Chapter 13

45 2 0
                                    

Jasmin’s Pov

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon dahil maaga din ang flight ko papuntang S. Korea.

Tinext ko na din si Eli kanina dahil sabi ko ay sabay nalang kaming pumunta don. Para na din makapamasyal pa kami. 4 days kasi ang stay naming mga Cabin Crew don kaya may time kami na maglibot libot bago bumalik ng Pinas.

To: Baby❣️
Baby, 9:00 ang flight namin, sabay nalang tayo para makapamasyal muna pagkadating natin don.

Pagkasend ko ng message ay pumasok na ko sa banyo upang maligo dahil 6 am na.

Pagkatapos kong maligo ay tinignan ko ang phone ko kung meron na bang reply si Eli.

From: Baby❣️
Yea sure baby, nakapagimpake naman na din ako kagabi kaya no prob. Anyway maliligo na ko tapos susunduin kita jan sa inyo. I love you.

Hindi ko na siya nireplyan dahil malelate na ako, kaya nagbihis na ako ng uniform namin. Pagkatapos ay naglagay ako ng kaunting make up tapos inayos ko ang buhok ko at ginawang bun iyon.

Nang makarinig ako ng busina sa labas ay kinuha ko na ang maliit na luggage ko, na lagi kong dala kapag may flight ako.

“Good morning baby. You look gorgeous in your uniform.” He kiss me on my lips. Smack lang yon.

Tinignan ko naman ang kabuuan niya, nakafaded jean siya at nakasimpleng white t shirt and then white sneakers.

“Goodmorning too. You look handsome in your outfit though,”Kiniss ko siya sa pisngi lang para asarin HAHA! “Let’s go. Malelate na tayo sa flight.”

“Psh!” Tinawanan ko siya dahil sa reaksyon niya. Siya naman ay sinimangutan ako at kinuha ang luggage ko upang ilagay sa compartment.

Pagkatapos ay pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan na sumakay.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa airport dahil hindi naman traffic.

8:50 na kaya 10 minutes nalang ay papasok na kami sa loob. Si Eli ay piniling umupo sa single seat dahil nga nakaduty ako hindi ako pwedeng umupo sa tabi niya.

Paminsan minsan ko siyang sinusulyapan at ayon siya pinapanood akong magtrabaho.

“Excuse me ma’am, do you want some coffee?” Tanong ko sa isa sa mga pasahero.

“Yes please thank you.” Ngumiti ako sa kanya, at nagtungo sa pantry upang magtimpla ng kape. Nang may bigla nalang yumakap sa likuran ko.

Nang lingunin ko ay nakita ko si Eli na nakangisi.

“Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito mapapagalitan tayo parehas.” Singhal ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagtempla ng kape.

“Wala namiss lang kita. Tsaka nagpaalam ako sa mga kasama mo no.” Saka siya muling yumakap sakin. Kaya naman pala eh.

“Sige na mamaya. Ibibigay ko lang tong kape don sa isang pasahero, babalik ako dito.” Saka ako tumalikod sa kanya, at nagtungo don sa kaninang humingi ng kape.

“Here’s your coffee ma’am, enjoy!” Saka ko siya nginitian ng malaki.

“Thank you. You’re so beatiful, naman hija.” Puri niya sakin kaya bahagya akong nahiya.

“Oh, thank you ma’am. If you’ll excuse me po. I need to go back.” Saka ako nagpaalam muli. At bumalik kay Eli don sa pantry.

“Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?” Tanong ko sa kanya, pero nakatitig lang siya sa akin. Magsasalita pa sana ako ulit ng biglang niyakap niya ko.

“Pagod ka na ba?” Biglang tanong niya.

“Ano ka ba? Trabaho ko to Eli, kaya malamang napapagod, pero atleast masaya ako sa ginagawa ko.” Mas lalo niya kong hinigpitan. Ilang minuto nalang ay lalapag na kami sa South Korea.

Pumwesto ako sa pinto ng eroplano, at nagpapaalam sa mga pasahero. Nagpahintay nalang ako kay Eli. Siya narin ang kumuha sa luggage ko.

“San tayo unang pupunta baby?” Tanong niya ng makapasok kami sa airport. Iisa ang hotel na pinag check in’an namin ng mga kasama kong Flight Attendants. Syempre kasama ko si Eli sa kwarto ko.

“Bukas nalang tayo mamasyal, inaantok ako eh. Pahinga muna tayo.” Inaantok na sabi ko. Saka naupo sa gilid ng kama. Agad namang tumabi sa akin si Eli.

“You really tired?” Tumango lang ako kase bumibigat na ang mga mata ko. “Okay sleep then baby.” Saka niya ko inihiga at tumabi naman siya sa akin. Saka niya ako niyakap.

Eli’s Pov

Mabilis na nakatulog si Jas, dahil sa pagod, panigurado. Maingat akong bumangon at hinalikan siya sa noo.

Tinawagan ko naman si Vhy para tanungin kung nandito na sila. Oo isusurprise ko na naman si Jas. Pero di ko muna sasabihin kung ano yon.

“Hello Vhy.” Mahinang sabi ko dahil baka magising si Jas.

“Oh Eli? Kararating lang namin dito. At wag kang mag alala sa ibang hotel kami naka check-in nina tita.” Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Muntik na kaseng dito sa hotel kung nasan kami sila nakapag check in.

“Salamat Vhy ah. Sana maging successful to.”

“Wala yon Eli. Basta para sa inyo. Good luck bukas. Galingan mo!”

“Salamat talaga Vhy.” Saka ko binaba ang tawag at bumalik sa loob ng kwarto. At tumabi kay Jas saka natulog na din.

Sana lang hindi pumalpak ang plano ko.

To be continued.....

I'm Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now