Sibuyas
Let‘s see kung ano mangyayari, natthrill ako ah. Tumayo na ‘ko at pumasok sa banyo para maghilamos kakain muna ako, bago maligo marami pa namang oras mga 8:00 ang pasok pero 8:29 ang sa akin xd.
Dere-deret’so lang ako sa dining, pustahan nandito na si mama.
“Hindi ka kumain kagabi.” O ‘di ba tama ako, naka-bihis agad lupet hindi siya nagtatanong. Sinasabi niya ‘yong totoo. Hindi na ‘ko sumagot ng oo o hindi at halata namang nakuha niya na ‘yon.
“Busog ako, pag-uwi at nakalimutan ko.” Inosente kong sagot, pero kalahating true ‘yon.
“Kung isipin kong lagi kang busog para makalimutan kong may nilulutuan ako.” Kibit balikat niya habang natatawa, halatang nagbibiro.
Ngumisi lang ako at natawa ng bahagya.
Bago ako umupo tinignan ko muna pagkain na naroon, grabe ang sarap. Naaalala kong nasa bukiran ako e. Kaya umupo na ako.
Kumuha lang ako ng fried rice, scrambled egg, tuyo tapos bread nagkape rin ako tapos ang sawsawan ko sa mga ‘to kamatis.
“Walang may sibuyas dito ‘di ba?” tanong ko muna kay mama, baka mamaya may maliliit. Sana wala para ayos kain.
Tinaasan niya ‘ko ng labi, na parang sinasabi niyang ang tanga ko sorry na ma tulog pa yata. “Baka mayr'on hano?” oo wala na ma hahahha.
Nagsimula na lang akong kumain dahil ang sarap ng ulam nyay, pagka-ubos ng kinakain ko nag-stay muna ako roon pinapababa kinainan. Napaangat tingin ko kay mama ng tumayo na siya.
“Una na ‘ko ha, ingat.” Ngiti niya ng matamis sa ‘kin.
Tumango ako, “you too, labyu.” Sabay tawa ko ng mabawasan pag-awkward ko, hindi ako sanay geez.
Ng okay na ‘ko, naka-get over na sa busog. Niligpit ko na mga kalat sa lamesa at inilagay sa lababo. Inilagay ko lang babawalin pa ako kapag sinimulan kong urungan e. Pilitan na naman ‘yon, e ‘di rin naman papatalo katulong.
Umakyat na ako at nag-gayak ng susuotin na nilagay ko lang muna sa kama, saka na ako pumasok sa banyo para maligo. Nagtitigan muna kami roon ng tubig bago ako kumilos na, baka abutin pa ako ng pasko rito e.
Lumabas lang ako ng banyo na naka-bathrobe at may tuwalya para sa buhok, nag-blower muna ako ng buhok bago nag-suot ng sweater saka jeans nituck in ko lang sa harap n'yong sweater para malinis tignana saka lang ako nag-sneakers.
Maliit na backpack lang ang dala ko na mahaba ang strap kaya umaabot ng hips ‘yong bag ang mga laman lang nito ay, wallet, power bank, earphones, saka perfume at alcohol hawak ko lang cellphone ko. Kapag may program earphones lang dinadala ko kasi nagagamit ko lang naman kapag na sa room at wala sa gymnasium gan'on.
7:36 pa lang kaya nagmuni-muni muna ako, mga 7:50 na ako aalis. Masiyado pang maaga para ma-late.
Iginala ko lang ang mata ko sa aking k'warto ng mapadapo ito sa isang picture frame na kaming tatlo nila mama at papa, in that picture we‘re in Jollibee we celebrate my 7th birthday in Jollibee. Because I really love Jollibee when I was a child. Sobrang saya namin n'on at wala pang harang, wala pang problema. Pero tao nga walang perpekto, gan'on lang din sa buhay.
Pinilig ko ang ulo ko para makalimutan na ‘yong mga isipin na ‘yon, kahit ano‘ng gawin natin ang ala-ala ay mananatiling ala-ala sa puso man o sa isipan. Kinuha ko na ang backpack ko para maka-labas na, naka-salubong ko pa si Manong Driver namin na nasa kalagitnaan na ng hagdanan halatang tatawagin na rin ako.
YOU ARE READING
Desert Series 1: Rain At The Desert
Ficção AdolescenteDull, plain, and prefers to be alone, that's Eros Chaos Wegelius. How it could happen that a famous, and heartthrob basketball player Tartarus Vladimir got interested in her? "Do you think it's possible that the downpour will be in the desert? Is th...