Uno

21 0 0
                                    

Malapit na ang pagtatapos ng klase kung kaya’t abala ang lahat sa kani-kanilang mga Gawain. Habang ako’y nagtitipa sa aking teelepono’y biglang may kumalabit sa akin.
“ Alam mo ba Maria? Hinahanap ka kanina ni G. Pakito. Natapos mo na ba ang iyong ginagawang saliksik?” nag-aalalang tanong ni Segunda sa akin, isa sa aking kaklase. Si G. Pakito ay guro naming sa saliksik isang biyudo kung kaya’t napaka-istrikto.
“Totoo ba iyan Segunda? Natapos na ako’t pinasa ko na sa kanya iyon kahapon.”  Sagot ko habang kinakabahan na nakatitig sa aking kaibigan.
“Oo, sige na’t humayo ka na sa opisina niya. Baka magalit na iyon sa iyo.” Sagot niya’t hinila ako sa aking pagkakaupo.
Lakad-takbo ang aking ginawa patungo sa opisina ng aming guro. Pagkarating koy agad akong kumatok. At binuksan naman ito n gaming guro.
“Magandang araw G” bati ko sa kanya. At agad naman siyang ngumiti sa akin.
“ Binabati kita binibini, pasok na’t tanggap na ang iyong pananaliksik. Ito na’t paramihin mo ang iyong kopya.” Sabay lahad sa akin ng aking papel.
Walang pagsisidlan ang aking saya kung kayat napatalon ako’t napayakap sa kanya sabay sabing. “Salamat Ginoo” at umalis na ako sa kanyang opisina. Pagdating sa silid-aralan lahat ng kamag-aral ko ay umusyoso sa nangyari at binate nila ako kaagad nang malaman nila ang nangyari.
Naging abala ako ng  ilang araw pagkat nalalapit na ang pagtatapos at marami pang dapat habulin at ng matapos kong palagdaan ang aking papel na pawalang sala. Mga ilang araw ko ring hindi nakita si Ibarra. Habang akoy naglalakad  pauwi ay nakasalubong ko ang aking baklang kaibigan na si Juanito at nag-aya siyang mamasyal.
“ Hoy Maria! Mamasyal tayo mamaya ah?” ang lawak ng ngiti niya habang nagsasalita.
“Maglalaba muna ako’t pag tapos na tatawagan na kita” nakangiti kong sagot sa kanya matagal na rin kasi kaming gindi nagkasama.
“O sige at susunduin kita sa iyong tinutuluyan” sagot niya sa akin habang umiikot ang mga mata.. “ Sige na’t maghihintay ako sa tawag mo. Papasok na muna ako”
“Sige paalam.”
Habang  akoy naglalaba ay tinawag ako ng aking kaibigang si Clara.
“ Maria, may naghahanap sa iyo sa labas” nakangising sabi ni Lara sa akin. “Bilisan mo diyan ano ka ba” Dagdag pa niya.
“Hala si Juanito ba? Nagpaaalam ako sa kanya kanina na tatawag lamang kapag ako’y natapos na”. nagtataka kong tugon ditto at tumayo na upang puntahan ang panauhing naghihintay sa akin.
“Maria, bilisan mo kanina pa ang iyong panauhin” sabi ni Paula sa akin habang nakasalubong ko siya sa pasilyo.
Kataka-taka ang tinginan ng lahat sapagkat sila ay nakangisi sa akin tila nanunukso. At pagtingin ko sa  labas ng tarangkahan ang bumungad sa akin ay si Ibarra na kayganda ang ngiti. Akoy biglag kinabahan at tila matutunaw di ko kayang makipagtitigan sa kanya napakaguwapo niya sa suot niyang puting damit at ang kanyang ngiti’y nakapagpapalambot ng aking tuhod at nagliliparan ang mga paruparo sa aking tiyan.





Pawalang sala-clearance 

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon