Prologo

28 3 0
                                    

Ako’y tumatangis habang nakaluhod sa kanyang harapan at nagbigkas ng mga katagang “ O Panginoon, kung hindi man siya ang sa aki’y iyong inilaan. Puwede bang siya na lamang? Kaysakit isipi’t tilay nawawarak ang aking damdamin kung hindi man siya para sa akin. Sino po ba talaga? Hindi po ba talaga puwede?” At tumangis akong muli, akoy napatigil ng mapansing marami na pala ang nakatingin sa akin ako’y napayukyok at nahiya sa aking ginawa. Pinunasan ang luhang umaagos mula sa aking mga mata.
Napatingin ako sa aking pambisig na relo’t napagtanto kung tatlumpung minuto na pala akong nasa loob ng simbahan. Ako’y aalis na sana subalit napako ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko si Linares ang dati kong manliligaw na may kasamang iba, napahawak ako sa aking dibdib nang magtama ang aming mata. Napaiwas ako ng tingin, nakit ganun ako’y nasasaktan pa rin?
Paglabas ko ng simbaha’y nandoon nag-aabang ang aking masugid na manliligaw na may kung anong itinatago sa kanyang likuran.
“Ginoo, magandang gabi. Nandirito ka pa pala, akala ko’y umalis ka na?” tanong ko na may halong pagtataka’t patingin-tingin sa kamay niyang nasa kanyang likuran. May ideya na ako pero ang umasa’y ayoko.
Siya’y ngumiti, yung ngiting nakakaakit at bumibihag sa pihikan kong puso na pilit ko ring sinusupil.
“Para sa’yo binibining Maria, magustuhan mo sana, sinadya kong ika’y di samahan sa loob sapagkat nais kong bilhin ang bulaklak na iya’t ika’y surpresahen” sagot niya habang kinakamot ang kanyang batok at ngumiwing nakangiti.
Naaakit ako sa kanyang mapupulang labi, ano kayang pakiramdam kapag ito’y darampi na sa aking pisngi? 
“Mahal kong binibini ayos ka lamang ba?” nag-aalalang tanong ni Ibarra na nagpabalik ang aking tamang pag-iisip.
Panginoon sanay patawarin mo ako.  Ano bang kabalastugang nasa isip ko? Kanina’y nasasaktan ako nang makita kong si Linares ay may ibang kasama at ito ako ngayon pinagnanasaan si Ibarra. Dahil dito’y naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
“Oo, ayos lang, tara na’t humayo na tayo.” Sagot ko sa kanya’t nagpatiuna na sa paglalakad. Hinabol naman niya ako.
“ihahatid kita sa inyong dormitoryo, pero maaari bang kumain muna tayo doon sa isawan sa may kanto?” tanong niyang may pagsusumamo. “sanay paunlakan mo ito Maria, nakikiusap ako. Alam kong wala sa ugali mo ang magpalibre at naiinis ka sa pang iistorbo ko pero.”
“ O sige na tumahimik ka lamang diyan Ibarra” pagpuputol ko sa kanyang nais sabihin. Siya ay napangiti.
Nag-uusap kaming dalawa habang naglalakad tungo sa kainan nang makasalubong naming si Linares. Ang mukha koy tila tinakasan ng kulay ng mata namin ni Linares ay magtagpo. Ako’y tila nasa isang pelikula.
“Kamusta! G. Linares” sambit ni Ibarra. Natigil ako sa aking pag-iisip nang mailinigan ko ang kanyang boses. Silang dalaway nagkamayan at ngumiti sa isa’t isa habang ako’y napayuko na lamang.

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon