Eli's Pov
Maaga akong nagising dahil magpreprepare kami para sa surprise ko kay Jas mamayang gabi.
11:00 am ng magising ako. At tulog na tulog pa si Jas.
Lumabas ako ng kwarto namin, at saka kinausap ang mga kasama ni Jas na FA upang itext ako kung sakaling magising si Jas at baka hanapin niya ako.
Pumunta ako sa isang boutique dito sa Busan. Bumili ako ng dress ni Jas, sakto lang ang iksi, hanggang taas ng tuhod. White siya tapos may design na BT21 sa may bandang dibdib. Saka ako namili ng Stiletto, ang napili ko ay iyong Cream Colored na Stiletto.
Pagkatapos kong bumili ng dress at sandals ni Jas para mamaya ay pumunta muna ako sa isang salon upang ipaayos ang buhok ko.
Jasmin's Pov
Pagkagising ko ay nagulat ako ng makitang wala si Eli sa tabi ko. Kaya agad akong napabangon.
"Eli?" Hinanap ko siya sa loob ng kwarto namin, hinanap ko din siya sa CR pero wala siya. Kaya lumabas ako ng kwarto namin at tinanong ang mga kaibigan ko.
"Nakita nyo ba si Eli?" Tanong ko sa kanila.
"Lumabas kanina eh. Di namin alam kung saan siya nagpunta." Aish! Di manlang nagpaalam!
"Sige, salamat." Saka ako muling pumasok sa kwarto namin. Mamayang 6 pm na ang concert tapos wala pa siya! Eh mag a-alas dos na ng hapon! Babyahe pa kami! Nakakainis naman tong si Eli!
Pumasok nalang ako sa banyo at pinuno ang bath tub saka nilagyan ng body soap. At basta ko nalang inilagay ang katawan ko sa loob ng bath tub. Pumikit ako at nagrelax ng kunti, baka sakaling mabawasan ang inis ko.
Ilang minuto akong nakababad sa bath tub ng may narinig akong kumatok sa pinto.
"Baby, are you done? I brought you dress." Dress mo mukha mo! Psh. Pero syempre ayoko naman malate sa concert dahil nga first time ko to and eto na ang last na concert nila ay ayokong malate. Kaya umahon na ko sa bath tub at nagtungo sa shower.
Pagkatapos kong magshower ay nagsuot ako ng robe bago lumabas, at nadatnan ko don si Eli na nakaupo sa gilid ng kama at pangiti ngiti habang may katext. May babae siguro to.
Pagkakita niya sa'kin ay agad niyang tinago ang phone niya.
"Maligo ka na at magbihis malelate tayo niyan." Nakasimangot kong sabi sa kanya. At ang loko! Di man lang makiramdam, ngumiti pa sa akin at humalik sa pisngi ko bago siya pumasok sa banyo.
Kinuha ko nalang ang dress na sinasabi niya saka ito tinignan, it's a white BT21 designed dress, and oh, Cream Colored Stiletto, alam na alam niya talaga kung ano ang gusto ko.
Nagbihis na ako at isinuot ang stiletto. Nagme make up na ako ng lumabas si Eli mula sa banyo, nakabihis na ito. Nakasuot siya ng Gray na longsleeves at Denim na faded jeans. Sobrang gwapo niya! Pero psh! Galit parin ako sa kanya.
Kaya hindi ko siya pinansin at itinuloy ang pag-aayos. Siya naman ay tumuloy sa gilid ng kama saka nagsuot ng white na sneakers niya. Pagkatapos kong mag make up ay sinunod ko ang buhok ko.
Ginawa ko iyong medyo curly sa ibaba para medyo wavy tignan. Saka ko tinignan ang kabuuan ko sa life sized mirror.
Kinuha ko ang mga BTS merch ko. Cooky headband, BTS folded fan, Army Bomb Version 5, BTS sling bag. Isinuot ko ang sabit ng army bomb ko sa aking kamay saka nilagay sa BTS sling bag ko ang mga importanteng gamit ko tulad ng cellphone, wallet at syempre yong ticket namin ni Eli.
4:00 pm
Kakain nalang kami ng Early Dinner para hindi hassle mamaya. Tsaka naglagay din ako ng ilang foods sa sling bag ko, para syempre ready.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionWhat if you had a special feelings to your childhood friend? But he became your bestfriend when you reached high school. What will you do? Will you confess to him? Or just hide your feeling because you don't wanna ruin everything between you two. Bu...