Chapter 10

2 3 0
                                    

Tignan natin


“Adelmarus, why I didn't know about her allergy? And why you didn't tell me?!” praning na tanong ni Gal, naririnig ko na silang nagbubulungan. ‘Di nila alam, kagigising-gising ko pa lang nararamdaman kong ang ingay nila e.


“Abay malay ko bang hindi mo alam.”


“You‘re so grr, bakit ‘di pa siya nagigising?” ibahin mo Gal, bakit tinatamad pa siyang idilat mga mata niya. May naririnig akong tumatawa, tawa ni Ad at teka, nandito tropa ni Art?


“Stop laughing!” inis na sigaw sa kanila ni Gal, “bakit hindi pa siya nagigising? Kinakain na ako ng guilt.”


“Unahan mo.” sagot ko na, sabay dilat ng mata nakaka-awa na si Gal e. Tinatawanan lang ng mga nandito.


“Yes, you‘re alive!” biglang sigaw ni Gal, kaya nag-halgapakan ng tawa sila Ad. Natawa rin ako ng med'yo, kapag ganito talaga ang OA nitong si Gal.


“Malamang, allergy lang ‘yon.” Ngisi ko sa kaniya.


“Uhm… sorry talaga ha, ‘di ko talaga knows.” Nahihiya n'yang ulat, ngumit lang ako sa kaniya sa tumayo na sa pagkakahiga pero nakaupo pa rin ko sa bed.


Dahan-dahan kong tinapik pisngi n'ya, “wala lang ‘yon, tapos na.” saka ako ngumiti. Para makumbinsi siya, hindi niya alam. Normal lang ‘yon.


Ginala ko tingin ko rito sa parang hindi k'warto kasi clinis lang ‘to, ang nagiging hati lang ay mga kurtina. Nandito tropa ni Art saka siya, wala si mama pero alam na niya ‘yon panigurado. Sa bahay na ako n'on kakamustahin.


Na sa paanan nitong higaan si Art, kumunot-noo ko. Tinignan ko sa wall clock kung anong oras na pass 3 pm na pala ng hapon kasalukuyang G12 na ngayon a?


“Ba’t kayo nandito?” tanong ko kay Art, ‘di pa naman kami masiyadong close noong mga barkada niya.


“Kasi nandito ka?” sinagot din ako ng tanong, nice.


“Ayos mong kausap.” Nangiwing sagot ko sa kaniya.


Napabaling tingin ko kila Ad at Gal ng kalibitin nila tuhod ko, tumayo na ‘ko dahil okay naman na ‘ko gan'on lang ‘yon. Pero hindi pa tumatayo sila Ad kaya nagtaka ko.


“Uupo lang kayo r'yan?” bumuntong hininga sila na parang disappointed na disappointed sila sa akin, e ano ba kasi tinutukoy nila? Nasagot lang ang tanong ko ng tignan nila si Art, sasagot na sana ako.


“Hoy! Tartarus! Ano mo ba ‘tong kaibigan namin ha?” sigaw sa kaniya ni Ad, lumapit tuloy sa amin si Art ng nakapamulsa habang nakangisi.


“Ano ‘yon?” paglilinaw ni Art, dahil ayaw niyang nakikipag-usap ng sigawan.


“Ano mo si Ero? Bakit biglang close na kayo?” siningkitan siya ng mata ni Ad.


Nakangiti rin ng sagad si Alan doon tapos si Adrian parang nanonood lang ng interesadong-interesado palabas.


“Magiging girlfriend.” Ngiti ni Art sabay kibit balikat, nag-ingay naman si Alan bigla.


“Woo! Lakas amats mo bro! Wala pa naman!” saka sinapok ng pabiro si Art, nauna na akong lumabas kahihiyan ni Art jusko agad namang sumunod sila Gal at Ad.


“O edi manliligaw mo Ero, ano?! Manliligaw mo?!” ang hilig talaga nito sa paulit-ulit.


“Obviously, idiot!” inis na sabi sa kaniya ni Gal, tapos sinabayan na ‘ko sa paglalakad ganyundin si Ad. P'ede ng umuwi nito, huminto muna kami bago makarating sa parking lot.


Desert Series 1: Rain At The DesertWhere stories live. Discover now