CHAPTER NINE

275 14 3
                                    

Chapter Nine

“ANONG ginagawa mo dito?” Nasa mismong sala nila si Tyrone at prenteng nakaupo doon.

Nawala yata lahat ng antok niya. And so what kung nakapantulog pa siya? Wala na siyang time kanina na magbihis pa dahil agad siyang bumalikwas nang gisingin siya ng mama para sabihing may naghahanap sa kanya-- na si Tyrone nga.

“Makiki-bakasyon.” Nakangisi ang lalake. Naka-puti ito ng tshirt, board shorts na gray na may disenyong green na dahon sa gilid saka naka-tsinelas. May suot din itong shades.

“Saan ka magbabakasyon, dito sa Taal?” Nanlaki ang mga mata ni Ayna. Naka-drugs ba itong kausap niya? Akala nga niya nag-Hong Kong na ito!

“Why not? Matagal na akong hindi nakakauwi dito.” Napansin ng dalaga na kung makangiti ang lalake, akala mo'y may itinatagong sekreto!

“So?” Umupo sa sofa si Ayna. “Anong nangyari sa balak mong mag-Hong Kong?” Pero bago pa nakasagot ang lalake, sumingit na ang mama niya- may bitbit itong isang tray ng pagkain. Miyembro ba ng Royal Family ang dumalaw sa kanila? Bakit kasi kung makaasikaso naman ang mama niya, parang national event ang pagdating ng lalake.

“Tyrone, hijo, kumain ka muna o. Alam kong paborito mo itong bibingka!” Inilapag nito ang dalang tray. “May buko pie din saka kapeng barako. May chocolate diyan, baka gusto mo?” Napataas ang kilay ni Ayna.

Hindi naman yata ganito ang pag-asikaso sa kanya ng mama niya kahapon. Nilutuan lang siya nito ng tinolang manok. Siya pa ang nagpabili ng mga kakanin! Bakit ngayon, natataranta ito sa pagdating ng lalake? Obvious ang favoritism- gusto na niyang magprotesta!

“Wow, ang sarap naman nito. Mukhang mapapadalas ho ang kain ko dito ah.” Tinanggal ni Tyrone ang shades saka ngumiti sa mama niya.

Mapapadalas? Malapit ba ang Taal sa Corinthians? Napataas ang kilay niya.

“Ay naku, ikaw naman kasi, ang tagal mong hindi nagawi dito. Ano pang gusto mong pagkain at ipapahanda ko?” Parang si Tyrone ang anak at siya ang bisita kung makaasta ang mama niya! Hindi na talaga makatarungan ito!

“Ako ma, hindi mo tatanungin kung ano ang gusto kong pagkain?” sabad niya. Pero ni hindi siya pinansin ng mama niya!

“Ang mommy mo, nasaan na?” tanong pa rin ng may-edad na babae kay Tyrone.

“Susunod daw po ngayon. Nauna lang ako.”

“Hay salamat naman at makakapagkuwentuhan kami ni Imee!” Nang bumalik sa kusina ang mama niya ay muling binalingan ng dalaga ang lalake.

“Daig mo pa ang Mr Friendship kung chumika sa nanay ko!” puna niya. “Close kayo? Parang ikaw ang anak a.”

“Hoy, matagal na akong paborito ng mama mo,” nakangisi uli ito habang naghihiwa ng bibingkang kasing-laki ng plato. “Ikaw lang naman itong laging bad trip sa akin e.”

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon