Chapter Two
GENUINE ang gulat na naramdaman ni Tyrone nang makita niya si Ayna sa bahay nila. His mother never bothered to tell him na darating ang itinuturing niyang babaeng impaktita. Sana hindi na muna siya umuwi sa Corinthian Hills! Sana doon na lang muna siya sa Imperial Suites naglagi, tutal, malaki ang unit niya roon, very cozy at solo pa niya ang lugar. Wala nga lang siyang mga maids doon na taga-linis ng mga kalat at magluluto para sa kanya. Pero para sa binata, mas okay na 'yun, kesa manganib na naman ang buhay niya sa kababata, na kutob niya ay ipinaglihi yata kay Xena, the Warrior Princess!
Simula pa kasi noong maliliit pa sila ay ramdam na ni Tyrone na tila may lihim na galit sa kanya si Ayna. Nasapak na siya nito sa harap ng mga kaklase nila at nahampas na rin ng payong. Binato rin siya dati ng babae ng Barbie Doll nito. Kaya naman takot na siyang lumapit noon sa inaanak ng mommy niya. Kahit lagi siyang pinaaalalahanang kinakapatid niya ang bruhilda- mas pinipili na lang niyang lumayo o kaya ay maglaro ng mag-isa. Mas tahimik, mas safe.
Ang laki ng pasasalamat niya nang lumipat na sila ng Maynila at i-enroll siya ng mommy niya sa Ateneo- at least, all-boys sila sa elementary and highschool. And the facilities were way better! He thought he would never see Ayna again, kasi matagal na siyang hindi nagagawi sa Batangas. Kahit nga nitong nag-artista na siya, kapag doon sa may bayan nila ang event or show, tinatanggihan niya talaga.
Pero unwritten law of the universe nga yata talaga na kung sino usually ang iniiwasan, yun pa lagi ang nakakasalubong!
“What are you doing here?”
Nagkibit balikat lang ang babae, saka kampanteng nagtungo sa sala nila. Umupo doon at parang kurdapyang naghihintay ng mga alipin!
Gigil na sinundan ni Tyrone ng tingin ang kababata. Surely, hindi naman siguro ito ang sinasabi ng mommy niya na magiging bagong PA niya?
“Ako na ang personal assistant and secretary mo,” narinig niyang wika ni Ayna while flipping through the pages of Cosmopolitan Magazine. Parang bored na bored ito sa nakikita.
Promdi ang bago niyang PA? Pero hindi na niya isinatinig ang unang naisip. He just mentally noted na kailangan niyang kausapin ang mommy niya- pronto!
“Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yo na hindi na uubra sa akin ang mga kalokohan mo. Kung noon, kaya mong daanin sa mga pa-cute mo, ngayon ay hindi na,” buong tapang na pahayag ng babae.
“Kelan ako nagpa-cute?”
This is unbelievable, sigaw ng utak ni Tyrone. Pinipigilan na lamang ng binata ang sarili na huwag mainis. May pupuntahan pa kasi siya at ayaw niyang masira ang gabi niya.
“Kaya lang ako pumayag na maging PA mo dahil sa pakiusap ng mama ko at sa kapipilit ng mommy mo. Kung ako ang masusunod, ni ayaw kitang makita, kahit anino mo lang.”
“Don't worry, the feeling is mutual.” Yun lang at tumalikod na si Tyrone, bago pa siya makasapak ng babae- something na ni sa panaginip ay hindi niya kayang gawin. But somehow, Ayna had a way of bringing the devil into the picture.
BINABASA MO ANG
Star In My Heart
ChickLitThere are people whom we hate to love. And there are people whom we love to hate.