Tres

13 0 0
                                    

Pagkakita niya sa akiy kaagad siyang ngumiti nang pagkatamis-tamis wari'y matutunaw ako sa intensidad ng kanyang pagkakatitig.

"Maria, andyan ka na pala." bungad niya sa akin. "Josefa, aalis na kami. Salamat"

"O sige mag-iingat kayo, ingatan mo ang kaibigan namin" sagot naman ni Josefa

Naglakad na kami palabas ng tarangkahan. Nang muling magsalita si Ibarra.

"Ayos lamang ba sa iyo na maglalakad tayo patungo sa kabilang kanto? Nais ko kasing sulitin ang panahon na kasama kita. At bumawi na rin sa iyo dahil dalawang araw din akong naging abala" nag-aaalalang tanong nya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

"Oo naman ayos lang" sagot ko sa kanya. Pilit ko mang sinusupil ang aking damdamin para sa taong ito subalot hindi ko magawa. Nais ko siyang iwasan pero parang di  naman kaya ng aking damdamin  ang nais kong gawin. Iisipin ko pa lamang ay tila nasasaktan na ako.  Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

"Maria, kunusta ka na?" sabi niya.  "Dito ka sa bandang kanan maglakad"  dagdag pa niya at inalalayan ako sa aking paglalakad.

Napakamaginoo niya subalit bat ganoon bakit parang di pa rin sapat ang kanyang ginagawa. Ramdam ko ang kanyang mga sakripisyo para sa akin. Anim na buwan na rin siyang nanliligaw, kahit noong alam niyang di pa ako nakakaahon sa sakit na dulot ng pag papaasa sa akin ni Linares ay nariyan siya.

"Hindi ka pa ba nagsasawa?" agad nalang iyong nanulas sa aking labi.

"Kailanma'y hindi magsasawa at mapapagod ang taong tunay na nagmamahal Maria. Iniibig kita hanggat hindi ka pa nakakapag-asawa ay hindi kita titigilan" tumigil siya sa paglalakad at ginagap ang aking mga nanlalamig na kamay. " Malinis ang aking intensyon, mahal kita at kaya ko pang maghintay. Kakayanin ko kasi mahal kita." dagdag pa niya habang nakatitig sa aking mga mata.

"Sanay mapaninidigan mo ang iyong.."

"Hindi ako kagaya ni Linares Maria. Magkaiba kami, at tapat mo akong mangingibig papatunayan ko iyan." pagpuputol niya sa aking sasabihin.

At nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa aming paboritong kainan. Maraming mga tao sa paligid may ilan siyang kakilala na nakakasalubong namin at sa tuwing nagbabatian sila'y napapayuko ako sa hiya.

"Oy pare, iba na naman yang kasama mo?" tanong ng kakilala niya. Sabay tawa. Dahil doo'y lalo akong nahiya at yumuko
"Pareng Reno naman! Baka maniwala siya't mabasted pa ako" angal naman ni Ibarra.
"Di biro lang. Ha-ha-ha"  sagot nung kakilala niya. " Reno nga pala kaibigan ni Ibarra"  pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang palad sa akin. "Ikinagagalak kitang makilala"

"Ako naman si Maria Osmeña " sagot kot tinanggap ang kanyang kamay " kinagagalak din kitang makilala"

"Sige't mauna na ako sa inyo. At nang makapili na kayo ng uulamin" pagpapaalam nito sa amin.

Pumili kami ng ulam isaw, ulo ng manok at ilang karne ng baboy ang aming pinili. Ayaw ko kasing pagpagastuhin siya ng malaking halaga dahil mag-aaral pa kami at wala pa kaming kinikita.

"Wag kang mahihiya sa akin Maria" sabi sa akin ni Ibarra. Kaya ngumiti lamang ako sa kanya.

Nang naluto na ang aming pagkain ay todo asikaso siya sa akin. Siya na rin ang nagbayad sa lahat ng gastusin kahit labag ito sa aking kalooban.

"Nanliligaw ako Maria, ayokong pabayarin ang aking minamahal. Kung pagbabayarin man kita, hindi pera ang gusto ko kundi ang puso mo. Tandaan mo iyan" seryoso siya habang nagsasalita.

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon