Cinco

16 0 0
                                    

Matapos ang kanilang pagtatapos ay abala na ang lahat sa paghahanap ng trabaho. Nakakalungkot lamang isipin na wala akong mauuwiang pamilya sapagkat ako'y ulilang lubos na.

"Bruha sumama ka na kasi" natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ng baklang si Juanito.

"Ayokong maging palamunin sa inyo alam mo yan. At saka maghahanap pa ako ng trabaho batid mo ring wala na akong matatanggap na pera di ba kasi tapos na tayo"

"Di ka talaga mapilit dzai!" at biglang nag seryoso. "Anong balak mo kay Ibarra?"

"Ewan ko ba. Mag-uusap kami mamaya."

"Sige. Yieee kakilig talaga kayo, sagutin mo ahh? At nang matikman mo na ang tamis ng unang halik" wari'y nasa kanyang imahinasyon na ang malandi kong kaibigan habang nakapikit at nakanguso pa!

"Ang harot mo! Pero ano kaya ang pakiramdam niyan?" wari'y dinuduyan ako sa aking pakiramdam nais kong masagot ang aking katanungan!

"Mas malandi kang babae ka!" sigaw niya't sabay hila ng aking buhok. "Aba pipikit ka pa! Hoy babae wag isusuko ang pempem kaagad! Mga unang buwan niyo pwede na yan" sabay halakhak.

"Halik lang ang iniisip ko ang halay mo talaga! Patawarin ka sana ng Panginoon!"

"Ay Birhen na Birhen ah. Ha-ha-ha! Landiin mo na si Ibarra handa naman iyong maging biktima" sabay tawa ulit.  Nakakainis ang malandi kong kaibigan!

Pagkatapos naming mag-usap ay inihatid niya ako sa aming dormitoryo. Nakita kong abala na talaga ang lahat sa pagliligpit ng kanilang mga gamit. Mamimiss ko ang lahat ng mga kasamahan ko dito.

" Maria, sumama ka sa amin mamayang gabi at ng masubukan nating gumala sa bahay-inuman dito sa atin. Tapos namana tayo ee at di tayo maglalasing susubukan lang natin. Pagkataposag inuman tayo dito!" aya nila sa akin.

"Naku! May lakad ako mamaya pasensya na" pero sa loob loob ko'y hindi talaga ako sasama.

"Siguro'y magkikita na naman kayo ano? Sagutin mo na kasi seryoso naman yun eeh. At siyam na buwan na 'yon nanligaw. Nanligaw nga iyon kahit alam niyang may gusto ka pa dati kay Linares ee"  singit naman ni Rafaela.

Tumahimik na lamang ako at tumango. Ayoko ng dagdagan pa ang kanilang sinabi sapagkat totoo naman. Pagpasok ko sa aming silid ay abala a g aking kasama sa pagliligpit.

"Maria, inaaya ka nga pala nina mama sa amin. Kung maaariy sumama ka kahit isang linggo ka lang doon"

"Naku! Kakausapin ko na lang si Tita. Hindi ako pwede e alam mo namang itataguyod ko ang aking sarili. Maghahanap pa ako ng trabaho." kimung sagot ko sa kanya.

"Magsaya ka rin minsan dzai, lagi ka nalang subsob sa pag-aaral ee. Ngayon trabaho na naman"

"Wala akong pagpipilian, wala akong katuwang sarili ko lang ang aking maaasahan. Pasensya na mag-isa lang kasi ako at pero masaya naman ako sa mga ginagawa ko." nakangiti kong sagot sa kanya. " Salamat sa paanyaya Clara."

"Kaya ako humanga sa iyo eh kasi kinaya mo. Binabati kita Maria."

"Kinaya ko at kakayanin ko pa Clara. Iyan ang pinangako ko kina ama't ina bago sila nawala."gumaralgal na ang aking boses." Kahit mahirap kakayanin ko, lalaban ako para sa sarili ko kahit di ko pa alam kung para saan ako. Kung saan ba ako tutungo, kung may halaga pa ba ito" sinugod niya ako ng yakap at iniwan ang tinutuping damit

"Lo vales Maria, solo reza. Dios te guiara" pag-aalo niya.

Bumalik ang aking sipon sa aking ilong pati na rin ang luhang umaagos sa aking mata. Wikang Kastila na naman ang ginamit ni Clara. Wari'y dumugo ang aking ilong, kumawala ako sa yakap at nanlalaking mata na tinitignan siya.

"Lo siento! Ibig kong sabihin mahalaga ka Maria, magdasal ka at gagabayan ka ng Diyos." hingi niya ng paumanhin sa akin.

"Kaya naiinis ako sa iyo ee alam mo namang maliit lamang ang kaalaman ko sa wika niyo eeh." nakangusong sabi ko. Ganyan kasi talaga si Clara kalahating Espanyol kasi at kapag nadala ng emosyon ay wikang Kastila na ang ginagamit.

Nagtawanan na lamang kami habang abala siya sa kanyang pagliligpit at ako nama'y nagbihis .

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon