Nueve

2 0 0
                                    

Palaging bumibisita si Ibarra dito sa amin mula nung naging kami ay palagi niya akong iniintindi. Kaya Lalo ko siya g minamahal kasi binubusog ako ng kanyang pagmamahal.
Makalipas ang semestre ay nagkalayo ang landas namin pero hindi naman niya nakakaligtaan na ako ay bisitahin. O kung di man nakakabisita, tumatawag naman para mangamusta, pero nitong mga nakaraang linggo madalang nalang, ewan ko ba parang ang pangit ng paki ramdam ko.

Matagal-tagal na rin mula ng huli kong makita si Ibarra, nalulumbay na ako't isang linggo na syang abala at di man lamang ako naka kamusta. Gani to siguro kapag nagtagal na. Totoo nga siguro ang sabi nila nagbabago ang lalaki kapag nagtatagal na.

"Maria," sabay tapik sa aking mga bisig kaya ako napatalon. Tiningnan ko ang pinagmumulan ng bosses na aking naririnig si Paula pala. "di pa ba nagpaparamdam si Ibarra?" dagdag niya pa. 

Mababanaag sa aking mga mata ang lungkot na nadarama wari bay kaunting kibot lamang ng aking bibig, tutulo na ang aking mga luha. Hindi ko kayang nagsakita, naiiyak ako.  Kaya ginalaw ko nalang ang aking ulo na nagsasaad na hindi.

Masakit, siyam na buwan na kami at malayo sa isa't isa limang buwan na. At isang buwan ng madalang na siyang tumatawag sa akin. Hindi na tylad ng dati. Hindi na siya ganoon kasabik na makasama at ma kausap ang isang kagaya ko.
"puntahan mo na lamang sa kanilaa" suhestiyon ni Paula sa akin na nagpaliwanag ng aking mga mata at nagpa wala ng aking lumbay.

Kinahapunan ay nag ligpit ako ng mga gamit na dadalhin papunta sa kanila. Bibisitahin ko ang aking iniirog. Ganoon naman kasi dapat, dapat salitan hindi maaring isa lang ang nagpa pakita ng pagmamahal.

Vale la PenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon