Chapter Five
“MAY kailangan ka?” agad na tanong ni Ayna nang makitang hindi maipinta ang mukha ni Tyrone. Naisip ng dalaga na baka gutom ito or kaya ay nauuhaw. Pero naisip niyang may food box naman at cooler ang lalake.
“Saan ka galing?” tanong ni Tyrone sa halip na sagutin ang tanong ng dalaga. “Kanina pa kita hinahanap.”
“Wala pa akong ten minutes na nakakalabas ng tent ah.” Hindi napigilan ni Ayna ang magtaas ng kilay.
Ano ba siya, guwardiya sibil ng Kastila?
“Di ba ang sabi sa'yo wag kang lalayo sa tent?”
“May kinuha lang ako sa kotse!” Hindi maintindihan ni Ayna kung ano ang ipinagsisintir ni Tyrone gayung sa parking lot lang naman siya pumunta. “Kinuha ko ang backpack ko kasi gagamitin ko ang laptop ko.”
“Totoo yan pare. Ako pa nga ang nagdala para sa kanya kasi mabigat,” hindi nakatiis na sabad ni Colby. Itinaas pa nito ang JanSport ni Ayna.
Tiningnan ni Tyrone ang hawak ni Colby at tila lalo pa itong nagalit.
“Excuse us ha, mag-uusap lang kami,” ani Tyrone sa kasamang artista saka hinila sa isang tabi si Ayna.
“Bakit ganyan ka kung makatingin? Parang ang laki ng kasalanan ko ah,” sita ng dalaga sa kaharap.
“Are you flirting with Colby?”
Nagulat si Ayna sa narinig. Hindi niya inaasahan na masasabi ni Tyrone ang ganun! How dare he! Biglang tumaas ang dugo ng dalaga.
“Excuse me? Mukha ba akong malandi?”
“You tell me.” Matigas ding sagot ng lalake. “Ikaw itong kabago-bago lang pero nagawa mo nang makipagmabutihan sa mga kasama ko.”
Huminga muna ng malalim ang dalaga bago sumagot. Baka kasi hindi na niya mapigilan ang sarili.
“Nakikisama lang ako. Anong gusto mo, magsungit ako sa kanila? Hindi ako ipinanganak na bastos!” Abot na yata hanggang ulap ang inis na nararamdaman sa kaharap. Naisip niya tuloy- kapag ba sinuntok niya ang mukha nito at masira e makukulong siya?
Malamang, sagot ng kanyang konsensya.
“Just do your job and stay away from my co-actors. Mas malala ka pa pala sa mga dati kong naging PA!” yun lang at tumalikod na si Tyrone.
Naiwan si Ayna na nanginginig sa galit. Namuo na ang luha sa gilid ng mata niya but she was not going to cry. Hinding-hindi siya iiyak dahil lang sa isang lalake. Lalo na sa bruhong si Terrano!
Hanggang sa matapos ang taping ni Tyrone ay hindi talaga ito kinibo ng dalaga. Tahimik lang si Ayna sa labas ng tent the whole time. Ni hindi na siya nagbukas ng laptop- nakinig na lamang siya ng music sa iPod niya. Maging si Colby ay hindi na rin muna lumapit sa kanya- siguro ay nahalata ng lalake na bad trip si Tyrone sa kanila.
BINABASA MO ANG
Star In My Heart
ChickLitThere are people whom we hate to love. And there are people whom we love to hate.