PROLOGUE

897 20 0
                                    

PROLOGUE


Dakak Beach, Zamboanga del Norte

NAKAHIGA si Ayna sa buhangin, nakatingala sa langit. Alas nuwebe ng gabi at maliwanag ang langit- napakaraming bituin. Huling gabi na niya sa Mindanao, dahil bukas ay babalik na siya sa Luzon. Tapos na ang trabaho niya bilang social worker. Binigyan siya ng despedida party ng mga kasama at nagkasundo silang mag-overnight sa Dakak Beach.

Nagkaroon sila ng masaganang dinner kaninang alas-sais. Pagkatapos kumain ay nagkayayaang mag-videoke ang mga lalake at ang iba ay nag-inuman. Nakikanta sa kanila ang dalaga pero nang mapagod ay pinili niyang maglakad-lakad sa beach, at ngayon nga ay nakahiga na siya.

Mayamaya ay naramdaman ng dalaga na may humiga sa tabi niya. Si Razel, kasama niyang social worker at isa sa pinakamalapit sa kanya.

“Alam mo, ngayon pa lang ay nalulungkot na ako.” Nilingon niya ang babae. Nakatingala rin iyun sa langit. “Nasanay na kasi ako na kasama ka sa mga projects dito sa Mindanao.”

“Nalulungkot din naman ako. Pero aaminin ko, excited ako sa bagong kabanata ng buhay ko. Matagal ko na kasing pangarap ito e. Simula nang mabasa ko ang buhay ni Princess Diana, gusto ko na talagang makita ang London.”

“Oo nga. Lagi mong sinasabi na pupunta ka dun. Akala ko naman, wishful thinking lang. Yun pala, totohanin mo.”

“Naisip ko kasi, na kapag hindi ko ito ginawa ngayon, baka hanggang tumanda ako e hindi ko na magawa. Di ba?”

“Yeah. Alam ko naman ang sinasabi mo. Ako nga rin e. Iniisip ko na rin na mag-iba ng linya.”

Nilingon niya si Razel. “Aalis ka na rin?” Hindi siya makapaniwala dahil alam niya kung gaano ka-dedicated ang babae sa mga projects nila.”

“Gusto ko rin namang mag-asawa, ano ba!” sinundan iyun ni Razel ng mahinang tawa. “Mahirap magka-lovelife sa ganitong trabaho e. Lagi tayong nasa field.”

“Jowa pala ang dahilan kung bakit iniisip mo nang mag-iba ng trabaho. At least ako, in pursuit of higher learning.”

Sabay silang nag-apir at nagkatawanan. Mayamaya ay napabangon si Razel, sabay turo sa langit.

“Falling star! May falling star o! Mag-wish ka, bilis!”

“Ha?” Nataranta si Ayna, napabangon na rin siya. Nakita niya ang pagbulusok ng isang liwanag. Pumikit siya at mabilis na nag-wish.

“Gusto ko ng jowa!” Sumigaw si Razel. Napahalakhak siya saka sinaway ang kasama.

“Baka mabulabog ang ibang bisita dito sa resort!”

“Ikaw ba, walang balak mag-asawa?” tanong nito sa kanya.

“Ewan ko. Bahala na. Malay mo, sa London ko pala matagpuan si Prince Charming!”

“Sana yun ang winish mo sa falling star!”

“Ang hiniling ko ay sana marami pang stars na magpakita sa atin, para mas marami tayong wish!”

“Oo nga ano?” Agad namang naniwala si Razel sa sinabi niya. Kaya tuluyan nang natawa ang dalaga. 

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon