Chapter 12

43 2 0
                                    

Jasmin's Pov

Dalawang buwan na ang lumipas mula ng pumunta kami sa boracay upang mag celebrate ng birthday ko.

At ngayon March 30 ay ang araw na pinakahihintay namin nina Eli at Vhy.

Dahil ngayong araw na to ay gagraduate na kami ng high school. Ako ang Valedictorian sa Batch namin, si Eli naman ang Salutatorian at si Vhy ay Third honorable mention.

Akalain mo yon no. Naging magkalaban pa kami ni Eli sa candidacy ng pagiging Valedictorian.

Pero kahit ganon proud na proud ako sa kanya.

"Love, are you ready for your speech later?" Tanong ni Eli. Nandito na kami sa school at nakaupo kami sa aming pwesto dito sa harapan.

"Yeah. Kinda nervous pero kaya ko to." Ngumiti naman siya sa'kin at saka hinawakan ang aking kamay.

"I'm so proud of you. My Valedictorian." Ehe enebeee.

"I'm so proud of you too." Nagngitian na lamang kami dahil nagsimula na ang Ceremony.

"Good afternoon batch 2013-2014. Today is a very special occasion to all of you. Because today is the day that your high school journey will end. Dahil sa susunod na taon ay panibagong buhay na ang inyong kakaharapin." At nagpatuloy pa ang emcee sa pagsasalita hanggang sa ako'y tawagin na para magsalita sa harapan.

"May we call on our class Valedictorian, Jasmin Claire Buenavista." Nagpalakpakan ang mga tao. Ako naman ay tumayo na at nilingon sina mommy at daddy sa likuran at nagthumbs up sila sa akin ganon din si kuya. Nang lingunin ko naman si Eli ay nginitian niya ako and he mouthed "Goodluck love, I love you" Nagflying kiss pa ang loko HAHAHA!

Dumiretso ako sa stage ang nagsimulang magsalita.

"Sabi nila, high school life daw ang pinakamasaya sa lahat. Well sa akin din, oo. Dahil kahit wala ako masyadong naging friends dito or squad, ay meron naman akong mapagmahal at mabait na bestfriend. He's been my bestfriend  since we were young. And he is now my man. He became one of my inspirations. And I thank God that I have a bestfriend like him. My whole high school life became wonderful and happy dahil sa kanya." Tumigil ako saglit dahil naluluha ako. Saka ako tumingin at ngumiti sa kanya. Ganon din ang ginawa niya sa akin.

"I want to thank Meruinette Campus for giving me, us such a wonderful memories. And those memories will stay forever in our hearts. To my family who always supports me, and also to my boyfriend and tita Elle. Thank you so much guys. To my classmates and batchmates, thank you for the memories we created together for 4 years. Sa mga Lecturers na nagturo sa'tin mula first hanggang ngayon na huling taon natin sa high school. We owe you a lot Ma'ams and Sirs. I don't wanna be emotional but,  I want to be honest with you guys. This is the best batch ever! Congratulations batchmates! Goodluck on our next Journey! Thankyou!" Saka ako pumunta sa gitna at nagbow. Nagtayuan naman sila at nagpalakpakan na may kasamang hiyaw. Saka ako bumaba at bumalik sa upuan ko katabi ni Eli.

"Congratulations baby." Si Eli. Hindi pa tapos ang awarding eh kanina pa congrats ng congrats tong lalaking to. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya dahil nagsimula na ang awardings.

Syempre, dahil sa ako ang Valedictorian ay ako ang unang tatawagin sa stage.

"Class Valedictorian 2013-2014, Jasmin Claire Buenavista. Parents Mr. and Mrs. Zhaquiel Buenavista."sinalubong ako nina mommy at daddy sa hagdan ng stage, at sabay kaming tatlo na pumunta don.

"Congratulations Jasmin, you never fail us. You always making us, your Lecturers proud." Bati sa akin ng aming adviser kaya ngumiti ako sa kanya.

"Thank you po Miss Lien." Iniabot niya sa akin ang aking diploma at ibinigay kay mommy at daddy ang dalawang medals ko. Para sila ang magsabit sa'kin non.

"Congratulations Mr. and Mrs. Buenavista." Ngumiti lang sa kanya sina mommy at daddy dahil hindi nila alam ang sasabihin, kaya naman pumunta kami sa gitna at unang isinabit ni mommy sa akin ang silver na medal. At si daddy naman sa gold. Nagbow ako sa mga ka-batchmates namin. At nagpalakpakan naman sila. Bumaba na kami at sunod na tinawag si Eli dahil siya ang Salutatorian.

"Ang ating Class Salutatorian 2013-2014, Elizar Dayne Monteverde. Parents Mrs. Via Elle Monteverde." Tumayo naman si Eli at nag smile siya sa akin, bago pumunta sa stage.

Nang makabalik si Eli dito ay nag kwentuhan kang kami habang nagpatuloy ang ceremony. Si Vhy ay wala ang parents niya kaya sina mommy at daddy ang sumama sa kanya sa stage.

"I'm so proud of you baby." Biglang sabi ni Eli.

Nandito na kami ngayon sa bahay, dahil may kaunting salo-salo para sa aming tatlo.

"Me too. I'm very proud of you."

Years After

Ilang taon na ang lumipas pero heto't kami pa rin ni Eli. Graduate na kami ng College at FA na din ako. Si Eli naman ay Engineer na, habang si Vhy naman ay Fashion Designer.

Actually, engaged na sina Kuya at Vhy. Kaya naman ay napunta sa amin ni Eli ang usapan.

"Oh ikaw Eli, kelan mo balak magpropose sa anak ko?" Muntikan na akong masamid dahil sa sinabi ni daddy.

"Malapit na po tito. Kapag handa na po siya." Agad ko namang nilingon si Eli dahil sa sagot niya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi ka pa ba handa Jas?" Si daddy ulit.

"Ayaw ko naman po siyang madaliin tito. Tsaka gusto ko po siyang bigyan ng buhay na nakasanayan siya. Kaya hindi po ako magpapadalos-dalos dahil ayaw kong mahirapan ang mahal ko." Ngumiti ulit siya sa akin.

"That's it!! Kaya botong boto ako sa  iyo eh."

"Hehe naman tito."

At nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa magpaalaman na. Dahil lumalalim na ang gabi. At may lipad pa ako bukas. Sa korea!!!! Kaya excited na excited ako.

"You have flight tomorrow, baby?" Tanong niya ng makalabas kami ng bahay.

"Ah oo sa korea. Nasakto pang may concert ng BTS sa susunod na araw kaya hindi na ko umayaw. Ikaw may trabaho ka bukas?" Gusto ko sana siyang kasama pag nanood ng concert, huhu.

"Wala, kaya nga nakabili na ako ng VVIP ticket natin para sa concert ng BTS mo eh." Nagugulat na tumingin ako sa kanya.

"Huwaaaa!!!!! Eliiii!!! Talagaaa??!!?" Niyakap ko ng sobrang higpit at napaiyak ako sa balikat niya.

"Shhh. Don't cry baby. Alam mo naman na ibibigay ko lahat ng gusto mo. Susuportahan kita sa mga nakasanayan mo." Nilabas niya ang dalawang ticket na may tatak na VVIP. Omaygaddd huhuuuu. Ito ang first time kong aattend ng concert nila huhuuuu.

"Thank you so much Eli. For making my dream come true. I'm so lucky to have you. I love you so much." Hinalikan ko siya sa labi niya at kumapit sa leeg niya. Humawak naman siya sa bewang ko.

"Anything for my princess. Basta nakikita kong masaya ka. Ikaw ang happiness ko ih." Huhu mahal na mahal ko talaga tong lalaking to.

"I love you so much, Eli."

"I love you more baby." Saka ulit niya ako hinalikan.

Nang gabing yon ay hindi ako makatulog dahil sa kakaisip na kasama ko si Eli na manonood ng concert.

Si Eli yong tipong hindi ka niya pagbabawalan. Yong tipong susuportahan ka niya sa lahat. Yong kahit nagseselos siya sa bangtan ay hindi niya magawang pagbawalan ako, dahil mahal niya ako.

At kung mahal mo. Hindi mo pagbabawalan. Sabi niya sa akin nung minsang tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako pinagbabawalan na maging fan ng BTS, as in kase hindi kami nag aaway dahil don. Tapos ang sabi lang niya sa akin is 'Dahil mahal na mahal kita baby, at alam kong masaya ka sa ginagawa mo kaya, bakit kita pagbabawalan kung pwede kitang suportahan at sabayan sa pagiging fangirl mo.' Yan ang sinabi niya sa akin.

San ka pa, kay Eli na! Ay joke lang. Akin lang pala siya mwehehehehhe

To be continued......

I'm Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now