Truth or Dare
Nanood na lang ako hanggang sa mayari at ‘di na pinansin ang konting kirot sa dibdib, ano ba‘ng mayr'on?
“Cells ka naman tol.” Lapit sa akin ni Ad, para bumulong habang hinihintay naming lumabas ‘yong dalawa sa backstage.
“Hindi, tanga. Baka ikaw?” Ngisi ko sa kaniya, malay natin. Baka wala akong alam?
“Obob, walang talo-talo.” Siningkitan ko siya ng mata at tumango na lang.
Pero hindi pa rin ako tinigilan nang mokong, “okay lang ‘yan Ero, in denial ka lang.” Saka siya tumawa ng malakas, kaya napatingin sa amin sila Alan at Adrian. Sinuntok ko nga sa balikat si Ad.
“Raulo, imbento.” Nilakihan ko pa siya ng mata para hindi niya sabihin kila Alan.
“Hoy! Ano ‘yan.” Lapit sa amin ni Alan, kaya sumunod na rin si Adrian na nanonood lang. Hindi mo man lang makikitahan na siya‘y interesado.
“Ito! Si Ero!” Hindi ko pinansin, tumingin na lang ako sa labasan ng backstage.
“Ano?” Rinig ko na si Adrian na ang nagtanong.
“Ano, naiinip na.” Very good bro, “tagal naman kasi nila.” Kamot sa ulo nito at tumahimik na ulit.
Nakatingin lang ako sa pinto ng backstage, imbis na papalabas na si Art ang Gala ang makikita. Mga estud’yanteng sinundan sila kanina sa pagpasok para magpapicture.
“Bagay talaga sila!”
“Para silang couple!”
“Sana may next pa, na mag-duo sila!”
Ok?
“Hoy! Kayo! Mas bagay sila hano! #TaRos lang malakas! Kahit walang sila!” napaatras ako dahil sa sigaw ni Ad sa tabi ko.
Sinapok ko nga saka awkward na ngumiti sa mga sinigawan niya.
“What the hell Ad? Bobo mo.”
Lumapit na rin kami sa pintuan ng makitang lumabas na sila Art.
“Ano na ganap?” bungad ni Art, na inikot tingin sa amin.
“Punta tayo Grocery! Baka mamulubi ka kapag deret’so sa condo mo na walang dala e.” Si Alan ang sumagot.
“Sumbong ko kayo kay mama n'on.” Pabirong sagot ni Art sa kaniya, na sa ‘kin na atens’yon ngayon.
Hindi ko pa nga nakikita mama niya.
“Arat na, ng hindi tayo gabihin masiyado.” Aya sa amin ni Ad at nauna ng maglakad kasabay si Alan.
“Ok ba?” taas noong tanong sa akin ni Art habang nakasunod kami kay Adrian, nasa likod namin si Gal na nagce-cellphone kaya malayo sa ‘min, nahuhuli.
“Sakto lang.” kahit magaling naman talaga siya.
“Nagpaalam ka ba kay Ma'am?” ma'am tawag kay mama, awit.
“Text ko mamaya.”
Tinitigan niya ako ng ilang sandali na maigi na parang may inaalam, hindi ako lumingon. Maiilang lang.
Saka umayos na siya ng tayo na seryoso.
“Siya man ang kasama sa una, ikaw naman ang magiging huli hindi lang kasama. Kahawak kamay pa.” ha? Tinutukoy niya ba ‘yong kasama sa pagsayaw? Ano‘ng big deal doon?

YOU ARE READING
Desert Series 1: Rain At The Desert
Teen FictionDull, plain, and prefers to be alone, that's Eros Chaos Wegelius. How it could happen that a famous, and heartthrob basketball player Tartarus Vladimir got interested in her? "Do you think it's possible that the downpour will be in the desert? Is th...