Dos

9 0 0
                                    

Kaagad kung binuksan ang tarangkahan at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Magandang gabi Ibarra, di ka amn lang nagsabi sa akin na ikaw ay bibisita" sabi ko kaagad sapagkat akoy nahihiya sa aking hitsura. Basa pa ang aking suot na damit at ang buhok ko'y hindi ko pa nasusuklay.

"matagal na kasi kitang hindi nakikita dahil pareho tayong abala, pasensya na" nahihiya niyang sgaot sa akin sabay abot ng tatlong piraso ng rosas.

"Nak! Nag-abala ka pa, maraming salamat. Nais ko sanang ika'y papasukin subalit alam mo naman ang alituntunin ditto."

"Oo, bawal ang lalaki. Nauunawaan ko Maria, pero maaari ka bang imbitahan sa hapunan? Ihahatid lamang kita pabalik. Pakiusap." Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Naku, may usapan kami ni Juanito eh."

"Maria, Maria! May tumatawag sa iyong telepono" sigaw ni Clara sa akin na siyang nagpaputol sa aking sasabihin. "Naku pasensya sa istorbo Ibarra, kanina pa kasi ito tumutunog" dagdag pa niyA AT inabot na sa akinb ang aking telepono.

Pagtingin ko ay si Juanito ang tumatawag.

"Kumusta Juanito? " bungad ko sa kanya

"Ayos lang Maria, pasensya na at papaasahin kita. Hahahahaha! Alam mo may gagawin ako ngayon may Gawain na inatas sa amin kaya pasensyahan mo na ako dzai! Sige na't nagmamadali ako, babawi ako sa susunod tatawag ako ulit maya-maya." dire-diretso ang kanyng pagsasalita at hindi ko man lang siya nasagot sapagkat akoy binabaan agad. Napaka talaga ng baklang iyon!

"Ah- eh, sino yun Maria?"

"Ah si Juanito lang"

"Matutuloy ba kayo?"

"Ha? Ah, eh hindi eh"

"Sumama ka na lamang muna sa akin Maria iuuwi din kita kaagad" nagsusumamo niyang sabi sa akin.

" O sige pumapayag na ako" sagot ko sa kanya na nagpakurba ng ngiti s akanyang labi. " Magbibihis muna ako"

"Sige, handa akong hintayin ka, Maria."

"Pero baka.." at tumingin ako sa mga nakikiusyusong mga kasamahan.

"Maria, papasukin na lang muna natin si Ibarra. Dito lang siya sa bakuran." Sabi ni Josefina.

Kung kaya't binuksan ko na ang tarangkahan at pinapsok na si Ibarra. Kaagad akong nagpaalam at nagbihis ng desenteng damit pagbalik ko ay nakaupo si Ibarra sa salumpuwit na nasa labas at kinakausap siya nina Josefina at tinutukso rin paminsan minsan. Siya ay pangiti-ngiti lamang na sinasagot ang kanilang sinasabi.

"Ibarra, alam mo gusto ka na rin ni Maria , pakipot lang yan. Kakayanin mo bang maghintay sa kany?" usisa ni Josefa.

"Oo naman handa akong maghintay para sa kanya. Nauunawaan ko naman siya. Mahirap kasing magtiwala ngayon." Sagot niya habang nakangiti. "Tsaka mahal ko yun, gagawin ko ang lahat para makuha yung puso niya. Di ko man kayang sungkitin ang tala sa kalangitan, di ko man maibigay sa kanya ang salapi at kayamanan kaya ko namang ibigay ang buong puso ko. Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat lahat pagkatiwalaan niya lang ako at bigyan ng pagkakataon" dagdag pa niya

" Nawa'y ganyan kapursigido ang lahat ng lalaki. At sana'y di ka lang sa umpisa ganyan. May ibang lalaki na pinapaasa lang kaming mga babae. Kapag napaibig na iiwanan na. Ingatan mo , ay nandito na pala si Maria". At sabay silang napalingon sa akin. Kimi naman akong ngumiti sa kanila. Nakakakilig pero baka kasi narinig niya ang aking yabag kaya yun nag isinigot niya kay Josefa.

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon