CHAPTER EIGHT

246 15 1
                                    

Chapter Eight

“WHY do you hate me so much?” tanong ni Tyrone kay Ayna. Silang dalawa nalang ang nasa condo dahil umalis na ang driver na naghatid sa kanila. Of course iniwan ang Montero Sports niya sa parking lot para may magamit sila kapag gustong umalis.

Hindi tumitingin sa kanya ang babae, abala ito sa kanyang calendar notebook. Pinagmasdan niya ito. And in fairness, maganda nga ito. Simple at hindi na kailangan ng make-up. But still, kapag naayusan, alam niyang mas lalong lulutang ang ganda nito.

Suplada lang talaga, sa isip niya.

“Baka gusto mo akong kausapin?”

“Wala naman tayong pag-uusapan.” Ni hindi tumingin sa kanya ang babae. Ang atensiyon nito ay nasa notebook pa rin.

Tumikhim siya, hoping na papansinin siya nito.

“Nandito na lahat ng schedule mo. Paki-check nalang.” Iniabot ni Ayna sa kanya ang notebook. Pero sa halip na tanggapin yun ay umupo siya sa harap ng babae. Tila lalong nairita si Ayna.

“Look, ano ba ang dapat nating pag-usapan?” mataray na pahayag ng babae. “Ginagawa ko ang trabaho ko. Sinabi mong dito sa condo magstay, fine. Nandito ako. Pero hindi natin kailangang maging magkaibigan dahil this is purely business.”

“Well, tinatanong lang naman kita kung bakit simula noon, mainit na ang dugo mo sa akin. Even when we were kids, inaaway mo ako. Hanggang ngayon, ganun pa rin ang turing mo sa akin. Kalaban. And I don't understand. Kaya kita kinakausap ngayon, dahil baka sakaling maintindihan ko.”

Hindi umimik si Ayna. Nanatili itong nakatingin sa kanya kaya nagpatuloy sa pagsasalita ang binata.

“I know mapagpatol din ako. I admit matigas din ang ulo ko. But napag-isip isip ko that we're not young anymore. Hindi na tayo mga bata para magsumbong sa mga magulang natin. I want us to talk and settle our differences like two responsible adults. After all, we're working together right now.”

“Professional naman akong ka-trabaho. Ayoko nga na pini-personal ako. It's just that, ikaw itong nami-mersonal. Lahat nalang ng gawin ko, pinupuna mo. At nakikinig ka sa sulsol ng leading lady mo na yan,” diretsang pahayag ni Ayna. “Hindi naman kagalingan. May pa-english English pa, e narinig ko, sablay naman ang grammar!”

Muntik nang matawa ang binata sa sinabi ng babae. Only Ayna could say such things!

“Okay. I'm sorry if you felt that way. Hindi naman ako nakikinig sa kanya, believe me.”

“Pero inisip mo pa rin na baka nga inaway ko yung PA niyang maldita rin.”

“Fine. I’m sorry if I entertained such thoughts. But really, aminin mo rin na capable kang makipag-away if you wanted to.”

Tumango ang babae. Hindi na ito nakasimangot. There is hope after all!

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon