CHAPTER ELEVEN
MASAMA ang loob ni Tyrone. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi tinanggap ni Ayna ang offer niya. He was willing to spend money for her education- sa kahit saang school sa Pilipinas, kahit sa pinakamahal pa. He didn't care kung gumastos siya ng milyon- basta't huwag lang tumuloy ang babae sa London. It's not as if nasa ibang planeta ang United Kingdom- but still, malayo pa rin.
Hindi siya sanay mamilit sa ayaw sa kanya. Never pa niyang ginawa yun. Wala naman kasing umaayaw sa kanya-- si Ayna lang. Kaya naiinis siya.
He looked at his phone. Gusto niyang tawagan ang babae pero may pride siya. Bakit siya ang unang gagawa ng hakbang gayung ginusto ni Ayna ang umalis? At maraming babae ang magkakandarapa for a chance na makasama siya.
But not Ayna. She's out of your league, paalala ng magaling niyang konsensiya. Lalo tuloy siyang nabuwisit.
Napakataas naman ng tingin ng babaeng yun sa sarili niya. Sino ba siya compared to me? I am rich and famous! Naghihimutok talaga ang kalooban niya.
She's decent and educated. May sarili siyang goal sa buhay at alam niya kung paano yun abutin. Napaismid siya.
Ano pa ba ang gusto niya na hindi ko kayang ibigay? He looked at his phone again. Wala man lang text.
Just accept it na hindi siya tulad ng ibang naghahabol sa'yo at hindi siya affected sa status at kayamanan mo.
Grrrrr..... It was frustrating. Nasanay na kasi siya noon pa man na kapag may ginusto ay agad na napagbibigyan... agad na nakukuha. Magde-demand lang siya or magtantrums. But now it's different. Mismong konsensiya niya ay hindi sang-ayon sa kanya. Feeling niya ay wala siyang kakampi.
“AAAAHHHHHH!!!!!!!!” Hindi niya alam kung gaano kalakas o kahaba ang sigaw niya-- he just wanted to get the crazy feeling off his chest.
Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at halos sabay-sabay na nagpasukan ang kanilang hardinero na may bitbit na palakol, ang dalawang maids- ang isa may bitbit na tubo, ang isa naman may dos por dos saka ang mommy niya na may hawak na hair blower!
“What the--- anong ginagawa niyo?!” He looked at all of them- surprised and confused. Bakit may mga dalang armas sa kuwarto niya ang mga kasama sa bahay?!
“Ser- humiyaw ho kayo ng malakas! Naisip kong pinasok tayo ng kriminal!” Nakatingin sa paligid ang hardinero.
“Oo nga po sir.... yung sigaw niyo abot hanggang gate--” sabad ng isang maid, na itinago sa likod ang bitbit na tubo.
“Ganun ba kalakas ang sigaw ko?” tanong niya- hindi makapaniwala.
“Para ho kayong nakikipagpatayan.... kaya ho napasugod na rin kami,” wika naman ng maid na hawak na dos por dos.
BINABASA MO ANG
Star In My Heart
ChickLitThere are people whom we hate to love. And there are people whom we love to hate.