Syete

9 0 0
                                    

Tila mabagsik na tigre ang ama ni Ibarra, wari'y sinasaksak ako ng kanyang mga mata sa tuwing dumadako ang kanyang paningin sa akin kaya yumuyuko lamang ako.

"Ija, ano ba ang trabaho ng iyong mga magulang?" baratino ang boses nito malalim may awtoridad nakakatakot lalo.

"Ah, wala na po sila eh."  maramdaming sagot ko rito.

"Pasensya na ija, at naitanong ko. Sasagutin mo ba itong anak ko? Eh di pa yan tuli eh" may himig na pagbibiro sabay halakhak na sabi niya sa akin.

"Pa naman" angal ni Ibarra "Wag mo naman akong siraan"

"Ha-ha-ha di binibiro ko lang si Maria parang natatakot sa kin eeh"

Medyo nahiya ako at kiming ngumiti "Hindi naman po sir"

"Tito o papa nalang ang itawag mo sa akin."

"Mama ang itawag mo sa akin Ija" sambit naman ng mama niya

Nawala na ang aking hiya. Mabait naman pala sila. Napakamapagbiro pala ni tito. Pero naiinis pa rin ako kay Ibarra. Nag kuwentuhan kami saglit hanggang sa natapos na kami sa pagkain.

"Ija, sumama ka sa amim doon ka na magbakasyon sa Kidapawan" aya nila sa akin.

"Huwag na po tita, maghahanap rin kasi ako ng trabaho eh."

"Pwede namang doon ka nalang ija"  sabat naman ni tito. "At nang ganahan naman itong si Ibarra ang bagal kumilos e"

"Hindi po kasi talaga pwede nakakahiya po" may ngiting sagot ko sa kanila

"Ma wag na po nating pilitin at biglain si Maria."

Napatingin ako sa aking relong pambisig. At medyo nataranta sapagkat pagdating ng alas diyes ay magsasara na ang bahay paupahan at baka di na ako makapasok. At nahalata naman ni Ibarra ang aking pagkabahala.

"Magagabi na at baka maabutan pa kami ng curfew ma, pa, ihahatid ko na muna si Maria" paalam niya

"O sige at mag-iingat kayo ah? Magkikita tayong muli Maria at sa panahong iyon tatawagin mo na kaming mama at papa" sabi ng kanyang ama sabay halakhak pa.

"Maraming salamat po tito."

"O siya, humayo na kayo sa uulitin binabati ko kayo" sagot ng kanyang ama.

Inihatid na nga ako ni Ibarra at nang dumating na kami sa dormitoryo. Wala ng tao sa paligid sapagkat malapit ng mag alas diyes. Dinala niya ako sa ilalim ng punong mangga sapagkat kakausapinnoa raw niya ako. Pinagbigyan ko nalang muna. Pinatalikod niya ako. Nabigla ako ng may maramdaman akong malamig na bagay sa aking leeg hinawakan ko't nakumpirmang ito'y isang agnos  na hugis puso at may singsing na nakalambitin dito.

"Maria, ang agnos ito ay  palatandaan ng aking panunumpa na sayo lamang ang kalahati ng aking puso. Kahit walang kasiguraduhan ang iyong nararamdaman para sa akin. Ako'y sa iyo, iyong-iyo ako Maria. Mahal na mahal kita, kahit di pa kita pagmamay-ari." madamdamin niyang sabi sa akin at pinaharap niya ako sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mata. Punong-puno ito ng pagmamahal at para akong dinuduyan ang mata niya'y nangungusap.

"Ibarra." pakiramdam ko'y ang landi ng aking boses oara itong namamaos na di ko mawari. "Sigurado na ako" pagpapatuloy ko habang nakatitig sa kanya.

Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang singkit na mga mata at umawang ang kanyang bibig.

"Ano ang ibig mong ipahiwatig Maria?"

"Sigurado na ako sa nararamdaman ko Ibarra. Sinasagot na kita, napaibig mo na ako sa iyo" buong puso kong usal habang dahan-dahang niyuyuko ang aking ulo.

Iniangat niya ang aking mukha. Nakita ko ang luha sa kanyang mga mata habang may galak at ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi

"Maria, ako'y labis na nagagalak, isa lang ang aking masasabi hinding-hindi ka magsisisi. Diyos ko! Ang saya ko Maria!" hinaplos niya ang aking mukha habang titig na titig sa aking mga mata.

"Sana ngay di ako magsisi, mahal din kita Ibarra matagal na pinipigil ko lang" sagot ko sa kanya na titig rin sa kanyang mga mata. Habang siyay nakapikit na tila dinaramdam ang vawat katagang aking sinasabi.

Hinaplos niya ng dahan-dahan ang aking pisng. Unti-unting dinidilat ang mga mata wari'y lasing na lasing. Pinagkatitigan ang aking muhka habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.  Napapikit nalang ako nang dumampi na ang labi niya sa aking mga labi. Parang bolta-boltaheng kuryente ang aking naramdaman. Banayad niya akong hinalikan  hanggang sa unti-unti nang gumagalaw ang kanyang mga labi. Ganito pala ang pakiramdam ng nahahalikan, para akong dinuduyan!

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon