Pageant
Pagkayari naming mag light breakfast sa nadaanang coffee shop pagkasundo sa 'kin, dumeret'so na nga kami kung saan talaga ang balak nilang puntahan. Nandito na kami ngayon sa mall, 'yong isa ang pinuntahan namin hindi 'yong usually na pinupuntahan ng mga taga sa 'min na med'yo malapit din sa uni. Kaya kami rito pumunta? Dahil gusto ni Gal, ano'ng magagawa namin sinama lang naman kami hahaha.
"Porke hindi ikaw ang nag-dadrive e hano, sa malayo pa talaga. Ikaw nangangalay tol? 'Di mo 'ko original na driver ha." Paguumpisa na naman ni Ad s'yempre ang unang magrereklamo itong mortal na kaaway ni Gal, sino pa ba? Hahaha pero ang oa masiyado hindi naman gan'on kalayo e.
"Ay nakakahiya naman pala? Naniningil ka pa nga ng 500 e, hindi pa sapat 1k tol?" Ganti sa kaniya ni Gal, ang loko nanghingi pa pala ng bayad? Natatawa na lang ako sa isip, pero wala talagang kaikaibigan kapag usapang pera hahaha.
"Ano ba'ng sabi ko? Ang lapit lang pala tol, ok lang ako. Saka ako naman ang laging pinagddrive sa amin e, wala lang 'to." Ngising parang tuta ni Ad kay Gal, nang-uuto. "Saka anong bayad? Joke joke lang 'yon parang wala namang pinagsamahan, bakit magbabayad pa 'di ba Ero?" Saka niya inakbayan si Gal at hinatak para sila ang mauna sa paglalakad.
"Tuloy pa rin naman ang buhay hindi naman ako affected sa pagpapahiya mo sa 'kin hehe." Saka niya pinisil ng paakap si Gal, bulong niya sana 'yon kaso narinig ko kaya hindi na bulong. Hindi nasiya pinansin ni Gal, abala na ang mga mata ni Gal sa kakatingin dito sa mall. Muk'ang magtatagal kami.
"Ano'ng mas maganda?" Habang hinahrap niya sa amin ang dalawa damit na pareho namang maganda, may mas igaganda pa ba 'to? 'Pag nalabhan?
"Wala pangit naman magsusuot e." Alam n'ya na kung sino.
"Maghintay ka nga Ad! Ikaw lang nagrereklamo e." Habang nagpapaayos siya ng buhok.
"Bakit? Narinig mo bang magreklamo si Ero simula't umpisa? Ako nga hindi ikaw pa kaya."
"Dami mong sinasabi, binawal ka lang e. Bakla ka ba ha." Sagot sa kaniya ni Gal.
"Baka 'di mo nga alam may sama ng loob sa 'yo si Ero e, tahimik lang 'yan." Saka siya ngumisi dahil alam niyang doon niya mapapatahimik si Gal, ayaw kasi ni Gal na may away between sa kaniya at sa mga kaibigan niya. Kahit kay Ad ganiyan din siya, kahit sa mga kaibigan niya sa ibang circle.
YOU ARE READING
Desert Series 1: Rain At The Desert
Fiksi RemajaDull, plain, and prefers to be alone, that's Eros Chaos Wegelius. How it could happen that a famous, and heartthrob basketball player Tartarus Vladimir got interested in her? "Do you think it's possible that the downpour will be in the desert? Is th...