Chapter 11

9 3 0
                                    

Wala nga ba?

Nayari ang second day na si Gala ang nag-champion sa buong G11, ngayon kung sino ang mag-chachampion sa G12 mag-duduo sila ni Gala. Wala performance lang, hindi na contest freestyle lang gan'on. In-announce na ‘yong sa dance contest para nga makapag-duo si Gala at ‘yong mananalo ngayon sa G12.

Kahapon pagkayari umuwi na rin kami, hinatid lang ako ni Art tapos ‘yon na. Natulog ako saka gumising malamang at nag-suot ako ngayon ng tube na spaghetti strap tapos high waisted na jeans saka sneakers nag-blazer ako na hanggang tuhod dahil naka-tube nga lang, dala ko lang din ‘yong backpack na gamit ko pa rin kahapon. Malamang, kakatamad kaya ng papalit-palit at saka one week ko lang naman ‘tong magagamit. Hindi rin naman naibaba kaya hindi rin nadudumihan.

“Oh ano?” Tanong ni Alan.

“Saan?” Dugtong naman ni Ad.

“Who?”

“Itong englishera talaga na ‘to e! P'ede namang tagalugin?!” Inis na sabi ni Ad, bakit ba nag-sama sila ni Alan?

“Sa ayoko?” Taas kilay sa kaniya ni Gal.

“Saka ka nagtatagalog ngayon, excuse me I can't understanding your say?” Kaya naghalgapakan sa tawa sila Alan saka Art, tumatawa lang ng bahagya si Adrian. Puto ‘tong si Ad bano pala.

“Taena p're lupet mo, mas matalino ka pa pala sa ‘kin.” Sagot nitong si Art.

“Napatameme mo si Gala a!” Tuwang-tuwa sagot ni Alan.

Nakahalukip-kip lang akong nanonood sa kanila.

“Ito na ‘yon? Ito na ‘yong pag-uusapan?”

Nandito kasi kaming lahat sa cafeteria, nag-lulunch. May pag-uusapan daw para bukas, e may contest pa bukas e. Ewan ko ba sa kanila, nandito kami sa isang bilog na lamesa. Ako, sa kanan ko si Art, sa kaliwa ko si Ad, sa tabi niya si Alan, sunod si Adrian, si Gal. Kaya magka-tapat kami ni Adrian tahimik lang din siya.

“Tara na lang, Eros.” Nagulat ako ng tawagin ako ni Adrian, parang may dumaang anghel tuloy sa mismong gitna ng lamesa namin.

Maya-maya, “woo! Tara na lang Eros.” Pang-gagaya ni Alan sa boses ng kaibigan niya, “naks pare.” Habang tumatawa pa rin siya.

“Bro, ano ‘yon?” Seryosong tanong ni Art.

Tumawa si Adrian, hindi ko alam kung may humor ba ‘yon o wala.

“I’m just teasing you, kung sineryoso mo ‘di ‘yon pang-aasar.” Maang na ulat niya, may tens'yon bang namamagitan sa kanila? Muk'a wala naman, normal lang. Mag-kaibigan sila e.

Nagtitigan lang sila, nagsusukatan ng tingin pero naunang umiwas si Art.

“Hey, stop that.” Nag-aalalang singit ni Gal na baka kay tens'yon nga talaga, nawala na rin naman ang init ng titigan nila. Kaya binalewala na namin.

“Hoy! Maru! Saan ka? Kay Art ako.” Tawag ni Alan kay Ad, maru amp.

“Anong maru? Ikaw p'wet!” Pag-ganti ni Ad, mga hindi nagpapatalo e.

“Para kayong bata, ‘yong about na sa ganap natin bukas.”

“Ano bang mayr'on?” Takang tanong ko, ako lang ba walang alam dito?

“Since wala naman daw participant sa ating anim bukas, e puwede namang mawala roon hindi pa naman awardan. GT daw tayo!” Energetic na pagkaka-sabi ni Ad.

Desert Series 1: Rain At The DesertWhere stories live. Discover now