kabait para biyayaan ng mga naggagwapuhang lalaki?", impit na tili ni Win.

BINABASA MO ANG
When Rains Fall
Подростковая литератураLove is just like rain, nobody knows when it comes and when it gone.