Diyes

0 0 0
                                    

Sabik na Sabik ako ng makarating sa kanilang lugar at nagpasundo sa kanya sa terminal. Takang taka pa sya ng tumawag ako sa kanya.
"Mahal, pasundo ako dito sa inyong terminal" wika ko sa aking telepono habang kausap siya
"Ano? Pumunta ka dito sa amin ng walang PASABI??!" aniya ng pasigaw.
  Siguro nag aaalala lang talaga. Kaya napangiti ako
"oo mahal a dito na ako" sagot ko ng may ngiti sa mga labi.
" O sige papunta na ako" sagot niya sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang kang mga pisngi ng siya ay dumating. Parang nanlamig ako at binuhusan ng tubig ng di man lamang siya gumanti sa akin.
Pagdating sa kanila ay sinalubong kaagad ako ng yakap ng kanyang mga kapatid at ng kanyang mga magulang pero ang isa sa kanila ay may mapaklang ngiti . Hindi ko mawari pero batid kong nasasaktan ako. Nasasaktan ako subalit di ko alam kung bakit   siguro dala lang ng pagod itong aking nadarama kaya nagkakaganito ako.
  Hinatid niya ako sa magiging kwarto. At umalis siya kaagad ng hindi man lamang ako kinausap.. Napahagulgol na lamang ako.

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon