CHAPTER ONE

412 16 0
                                    

Chapter One

"ANONG ibig niyong sabihin na may offer na trabaho sa akin? Anong klase? Saan?” duda si Ayna nang sabihin sa kanya ng mama niya na may naghihintay na trabaho sa kanya sa Maynila.

“Hay naku anak, madali lang ito. Para ka lang namamasyal. Kikita ka pa ng malaki. Mantakin mo yung thirty five thousand monthly para lang maglakwatsa!” Mas excited pa yata sa kanya ang mama niya habang nagkukuwento. Lalo tuloy siyang nagduda kung anong klaseng trabaho yun.

Di kaya ibinubugaw na siya ng sarili niyang ina para maging isang escort girl? Yun lang ang alam niyang trabaho na may involved na lakwatsa. Ang sasama sa mga turistang foreigners kapalit ng dollars! Pero hindi naman ganun ang mama niya. In fairness ay disente ang pamilya nila. Hindi rin naman sila naghihirap para maisipan ng mama niyang pasamahin siya sa mga turista.

“E anong klaseng trabaho po ang sinasabi niyo? Bakit malaki ang sweldo?”

“Naku, madali lang! Kaya nga kung ako sa’yo, grab this na!” ani pa ng mama niyang tunog kolehiyala ang lenggwahe.

“Baka naman droga ang involved diyan kaya malaki ang sweldo? O di kaya prostitusyon? Mama ha, baka ibinubugaw niyo na ako!” biro niya pero hindi nawawala sa isip niya ang pagdududa.

“Gaga! Kelangan ni Tyrone ng personal assistant at secretary, sasama-sama lang sa mga shooting niya at mga guestings. Yun lang ang gagawin! O di ba madali lang, ang laki ng sweldo!”

“Sinong Tyrone?” Clueless siya sa sinasabi ng mama niya. Di niya type ang pangalang tunog turon! Baka magmukha siyang saging.

“Si Tyrone, yung artista! Yung anak ng ninang Imee mo!”

“Si Terrano Montes?” Natigilan siya, sabay simangot.

Of course kilala niya ang ugok. Ilang beses niyang nakalaro ang lalake noong nasa kinder pa sila. At lagi siyang ginugulangan ng herodes! Sinira pa ang kaisa-isang Barbie Doll niya.

“Di ba siya si Tyrone, yung sikat na artista ngayon? May teleserye gabi-gabi.”

“Hindi po ako nanonood ng local channels. At wala akong hilig sa mga local na artista.”

“Uy, Ayna, tigilan mo ang pagmamaldita diyan ha. E kung ipatanggal ko ang cable sa kuwarto mo nang matuto kang manood ng mga teleserye. Dapat nga tangkilikin mo ang sariling atin, hindi yung puro nalang TV series sa US ang pinapanood mo.”

“Yuck. Kung katulad din lang ng Terrano na yun ang makikita ko, huwag nalang. Cartoons nalang ang panonoorin ko.”

“Malaking pera ang trenta y singko mil! Huwag kang maarte diyan!” Pinandilatan pa siya ng mata ng mama niya.

“Mama, kampon ng diyablo si Terrano. Mawawalan kayo ng unica hija kapag hinayaan niyo akong magtrabaho sa kanya. Lalasunin ako nun, maniwala kayo!”

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon