Prologue

89 15 17
                                    

Suplada


“Huwag namang ganito oh, pag-usapan muna natin.” Dinig kong sabi ni mama na umiiyak habang hinihila niya 'yong mga dala-dalang bagahe ni papa palabas nang bahay. While here I am, nakatayo habang nakadungaw pa rin kay mama na pinipigilan si papa sa pag-alis.


It’s 3am in the morning. Sabagay ganitong oras nga naman magandang iwan ang mga taong hindi mo mahal, ganitong oras magandang iwan 'yong pamilyang hindi mo kayang mahalin.


Bumalik na lang ako sa k'warto ko, alam ko namang hindi mapipigilan ni mama 'yon at saka umiiwas akong makita si papa lumayas. Hindi rin naman magbabago desis'yon niya kung makikita niya sarili niyang anak.


Maaga akong nagising na parang walang nangyari kanina, well wala lang naman sa 'kin kay mama lang big deal, minahal niya e. Pero hindi naman siya natutunang mahaling pabalik, anyway second or three months na yata ngayon simula nag-start 'yong classes.


I’m in Senior High, Grade 11 HUMMS yata, I don’t know wala naman akong pake, si mama lang nag-aasikaso. Basta ako pumapasok.


“Eros!” kilala ko kung sino 'yon, kaya hindi ako lumingon.


“Eros!” inulit pa nga, 'di pa rin ako lumingon patuloy akong nagbabasa sa libro kong dala.


“Psh! Ero!” saka pa lang ako lumingon. “Sabi ko na e, lilingon ka. Tsh! Iniinis lang naman kita.”


“Muk’a naman ba 'kong nainis?” sarcastic kong tanong. Tumawa lang naman ang bugok.


“Ano na naman ‘yang dala mo?” nagtatanong pa, parang hindi naman sanay.


“Libro, obvious ba?”


“Oo na kalma, tatanong lang e. Alam ko paulit-ulit ako pero, bakit ka ba nag-HUMMS e ang tamad -tamad mong magsalita.” Sabay tawa niya.


“Funny haha, natawa 'ko.” Sarcastic kong sabi. He’s Adelmarus my classmate, simula pa elementary. Yes, classmate lol. I don’t treat him as my best friend, I don’t like calling him my best friend, nothing in this world will stay forever when you treat them like they’re treasure, tsk.


Ekis amp. Ang tama lang, saks lang pagpaparamdam n'yo. I’m not professional about love, actually I don’t have ex or exes. Pero hindi naman kasi roon basehan, mayr’on akong kaibigan, pamilya.


Pamilya? Huh? Seriously? Sabagay, nand'yan na pa naman si mama at  oks na 'ko kay Adelmarus, and Gala. Ayoko sa sobrang daming kaibigan, hindi mo na malaman sino totoo. Lalo na ngayon. Kayayari lang ng mga subjects sa morning classes.


“O Gal! Saan ka ba nanggaling?! Amp late ka na naman, uto ka.” Eka ni Adel kay Gal.


“Near lang na coffee shop, pero see nakapasok pa rin. Thanks to Ero.” Ngiti niyang malapad sabay tingin sa 'kin.


“Bakit ako? ‘di naman ako bodyguard dito.”


“Grr, your so pilosopo talaga. I mean your name kasi, Eros Wegelius. Sabihin ko lang gan'yan papapasukin na 'ko e.” Nagpaliwanag pa talaga, ingay.


“Aba s'yempre! Anak ba naman ng may-ari ng school HAHAHAHA” singit ni Adel, sinamaan ko lang sila ng tingin. Halatang mga nang-iinis, sabay pa silang umiwas ng tingin.


“Ah Gal, ano ba kasi ginawa mo roon? Nagkape lang? Wala ba kayong kape sa bahay n'yo? How poor.” Sabay tawa ni Ad dahil sa pikon na 'itsura ni Gal.


Desert Series 1: Rain At The DesertWhere stories live. Discover now