Kuwatro

9 0 0
                                    

Matuling lumipas ang mga araw at si Ibarra ay tuloy pa rin sa panliligaw. Malapit na ang araw ng aming pagtatapos. Nakakasayang isipin na matutupad na ang pangarap subalit kaysakit mamaalam sa mga kaibigan yung mga nakasanayan ay kailangan ng baguhin at kailangan ng harapin ang bagong hamon ng buhay. Tila pinipiga ang aking puso sa tuwing naiisip ko na marami ng magbabago at ang responsibilidad na nakalatag sa akin, handa na ba akong harapin ito? Tinitigan ko ang aking kaibigang matalik na si Juanito, tiyak  malulumbay ako kapag  di na kami magkikita.

"Hoy dzai? Anong iniisip mo? Si Ibarra yan no? Yieee sagutin mo na dzai 'wag ng pakipot masyado kang pa-birhen! Ayy oo nga pala hahahha kahit halik ay di mo pa pala nasubukan. Ku! Sagutin mo na' t nang matikman mo na ang tamis ng unang halik ayieeeee masarap yun dzai! "   eksaherada niyang sabi sa akin habang tila nangingisay sa kilig, nakapikit at yakap yakap ang kanyang mga bisig wari'y may kahalikan!

" Juanito! Maghunos dili  ka bakla ka! Ang landi mo talaga " at piningot ko ang kanyang tainga

" Aba! Wag kang pabebe di bagay sayo dzai mag bebente uno ka na!" sagot niya kaya't mas lalo kong pinisil ang kanyang tainga "Aray Maria! Buwisit tung babaeng to!"

"E di naman yan"
"Wala akong pake tsaka ano ba di ba sa bi ko Anita, Anita ang itawag mo sa akin? Sa alindog kong ito? Juanito tawag mo?" nag iinarteng sabi niya habang umiikot at nag aasta modelo sa harapan ko.

"Anita na, oo na. Magkakalayo na tayo. Minsan na lamang tayong magkikita.  Nalulumbay ako dzai, magbabago na ang ikot ng ating mga mundo. Oo nasisiyahan ako subalit natatakot ako ano na ang magiging buhay ko? Alam mo namang Ulilang Lubos na ako. Pagkatapos nito kailangan ko ng maghanap agad ng trabaho. Nakakabahala. Masaya na nakakatakot yan din yung nararamdaman ko kay Ibarra mahal ko siya pero nakakatakot sumugal" naiiyak na ako habang nagsasalita. Niyakap naman ako ng bakla.

"Tahan na, wag kang matakot iasa mo lahat sa Diyos. Kahit magkalayo tayo kaibigan mo pa rin ako. Kahit abala ako bibigyan kita ng oras pag kailangan mo ako. Ang tunay na pagkakaibigan  di nasusubok sa layo ng isa't isa nalulungkot din ako pero ito ang tunay na buhay Maria" hinahagod niya ang aking likuran.

"Ang buhay ay sugal. Pag nagmahal ka masasaktan ka talaga. Mananatili ka na lamang bang takot? Sumugal ka, itaya mo ang puso mo pero wag na wag mong ibibigay ang lahat. Mas maiging masaktan ka kaysa  mananatili kang nagbabasakali kung ano ang mangyayari. Wag kang matakot masaktan bahagi na iyon ng pagmamahal" dagdag pa niya sabay bitaw sa akin.

"Pero natatakot ako, paano kung sumuko na siya? Kung para sa kanya'y isa lang akong hamon? Magsawa siya? Mahal ko na siya pero di yun sapat para itaya ko ang puso ko"

"Huwag mong alalahanin ang bukas. Ipagdasal mo Maria. Ayos lang na masaktan kaysa ikaw yung manakit yan ang iisipin mo parati." sagot naman niya sa akin

"Salamat Juani-"

"Anita!" pagpuputol niya

"Oo na"  natatawa kong sagot

At sabay na kaming namasyal. Pagkatapos ay nagsimba noon naman dumating si Ibarra at sumabay na rin siya sa amin.  Nagkakasundo silang dalawa at masaya ako roon. Pagkatapos ng misa'y nag aya si Ibarra.

"Maghapunan muna tayo?" aya ni Ibarra

"Basta ba libre mo." malaki ang ngiti ng bakla habang nagsasalita kaya siniko ko

"Oo naman ako yung lalaki eh. At nanliligaw pa kay Maria"

"Pakipot lang yan takot yang masaktan"  sagot ng bakla kaya siniko ko ulit. "Aray ah? Maria! Totoo naman"

"Tumahimik ka!" inis na inis na ako eh.

"Ha-ha-ha" tawa ng dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na silang umuwi  ihahatid ako ni Ibarra.  At sa ibang daan naman ang tungo ni Juanito.

"Mahal ko yang kaibigan ko, ako lang ang may karapatang manakit diyan kaya ingatan mo yan kung di ka seryoso sa kanya tigilan mo na siya" seryoso at may babalang sabi ni Juanito.

"Mahal ko rin siya at pangako iingatan ko siya di ko siya sasakyan di ko yun magagawa. Poprotektahan ko siya hanggat maari" sagot naman ni Ibarra. "Papatunayan ko iyon Juanito"

"Mabuti kung ganoon. O, sige na't aalis na ako mag iingat kayo"  sabay kaway at naglakad na palayo






Author's Note:
This chapter is dedicated to my dearest Vaklush friend HAHHAHAHA Imissyou Joev😘 naiiyak ako Hahhaa 2 years na kitang di nakikita bayoot! Stay safe ka jan😙

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon