Surprise visit (part 2)
Gumising ako sa sinag ng araw ng m'yerkules, 'di rito natulog si Art no'ng lunes. Dahil kahapon ang first day ng exam nila, ngayon ang last day ng sa 'min. Puro minor subjects na lang, maganda para maaga akong matapos. And i'll make bawi, not that na obligado, but i just want to.
"if you're happy, when you're happy." Yeah, Ad, if it's making me happy. I'll do it.
Natinag ako sa tunog ng phone ko.
Art: good morning! today's your last day of your exam, Godbless!
Waw, alam ah.
Ero: aga mong nagising? para lang mag-paalala? lol chz
Wala pang isang minuto, naka-response na.
Art: oo, s'yempre. gayak na kupad
Tapang naman nito, tatayo na nga sana ako nag-notif. lang message niya tch. Tumayo na lang ako at 'di na pinatulan pang-iinis no'n, ayoko siya maisip. Para hindi sira ang umaga, charot. Med'yo lang.
Bumangon na 'ko at nag-gayak nang susuoting damit, at dumeret'so na sa banyo.
Pagkatapos, nag-lotion at cologne na 'ko bago lumabas ng banyo nang naka-robe. Nag-suot lang ako ng mini dress na above the knee, converse saka pinartneran ko ng denim na jacket. Chineck ko muna laman ng maliit kong bag, nilagay ang mga kailangan at kinuha phone saka handkerchief bago ako tuluyang bumaba.
Nag-umagahan lang ako na hindi kasabay si mama rahil paniguradong nauna na naman 'yon sa school. Nag-pahatid na rin ako kay Manong sa school no'ng natapos ako.
Mag-a-alas otso na ng nakarating ako sa school, gusto ko po sanang dumaan sq garden kaso baka mahuli ako. Kaya dumeret'so na lang sa room.
"On time ah, simula nag-start exam." Salubong sa 'kin ni Ad, nilagpasan ko siya at inilagay ang bag sa katabing nitong upuan. Upuan ko.
Gano'n pa rin kasi ang arrangement pero two sit apart nga lang.
"Oh talaga? Pansin mo? Pansin ko rin." Sabay ngisi ko sa kan'ya, nginiwian lang naman ako at nag-patuloy na siya sa pag-re-review.
Kinuha ko lang ang isang novel sa loob ng bag ko, na sa kalahati na 'ko nito e. Hindi pa naman ako nakaka-lipat nang page ng nag-salita na naman 'tong katabi ko.
"Hindi ka nga na-le-late pero, hindi ka pa rin nag-re-review." Pitik niya sa likod ng book na hawak ko.
"Oh talaga?" Sagot ko nang hindi siya tinitignan.
"Ampotek, oo na wala akong makukuhang matinong sagot sa 'yo."
Hindi rin nag-tagal, dumating na ang professor namin. Mabilis ang naging takbo nang oras, nayari agad ang ilang natitirang subject para sa araw na 'yon.
"Sa wakas, makaka-chill na rin." Sabi ni Ad habang nag-iinat ito, nandito kami sa cafeteria habang hinihintay si Gal. Samahan ko munang mag-hintay si Ad bago 'ko umalis.
"Kahit naman no'ng malapit na exam chill ka pa rin." Sagot ko sa kan'ya habang humihigop sa fruit tea na binili ko.
"Ano 'ko? Ikaw?"
"Hindi, aso ka eh."
"Oo, gusto mo kagatin kita nang ma-rabisan ka?" Umamba nga siyang kakagatin braso ko. Tinulak ko nga noo.
"Salahula ka naman." Patuloy lang siya sa pag-dadada, ang dalda-daldal lalaking tao eh. Ng dumating na si Gal. Tumayo na rin ako, niyuko ko ang aking ulo para makita anong oras na sa relo ko. Mag-a-ala sais na ng hapon.
"Oh g na, iwan ko na kayong dalawa." Paalam ko habang tumatayo.
"Eh, why? kadarating ko lang. You have ganap ba?" Sunod-sunod na tanong ni Gal.
"Yeah, may pupuntahan lang."
"Oh-okay." Ngiti niya ng matamis. Kaya tumalikod na 'ko at kumaway sa kanila.
Natandaan ko naman ang daanan papunta sa condo ni Art. Kaya pag-labas ng campus, pumara na 'ko ng taxi. Abala ako sa panonood ng mga nag-dadaan na sasakyan habang na sa b'yahe, itinuturo ko no'ng pag-sakay ko sa driver ang daanan. Na-recognize n'ya ang lugar kaya tumahimik na lang ako at sinabing sa malapit na convenient store ro'n sa tabi ng condo na lang ako ibaba, bibili muna akong snacks.
"Ito po, manong." Abot ko sa bayad bago tumalikod at nag-lakad papasok sa store. Nang pag-bukas ko ng door.
"Ay shit."
"Hala, sorry po ate hehe. Nag-mamadali po ako eh bye, sorry po ulit."
It's Rea, i knew her because she's one of the topic in elementary sa university namin. She always joining those pageants, kaya siguro maraming bully sa kan'ya. Inggit or wala lang magawa sa buhay. I watched her running from this store, bata nga naman.
Inalis ko na ang tingin ko sa kan'ya at tuluyan ng pumasok, i bought snacks and drinks.
Dala-dala ko ang paper bag pag-labas. Habang nag-lalakad papunta sa condo ni Art, i'm scrolling sa facebook ng dumaan ang isang post ng page ng chaos university primary. It was a gratitude post about Sylvester. The smart boy.
Ilang beses akong nag-doorbell, ang hirap naman makarinig nang lalaking 'to. Tinitignan ko ang paa ko ng bigla nag-bukas ang pinto. It's Art with his topless body, what the actual fuck?
Dali-dali akong tumalikod, "ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Med'yo tarantang tanong ko pero hindi ko pinahalata.
"Ha? Malay ko ba kasi kung sino 'yong bibisita. Eh wala naman akong inaasahan na bisita." paliwanag niya na parang natatawa pa. Na-i-imagine ko siyang nakangisi!
"Oh sige na, mag-bibihis muna 'ko. Pasok." Ilang minuto muna akong gano'n bago ako humarap. He leave his door open nga. Nag-tuloy ako sa sofa at 'di rin nag-tagal lumabas na siya with his black t-shirt at shorts habang pinapatuyo ang buhok. I'm watching him lang na gano'n nang biglang nag-ring phone niya sa harap ko. Hindi agad siya lumapit kaya nakita ko pa who's calling.
Based on the na nag-flash, it was his sister. Same sila ng surname, and the avatar was a girl. They have similarities, some images flashed at my mind.
Nang nakalapit na siya para kuhanin, na sa balikat na ang kan'yang towel and nakayuko na. About to pick up his phone.
"Is that your sister, Art?" Tumuwid ako ng upo, handa sa isasagot niya.
"Yeah, littler sister."

YOU ARE READING
Desert Series 1: Rain At The Desert
Fiksi RemajaDull, plain, and prefers to be alone, that's Eros Chaos Wegelius. How it could happen that a famous, and heartthrob basketball player Tartarus Vladimir got interested in her? "Do you think it's possible that the downpour will be in the desert? Is th...