Chapter 02

23 8 9
                                    

Binibini

Maga na naman, may pasok na naman. Haixt, buti na lang at Friday na ngayon. Sinusuklay ko lang 'yong buhok ko na hanggang ibabaw ng hips. Hindi ko balak pagupitan, pero hindi ko rin naman nipo-pony sanay ko lang 'yong naka-lugay hindi naman pansinin dahil lagi akong naka-hoodie.

“Ero, tawag na ho kayo ni ma'am. Malala-late na raw po siya.” Sigaw ng isang kasam-bahay sa labas ng k’warto ko. Oh? Sabay pala kami ngayon ni mama, alam yatang maaga akong nagising kaya isasabay na 'ko.

“Sige.” Sinuot ko na 'yong jacket, saka 'yong bag. Nasa loob nito 'yong headphones. Ng papunta ako sa pinto nakita ko 'yong gitara ko. Naka-bag pa. So dahil Friday naman kinuha ko na, iwan ko na lang sa locker sa school. Malakihan naman locker doon.

“Ano’ng ganap?” tanong ni mama ng nakapasok ako sa kotse, nakita niya kasi 'yong gitara kahit nasa iPad naman 'yong mga mata.

“Wala naman, gusto ko lang dalhin.” nag-kibit balikat na lang siya.

“Buwan na ng Wika next week.” Basag niya sa katahimikan habang nasa b'yahe kami.

“Gagawin ko?” birong tanong ko habang naka-ngisi kahit hindi ako naman niya nakikita, pero alam niya na 'yon.

“Wala, wala ka naman laging ginagawa everytime na may event.” Woah, 'di wao ma.

“May program?” paninigurado ko, alam kong mayr’on 'di naman nawawala 'yon. This past years tuwing may program umuuwi lang ako. Hindi naman kasi ako interesado.

“Yes, actually need ninyong pumasok bukas.”

“Huh? Ba't?” napa-tingin tuloy ako sa kaniya, s'yempre lahat ng seniors 'yon ibang data program namin sa mga juniors e.

“Huh? Ba't?” she mocked me. “Iyan napapala ng hindi nagpapa-participate.” ni-sermunan pa nga.

“Hindi kasi p'edeng i-cancel buong araw ng pasok ngayon para lang mag-ayos sa gymnasium, kaya bukas na lang kayong lahat.” Okay ma? Parang hindi magandang idea pag-samahin Grade 11 at Grade 12 a.

Ingay n'on, dahil sa tatlong kumag dami pa namang admirers nila sa Grade 11.

“Whole day?” tanong ko, bakit pa pala 'ko nagta-tanong e hindi naman ako papasok. Nice!

“Wao, parang a-attend a.” natatawang sagot ni mama. Sabi ko nga. “Hindi 'yon, madami kayong seniors. Kung walang mga katulad mo.” Waowers, nanay ko ba 'to hngk.

Bumaba na ako ng mabilisan sa kotse, pagka-dating sa university. Buti na lang at sa dulong parte ng parking ipina-park ni manong. Walang nakakakita at maaga pa naman. Ta's kapag uwian naman, late na kaming umuuwi.

Iyong kami na lang natitira kasama n'ong ibang mga teachers.

Dahil ayoko mag-isa sa room, naisipan kong pumunta na muna sa secret garden nitong university. Hindi ko alam halos lahat ng parte nito pero bet ko 'yong secret garden e, favorite place. Pero library pa rin. HAHAHA

Nasa likod na likod 'to ng university kaya nga secret 'di ba? Kasi malawak 'tong university kaya walang mag-babalak na pumunta rito layo e. Buti na lang hindi pa gan'on kainit.

Umupo lang ako sa unang bench doon na nakatalikod sa dadaanan.

Nasa baba ng puno itong bench, tapos 'yong puno may mga naka-laylay na parang ugat? Pero kulay violet, green? Nakaharap sa 'kin ang buong garden, na poisonous plants karamihan.

Desert Series 1: Rain At The DesertWhere stories live. Discover now